Press Release
July 25, 2018

Sen. Bam on Charter Change and TRAIN 2
(Transcript of media interview)

Q: May clear stand ba yung opposition on Charter Change?

Sen. Bam: Yung Senado nagkaisa na rin na kailangang ituloy muna yung mga hearings natin sa committee level. Magkakaiba yung panig namin tungkol sa Federalism at Charter Change but one thing we've agreed on and have taken a stand on this matter is kailangang ituloy ang mga hearings ni Senator Pangilinan sa Committee on Constitutional Amendments. Kailangan maging malinaw na ang taong bayan ay naiintindihan na ang mga pinag-uusapan na mga posibleng pagbabago. We took a stand na di kami papayag sa "No Election" scenario. Hindi kami papayag na madaliin ang proseso ng Charter Change. Even the Senate President, on his speech, said na "Kung yung mga maliit nga na bagay ay kailangan ang Senado, dapat sa ganito kaimportanteng bagay ay maririnig din ang boses ng Senado." The committee hearings will continue at ang pinakamahalaga dito ay matuloy ang eleksyon. Ang eleksyon po ay isang haligi ng demokrasya. Hindi tayo pwedeng pumayag na mawala ito o ma-postpone ng basta basta. Importante na matuloy ang election natin. The Senate, as a body, took a stand on this. Importante rin na alam ng taumbayan itong mga nagyayari sa ating bansa ukol sa Charter Change.

Q: Do you share the fear of some senators na baka ang aim ni GMA is Prime Minister?

Sen. Bam: For her to be able to push that, or for Congress to be able to push that, ang ibig sabihin po nun ay bubukas na ang proseso ng pagbabago ng ating Konstitusyon. I think that the Senate was very clear that before any decision will be done here, kailangan muna itong mas pag-usapan pa sa ating mga committee hearing.

In short, we are not following the timetable originally set out by Congress and Speaker Alvarez. Ang nasabi po ni Speaker Arroyo ay hihintayin po niya ang plano ng Senado at palagay ko po, kailangan pa niyang maghintay ng matagal-tagal pa. Itong mga committee hearings natin ay magpapatuloy po. Gusto rin natin marinig ang lahat ng panig ukol dito sa Charter Change. Nakita natin na libu-libo na ang nagmartsa sa labas ng SONA laban sa Charter Change. Kailangan marinig din natin ang kanilang mga saluobin. So far, we've heard it from the legal experts, we've heard it from the ConCom na baka ngayon panahon na talaga na hingin din natin ang mga ibang sector kung ano ang kanilang mga pananaw dito sa Charter Change.

In the last hearing, nabanggit ko na maganda naman yung hangarin ng ConCom, na magkaroon ng economic benefits yung ating mga kababayan pero yung mga solution nila ay puro political, so parang kulang. Ang tinutukoy nilang problema ay economic pero ang solusyon nila ay political. Makikita naman natin sa draft na karamihan ng pagbabago ay political in nature.

I think we need to include the businessmen, mga negosyante, at yung taong bayan natin at marinig natin ang kanilang saluobin sa pagbabago ng ating consitution. Sayang naman kung sa kahaba-haba ng proseso, magkakaroon pa ng plebisito, sa dulo ng lahat yung mga bagay lang na mahalaga sa ibang mga politiko yung magbabago yung term extention, yung coverage ng aming panunungkulan. Yun lang ang magbabago?

Ang hinahanap ng taong bayan ay: "Paano po gaganda ang buhay namin dito sa Charter Change?" I think unang una na mahalaga ay hindi natin madaliin yung proseso, ipagpatuloy yung mga hearing sa constitutional amendments committee. Huwag tayo magpabully na bilisan o madaliin itong napakahalagang proseso na ito, at marinig talaga natin yung totoong gusto ng taong bayan na makita dito sa posibleng pagbabago ng constitution.

Q: Yung minority, hindi naman ba kayo totally against charter change? Ano po ang posisyon niyo?

