Press Release
July 31, 2018

TRANSCRIPT OF GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW

Q: Ano po ang lumalabas dito sa hearing?

Sen. Grace Poe: Ang lumalabas dito ngayon, ang ipinapangako nilang tulong sa mahihirap ay hindi pa rin nakakarating. Ang mga drivers, majority sa kanila, halos lahat na sa kanila, hanggang ngayon wala pa rin 'yung pinapangako ng gobyerno na fuel vouchers. Nagkakagulo ang implementasyon dahil hindi masyadong nag-coordinate ang mga iba't ibang ahensya ng gobyerno.

Q: Magkaka-delay daw ang jeepney modernization?

Poe: 'Yun nga ang problema, gusto natin ng jeepney modernization pero hindi naman nakaplano nang mabuti kung paano maa-afford ng mga drivers natin ang mga bagong jeep, paano ang phaseout nila e kung ang mismong subsidiya na dapat ay galing sa TRAIN--nandiyan ang pera--hindi nila ipinamimigay? Paano nila matatapos itong modernization? Basta para sa akin, hindi makatarungan at hindi makatao ang ginagawa nila ngayon sapagkat marami ang naghihintay ng tulong pero hindi nakakarating.

Q: Ano ang takot natin kapag natuloy yung modernization?

Poe: Kapag natuloy ito, ang mga drivers natin na mawawalan ng pasada o trabaho, wala silang kabuhayan. 'Di ba ngayon, ang dami na ngang walang trabaho, tapos aalisan mo pa sila? Puwede naman silang magkaroon pa rin ng modernized fleet kung mayroon lang tamang loan system na kaya nilang bayaran at mayroong subsidy mula sa gobyerno. Pero kapag hindi 'yan ibinigay, talagang mawawalan sila ng hanapbuhay, 'yun ba ang gusto natin? 'Di ba ang gusto nga natin dagdagan ang trabaho.

Q: May mga fear po kasi ang ibang senators na ma-tamper ang elections sa 2019, naniniwala po ba kayo na posibleng magkaroon ng cheating sa 2019?

Poe: We have to remain vigilant, alam naman natin kada eleksiyon ay may peligro talaga na magkaroon ng dayaan. Hindi ba hanggang ngayon mayroon pa ring protesta? Mabuti kung malayo ang agwat ng mga kandidato pero kapag magkakadikit ay talagang delikado, kaya nga sinasabi ko nga na dapat sa mga polling centers magkaroon ng mga CCTV 'yan. Hindi lamang 'yon, ang dayaan, hindi lamang doon, pati 'yung bayaran 'di ba? So 'yung mga bagay na 'yan sana ay maresolba talaga dahil susi sa pagkakaroon ng maayos na pagpapatakbo ng gobyerno ang maaayos na tao sa gobyerno. At hindi magiging maayos ang mga tao sa gobyerno kung sa umpisa pa lang ay nandaya na sila. 'Di ba yung iba nando'n pa nga hanggang ngayon?

News Latest News Feed