Press Release
July 24, 2018

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE'S INTERVIEW
GMA News to Go with Kara David
July 24, 2018

MS. KARA DAVID: Nakita natin ang katatapos lamang na State of the Nation Address ni Pangulong Duterte, makakausap natin live mula sa Quezon City si Sen. Grace Poe, magandang umaga po sa inyo, Senator Poe. Salamat at pinaunlakan ninyong muli ang aming imbitasyon. Matagal na po namin kayong iniimbitahan at timing naman na ngayon ay kakatapos lamang ng SONA makukuha namin ang inyong pahayag. Good morning po, senator.

SEN. GRACE POE: Hi, magandang umaga, Kara at sa lahat ng nanonood, good morning po.

DAVID: Okay, una sa lahat senator, ano ang masasabi ninyo sa ikatlong SONA ng Pangulo?

POE: Alam mo, ako, personally nagustuhan ko ang tono ng ating Pangulo ngayon. Mas malumanay siya, wala siyang direktang tinira or minura. Puwedeng panoorin ng mga bata nga ang kanyang naging talumpati. Maganda ang mga sinabi niya tungkol sa pababain niya ang presyo ng bigas. Pero, siyempre may mga ibang bagay na hindi niya siguro nasabi dahil kulang ang oras niya.

DAVID: Ano po sa tingin ninyo ang kulang? Ang sinasabi ninyo po na hindi niya nasabi at importante pong natalakay sana?

POE: Papaano ba talaga tayo makakabuo ng mas maraming trabaho sa pamamagitan ng mga proyekto ng gobyerno na siyempre ang iba talagang naaantala hanggang ngayon. Gusto ko ring malaman sa Pangulo, ano ang gagawin niya sa pagtaas ng presyo talaga ng bilihin. Ang humihinang piso, ang ekonomiya natin na hindi naman tayo talagang mapupunta sa bangin dahil sa mga nangyayari ngayon. 'Yon ang siguro--at saka ang TRAIN 2 na hindi mahihirapan ang ating mga kababayan kapag ito ay naaprubahan. At sana, bagama't binanggit nga na ang West Philippine Sea ay atin, sana naging mas matapang pa siya.

DAVID: Nakulangan po kayo doon sa sinabi niya kasi sinabi niya na kahit nakikipagkaibigan tayo sa China ay hindi ibig sabihin nito ay isusuko na ang ating soberanya?

POE: Well, oo naiintindahan ko ang diplomasya kasi hindi niya puwedeng bara-barahin doon. Pero siguro sa ibang pagkakataon maaaring i-detalye ng Pangulo kung ano ba talaga ang ating paninindigan ukol dito.

DAVID: Nabanggit ninyo po ang TRAIN Law specifically ang TRAIN 2. Kayo po ay bumoto pabor doon sa TRAIN 1. Paano po maipapaliwanag ito doon sa mga ordinaryong mamamayan kasi ito ang isa sa mga sinisisi ng mga mamamayan kung bakit nagtataasan ang mga presyo ng mga bilihin ngayon?

POE: Alam mo, Kara, ang TRAIN 1 dapat iyan kapag tumaas ang presyo ng krudo at aabot ng $80 per barrel, talagang sususpendihin 'yan. Minamalas tayo sapagkat nakabadya lamang sa $78, $77, hindi umaabot ng $80, so hindi mo masususpinde. Pero ito, sinuportahan natin, dahil alam natin na kailangan ng gobyerno ng pera. 'Yon lang BBL, malaki ang bayad diyan pati ang mga pagtayo ng kalsada. Pero dapat inilabas muna nila ang tulong para sa mahihirap katulad ng pagbibigay ng dagdag-pondo para sa conditional cash transfer, pagbibigay ng vouchers sa mga drivers, at kung anu-ano pa. E hindi na-iimplementa agad kaya nararamdaman ng pinakamahihirap ang nagiging sanhi nito. Kaya ako, parang feeling ko, nagkulang talaga ang gobyerno dahil dapat sabay sa pagtaas ng buwis, sabay din ang paglabas ng tulong na hindi nagawa.