Sen. Bam: We've made a stand regarding the No-El. Some of us have been working with the group. May bago na pong grupo na one of the leaders here is former Usec. Nene Guevarra looking at the changes in the Local Government Code. Baka pwedeng kung i-amend yung local government code, hindi na kailangang dumaan sa isang Charter Change, maibibigay naman natin yung mga hinihingi ng Local Government Units. Kadalasan naman po, based on my own experience with the local mayors and governors, yung concern nila ay kakayahan nila na ibigay ang serbisyo na hinahanap ng kanilang constituents - ito naman po ay usapin ng sharing at pera. We've come to a conclusion with a number of groups na hindi naman kailangan baguhin ang charter para ibigay ang hinahanap ng ating mga local leaders. Pwede na pong i-amend yung local government code at maibibigay na po natin ang hinihingi nila na kapangyarihan at kakayahan na mas magbigay ng serbisyo. This is another route that we can take.

Kapag binukas po natin yung charter, mayroon na yang pwedeng baguhin sa transitory provisions na pwede na pong magtagal ang ilang mga pinuno sa ating bayan. Nandyan na ang pangamba sa ating ekonomiya, yung pangamba ng mga pagbabago sa political structure ng ating bansa. Pero kung nakafocus tayo sa local government code, baka sapat na yun para maibigay natin ang hanap ng mga local leaders. That's another avenue.

I think at this point, the senators have agreed to take a step back. Huwag tayong madala sa mga pangyayari o pagmamadali ng mga ibang pinuno at hayaan natin na yung tamang proseso ay magawa dito sa Senado. I think the Senate can take the lead in assuring the public na talagang yung mahahalagang bagay sakanila yung mapag-uusapan. Hindi lang yung mga bagay na mahalaga sa politiko.

Q: Kaya ba medyo mapakla sa inyo yung charter change ay dahil ba dun sa pinapalutang na No-El scenario?

Sen. Bam: Cross-party, wala talagang may gusto ng No-El scenario. Kapag pinopostpone niyo na yung election, parang binabakbak mo na yung haligi ng demokrasya natin.

It's a slippery slope. Delikado talaga yan. We, absolutely, will not agree to a No-El scenario. We will not agree na tatanggalin yung Senado sa proseso. Paulit-ulit po kami dito, hindi lang ang minority, pati na rin ang majority.

Yung papel ng Senado ay mahalaga sa posibleng Charter Change at hinding hindi kami papayag na matanggal kami sa proseso. Hindi rin kami papayag na madaliin ang prosesong ito. Kung yung ibang mga batas nga po, taon-taon siya bago maipasa. Do we really expect na isang Charter Constitution na ganito kahalaga matatapos ng dalawa o tatlong buwan? Syempre kailangan bigyan ito ng tamang pagpapahalaga. Nakita rin natin sa surveys na yung taong bayan, di naman talaga malinaw sa kanila kung ano ba talaga yung mga pinag-uusapan. Mahalaga na i-include natin ang taong-bayan through the hearings. I think the hearings are the best venue upang masigurado na lahat ng sector ay talagang mayroon silang venue na pwede nilang ilabas ang kanilang gusto makita sa Charter Change.

Q: Sir, si GMA kasi known sya nung time nya na gusto nya rin talaga ng Parliamentary form of government. So what is iratsada ng House, ang Senate hindi mag-aadjust sa House?

Sen. Bam: They can't do it. You cannot do a Charter Change without the Senate. Hindi pwedeng wala yung Senado. All of the experts that we've had, kahit yung mga pabor sa pederalismo at pabor sa Charter Change, sila rin ang nagsabi na hindi mo pwedeng gawin ang prosesong ito kung hindi kasama ang Senado.

Q: Knowing GMA, what she was like, ano yung mga fears niyo about her as speaker now?

Sen. Bam: Nakakabahala yung nakita natin nung araw ng SONA. Sabi ko nga, public display of power grab yung nangyari. They could have done it on Tuesday. They could have done it another day pero mukhang namadali itong prosesong ito.

Nabastos ang mga taong nandun. Nabastos yung international community. Kahit yung presidente, sa totoo lang, nabastos siya na pinaghintay siya ng 45 minutes o isang oras. Pero nandito na tayo. This is where we are. Mahalaga siguro na kung sino man ang liderato, coming from the minority, sa tingin naman whether its Alvarez or GMA, ang mahalaga dito ay hindi minamadali ang proseso, nirerespeto ang mga proseso na nandyan sa ating consitution.

Mahalaga na bigyang pansin ang kailangan ng tao. Yung Charter Change, makikita mo sa survey, na wala naman sa top 5 na concerns ng tao pero siguro baka top 1 or 2 ng concern ng politiko. Yung tao hindi naman talaga yan ang kanilang hinahanap. Ang hinahanap nila na ma-adress ay yung presyo ng bilihin, yung trabaho, yung kakayanan na tustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Yun naman ang kailangan bigyan ng pansin.

Ngayon na masasabi natin na the Senate has taken the stand na hindi namin mamadaliin yung Charter Change, sana ang pwede naman nating bigyan ng pansin ngayon ay yung talagang mahalaga sa taong bayan. In the next few months, you know by October, filing na yan, mahirap na magpasa ng bagong lehislatura. I'm hoping that we can focus on these matters na mahalaga sa taong bayan.

Q: Personally, how do you see GMA as the new speaker? She is what the president has not been espousing. GMA is contrary to the anti-corruption drive.

Sen. Bam: Yung mga taong pinipili ng pangulo reflects on him more than it reflects on all of us. Kitang kita naman ng mga tao yung nangyari nung Monday na hindi naman talaga maayos at hindi talaga maganda yung pamamaraan nung nangyari. At this point, yung mahalagang tignan natin is will this Congress still push for a Charter change gaya ng ginawa ni Speaker Alvarez, na hindi naman talaga mahalaga sa taong bayan. Or will it now, hopefully, and I'm hoping that it will do the opposite and focus on the matters na mahalaga sa taong bayan. Kami rin dito, ngayong na malinaw sa amin na itong charter change ay hindi mamadaliin and it will not take up our legislative calendar, we have time. May oras na magfocus para dun sa mas mahalagang bagay para sa taong bayan.

Q: Sir, in-ensure po ni GMA na hindi niya ipu-push yung No-El, so can we rely ba sa kanyang statement?

Sen. Bam: Sabi nga niya, hihintayin niya ang Senado at mas maghihintay pa siya kasi sabi namin, hindi namin mamadaliin ang proseso dito. We will make sure na yung hearings natin ay inclusive talaga. Lahat ng mga grupo, bibigyan ng chance na makapagsalita at ilabas ang kanilang saluobin.

Q: Do you mean to say na yung target na plebiscite by May 2019 is impossible?

Sen. Bam. I don't think it's going to happen. Honestly, tingin ko hindi ito mangyayari. Masyadong mabilis yung timetable na yan. Ngayon, ang Senado ay nagkakaisa na na kailangan ituloy ang mga hearing at payagan ang taong bayan na makilahok sa proseso.

Q: Kasama daw sa agenda niyo kahapon yung TRAIN 2, na hindi aaksyunan sa Senado?

Sen. Bam: Well, I think the majority floor leader already mentioned na wala pang nagfi-file dito sa Senado ng TRAIN 2 version. I think that's 2 years signal already that nobody wants to take it on.

Hindi pa ako nakaka-move on to TRAIN 2. TRAIN 1 pa rin po ako. Kasi alam naman po nating madami pa rin pong napeperwisyo ng TRAIN 1. Sabi ko nga po papayagan ba natin na pagdating ng January 2019, which is just a few months from now, papayagan pa po ba natin na magdagdag ulit ng buwis sa ating diesel, gasoline at kerosene?

Parang masyado na tayong masokista niyan kung papayagan nating tumaas ulit ang presyo habang alam naman nating marami pa ring problema ang TRAIN 1.

I sent a public statement about this, yun po ang hinihintay ko at marami rin po sa mga kababayan natin. Kasi ang SONA ina-address ang mga pangunahing problema ng ating bayan. Nabanggit niya na maraming natutulungang mahirap ang TRAIN 1 at alam naman po natin na kabaliktaran po ang nangyayari at marami po ang napeperwisyo dahil sa pagtaas ng bilihin. Tama nga naman po nandiyan ang pagtaas ng krudo, pagbaba ng piso yan po ang nag papataas ng presyo ng bilihin pero hindi pa rin po natin maipagkakait na ang TRAIN ay nagpapataas din ng presyo ng bilihin. At sabi ko nga anong ibibigay mong aksyon? Yung dalawang bagay na wala kang magagawa o yung bagay na pinatawan mo sa taong bayan.