DAVID: You think enough itong binibigay na tulong doon sa mga tao? Correct me if I'm wrong, parang P2,400 per year ata ang binibigay sa mga nangangailangan ng tulong para maibsan nga itong effects ng TRAIN.

POE: Hindi 'yan sapat. Pero siyempre, kailangan din nating isipin na ang ating mga kababayan ay magkakaroon na din ng ibang kabuhayan. Kaya nga ang mga proyekto ng gobyerno dapat mabilis na na-iimplementa. Katulad lang halimbawa, 'Build, Build, Build,' dapat 'yan mas maraming construction jobs. Kaya lang ang DOTr hindi nga nagagasta ang pera na dapat gamitin na nila para sa mga proyekto na iyan. Kaya nga parang balewala ang TRAIN kung hindi naman ito makakalikha ng trabaho. Ako na mismo ang siguro tututol dito sa susunod.

DAVID: Okay, so iyon nga po ang susunod kong itatanong. Pumabor po kayo doon sa TRAIN 1 pero after 'yung performance ng gobyerno with TRAIN 1, are you willing to support TRAIN 2?

POE: Kailangan nating tingnan kung ano ang napapaloob sa batas na ito. Alam mo, Kara, sa ating mga kababayan na may maliliit na negosyo, maaring makatulong ito kung babawasan ang babayaran ninyong buwis sa Corporate Income Taxes. Pero, ang mga maliliit talagang negosyo ay wala namang korporasyon din 'yan. Ang layunin nito ay para ang mga negosyong malalaki, mas maliit ang babayarang buwis at mas makakalikha sila ng maraming trabaho sa matitipid nila. Ang tanong, talaga bang maglilikha sila ng trabaho? So, dapat nakalagay diyan sa TRAIN, kung meron kayong pagbabawas ng buwis, ilang trabaho ang maibabalik ninyo sa ating mga kababayan? So, kailangan talagang pag-aralan muna iyan bago ito aprubahan.

DAVID: Bukod po doon sa SONA ng Pangulo kahapon ay may isa pang pangyayari na pumukaw din sa isipan ng maraming tao na nangyari din doon sa Kamara, ito nga pong coup d'etat doon sa Kamara at pagluluklok kay Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo bilang House Speaker. Didiretsahin na po namin kayo kasi alam ko po na inaakusahan ninyo na dinaya ang inyong ama noong 2004 Presidential elections ni ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. What are your thoughts on this, itong pagluluklok sa kanya bilang House Speaker?

POE: Not to overstep the process of the House, I know that they have their own internal rules, pero siyempre 'pag nakikita ng ating mga kababayan ang kalituhan at ang parang pulitika na nangyayari na gano'n para bang agawan puwesto na nauso noong administrasyon niya 'di ba. Para bang ang pangit ng simbolismo na 'yon at mensahe. At isa pa, alam mo nabanggit mo, dahil nagkaroon ng dayaan noong election ng 2004, hindi na 'yon, huwag na natin balikan 'yon. Balikan na lang natin ang mga iba pang anomalyang nangyari noong administrasyon niya. Tandaan nga ninyo kung anong mga nangyari noon, mga payola, mga kurakot, ang mga bagay na ipinaglaban natin para maalis sa gobyerno. Balikan nga natin kung ano'ng halaga ng piso noong mga panahon na 'yon P56 sa bawat dolyar. Tandaan nga natin ang presyo ng gasolina noong mga panahon na iyon. Tandaan natin ang mga binibigyan ng payola, pati ang mga pari. Ganyan ba ang gusto nating maging ehemplo ulit ngayon? Ngayon ang tanong, siya na ang namumuno. Okay, proseso nila 'yan, ako ba ay makikipag-cooperate sa nagiging proseso? Trabaho ko iyan, pero hindi ako titigil na ipaalala rin sa ating mga kababayan at sa ating Pangulo na ibinoto ng ating mga kababayan na ang plataporma ay laban sa korupsiyon, na ang importante sa lahat ay ang mga nagkasala ay hindi makalusot.