Ang kaya lang aksyunan ay ang TRAIN. Nagfile na po tayo ng panukala and we're hoping that the majority can take a serious look at this measure. Palagay naman natin ay reasonable itong measure na ito habang mataas ang ating inflation at nakita natin ngayong July na tumaas nanaman to 5.3 ang ating inflation, kailangan ng paraan upang pwedeng i-roll balk at i-suspend ng gobyerno yung mga buwis sa ating petroleum products. That's the bill that we filed, and I was hoping na kahit konting senyales lang po sa Malacanang na mula po sa Presidente na kailangan pong aksyunan ang mga presyo ng bilihin, this is a clear way to address that.

Pero kung ang sasabihin lang natin ay magtiis kayo, parang hindi naman po iyon katanggap-tanggap sa taong bayan. Na iyon na lang po ang mai babanggit tungkol dito na sa tingin namin pangunahing problema ng mga kababayan natin ngayon.

Q: Sir kasama po ba ito doon sa priority measure na binanggit sa Senate hearing?

Sen. Bam: Well I talked to Sen. Migz about it already, kase usually, priority measures are found in your committee and this is not in my committee. But I talked to him about it yesterday at sabi ko nga ito naman finile natin nakapasa po ito sa Senado because this was part of the Senate version of TRAIN, napagbotohan na po namin ito noon na may safe guard ang train based on inflation. Unfortunately, sa final version tinanggal po ito.

Ang hinihingi ko lang po ay ang magkaisa kami, ibalik ang safeguard na ito upang kapag mataas ang inflation, tulad ng nararanasan natin ngayon, may mekanismo ang gobyerno na pwedeng i-roll back at i-suspend itong pagtaas sa ating petroleum products. Palagay naman po namin ang tinarget namin yung pangunahing aspeto ng TRAIN Law na siyang nagpapataas ng presyo ng ating bilihin. Kung ito ay matukoy at ma targeted strike natin, hopofully without throwing away the whole law magkakaroon po ng paraan na pwede pong ma aksyunan itong patulog na pagtaas ng bilihin.

Q: Sa safe guard, pag-umabot ng anung inflation?

Sen. Bam: If it breaches the target range for the Central Bank, and this year ang target range niya ay 4%. 2 to 4 percent. Matagal na tayong nag breach in fact this is the forth or the fifth month lagpas na po tayo sa 4%. Sa forecast ng BPS lagpas na sa 4% yung average na sinasabi nila 4.3% na. Ibig sabihin niyan, ito pong pagtaas ng inflation sa ating bansa na hindi nila inaasahan. Kasi ang binanggit sa akin ng DOF noon hindi lalagpas ng 3.9% ang inflation. Ito pong pagtaas ay senyales na totoo po ang inflation.

Kaso kapag nagsasalita po ang nga economic managers ipapamukha nila na hindi naman totoo na tumataas ang presyo habang alam naman ng taong bayan compared to last year na ang taas na po ng itinaas ng presyo ng bilihin. And again I'm hoping na itong economic, hindi ganun ka-political sana mabigyan na rin ng aksyon.

Q: Why would the president a contrary of that? Was he being fed the wrong information?

Sen. Bam: Baka ibang information ang nakukuha niya. For example, iyong nabanggit na meron ng 4 million na nabibigyan ng tulong at may 6 million pang parating. Doon po sa batas dapat po noong January pa iyong 10 million na iyon.

That's the reason why, bakit tayo nag-no during the ratification. Hindi maibibigay ang tulong kasabay ng pagtaas ng bilihin. Ayan po ang dahilan kung bakit tayo nag no sa TRAIN Law. At ngayon ipagmamalaki na 40% completion na yung dapat 100% completion noong Enero. Obviously hindi yan accomplishment. Dapat yung binabanggit, minamadali na ito dahil nakakahiya sa taong bayan. Kahit may pondo ito, hindi pa maibigaybigay sa taong bayan.

Q: Hindi lang minority, united ang Senate na babanggain nya ang gusto ng president na TRAIN 2?

Sen. Bam: Right now, we've had some commitments from the minority. Some members of the majority have expressed concern pero pagdating sa actual na panukala wala pa po tayong nakukuha na numero sa ating mga kababayan, sa mga colleagues ho natin. But I'm hoping na again yung free tuition ayaw rin naman ng mga economic managers yan pero nag kaisa ang Senado dahil ito ang kailangan ng taong bayan. So I'm hoping that this is another time that we can come together pwede po namin bigyan ng pansin ito bigyan ng lunas at aksyon ito pong problema na napakabigat na po sa taumbayan.

Q: Yung pagpush ng TRAIN 2, solid kayo na you will not push for TRAIN 2 yet?

Sen. Bam: As far as the minority is concerned, we are not filing for any version. Coming from the press statement of Sen. Zubiri earlier, i think the majority is not filing for a version also.

Q: Iba pa dun sa pag nagbreach dun sa 80 dollar per barrel?

Sen. Bam: In the Senate version, may dalawang batayan yung safe guard: the price of crude per barrel, and based on inflation. Pagdating sa final version, natanggal yung based on inflation. Yung problema kasi natin sa based on crude per barrel posibleng mag 79 yan, 78, 0 77 ng isang taon na mataas na yung presyo ng bilihin, mataas na yung presyo ng krudo, pero hindi siya lumalampas ng 80. Kasi very volatile yan. Kahit lumagpas man siya pero hindi namaintain at bumaba ito ulit, balewala nanaman ang safe guard. Based on inflation kasi, it takes on to account the effect on prices of goods in general. Hindi lang yung presyo ng krudo. I think it's a better standard. Mas magandang batayan po siya para magkaroon ng safeguard. Ang panukala natin ay gusto nating ibalik ang safeguard na ito. Na kung hindi nila tinanggal, nakasuspend na itong Train even probably as early as May. Reasonable naman yung panukala natin. Hindi naman natin binabasura yung buong batas pero yung parte lang ng batas na tingin namin nakakasama sa taong bayan. Kung mahirap ka, yung inflation sa iyo ay mas mataas. It has a higher impact on you. Kumbaga, yung 5.3, mas mataas yan sa mga kababayan natin na naghihirap. Pag nag-iikot kami, itong jeepney drivers na kausap namin, yung pagtaas ng diesel, kailangan nila itong tustusan. Sabi ko nga "Gaano ba kahalaga itong isa o dalawang piso per liter na dagdag?" Sabi nila, "kung isuma-suma niyo yan, para sa amin, isang meal na yan." Mahalaga ito sa ating taong bayan. At merong epekto yan sa presyo sa ating bayan.

Q: May commitment ba na binigay sa inyo si Senator Grace nung kinausap mo siya?

Sen. Bam: They'll look at it again. I know it's difficult for a body to go against one of the priority measures. The way I see it, this is a safe guard. Dapat nga i-welcome ito. Kasi nabibigyan mo ng safeguard ang ating gobyerno kapag masyado nang mataas. Don't forget nung unang beses sinuggest yung TRAIN Law in 2014 by the World Bank, ang presyo ng krudo ay napakababa. I think it was less than 40 dollars per barrel. By the time pinagbotohan naitn ito, 55 dollars per barrel na. Ngayon 70+ per barrel na. So tama ba yung timing naitn sa batas na ito? Kung titignan niyo ang pagbaba ng pesos sa dolyar, yung pagtaas ng krudo, maybe maganda yung hangarin pero parang maling mali yung timing ng batas.

Q: In general, ano yung projection niyo, babalik ko lang sa Cha-Cha and No-El, kapag talagang pinilit ng House, ano yung mag-he-head-on banggaan yung Senate and House? Di kayo mag-gi-give in?

Sen. Bam: The Senate have agreed and have taken a stand na hindi kami susunod sa timetable ng ibang grupo o ibang institution. We will have our own timetable because mahalaga po ang pinag-uusapan. Hindi kami papayag na madaliin yung proseso. We will have our own timetable at ang status natin ay ituloy ang mga hearing, payagan ang taong bayan na makilahok at ilabas ang lahat ng issue upang mas lumalim ang pagkakaalam natin sa issue. This is one of those times that the Senate has cross-party. Yung mga panahon na nag-wo-work po cross-party and Senado and we work as one are the times we were able to pass meaningful reforms. Sa free education, nagkaisa kami dyan. Sa BBL, at ngayon ay nagkakaisa kami sa charter change. Mahalaga na ibigay ang tamang oras at proseso. Di kami papayag sa No-El at di kami papayag na mamadaliin tayo ng kahit anong grupo.

News Latest News Feed