DAVID: Okay, sa isang panayam po senator, nagbabala kayo ng posibleng Arroyo Presidency, can you explain this further?

POE: Salamat sa pagpapaalala. Sa ating mga kababayan, alam ba ninyo na 'pag ang agenda ng parliamentary system na itinutulak nila ay matuloy, magiging kapantay ng ating Pangulo ang kapangyarihan ng isang Prime Minister at kung ang Prime Minister na diyan ay si Gloria Arroyo, siya na ang mamumuno sa atin ulit, kung ok sa inyo 'yan, kayo naman ang may kapangyarihan 'di ba. Pero ang problema nito, sa isang parliamentary system, ang mamumuno ay ang mga miyembro ng Kongreso at wala tayong kinalaman na diyan.

DAVID: So sa tingin ninyo itong pagpapalit ng liderato sa House, this is directly related 'yung pagsusulong ng federalism?

POE: Alam mo, there's no denying na si Gloria Arroyo, magaling iyan at efficient. So, siguro kung mayroon kang gustong itulak, maaari siyang maging epektibo. Pero ano ang itinutulak mo? Natural inilagay siya diyan kasi nga may kapabilidad siya. Pero sana, ang maalala ng ating mga kababayan, ang Kongreso ay para diyan hindi para sa politikal na gusto nila kundi ano ang makakabuti sa ating mga kababayan. Buti na lang sa ngayon, may Senado pa--kahit may pagkukulang rin kami, hindi kami perpekto--may Senado pa na hahantungan bago maipasa ang ano mang batas na gusto nilang ipasa. Akalain ninyo kung iisang House na lang iyan, wala nang Senado, parang--baka mas madaling magkaroon ng lutuan.

DAVID: Okay, Senator, for the record, are you in favor of federalism or for Charter Change?

POE: Sa ngayon, Kara, kailangan kong basahin nga ang kanilang proposal pero ang ating bansa ay maliit ha, kung hahati-hatiin pa natin at pare-parehong pamilya ang mamumuno sa bawat rehiyon, mas maghihirap ang ating bansa, mas magkakawatak-watak tayo. Mas magkakagulo tayo sa sistema ng pederalismo na isinusulong na gusto nila na hindi pa siguradong anti-dynasty. Kaya para sa akin, hindi ngayon ang napapanahon na naghihingalo pa ang ating ekonomiya na paghihiwalay-hiwalayin mo ang mga rehiyon at hindi tayo nakakasiguro kung sino ang mamumuno sa bawat lugar na 'yan.

DAVID: Okay, na-mention ninyo iyong anti-dynasty provision, so I suppose pabor po kayo na palakasin itong anti-dynasty provision, pero kasi noong morning session ng Kamara sinabi rin ni Congressman dating House Speaker Alvarez, na kung ipapa-strengthen daw itong anti-dynasty provision, i-extend din daw ang term limits. Your reaction on this?

POE: Bakit hindi puwedeng parehong lagyan ng--bakit parehong--hindi, dapat nating isama 'yan kailangan may term limits dahil 'pag sawa na ang tao pero may pera ang isang tumatakbo, minsan alam mo naman may mirakulong nangyayari sa kampanya. Hindi puwede, dapat may term limits. Pangalawa, hindi rin puwedeng may dynasty kasi kung hindi, pare-pareho na lang ang mga mamumuno kaya nga parehong hindi dapat iyan isama.

DAVID: Senator, sang-ayon po ba kayo na maghalal ng transition President at Vice President kapag nanalo sa plebesito itong federal charter?

POE: Depende kung kailan kasi iyan, pero bago tayo, ang termino ng ating Pangulo at Bise Presidente ay hanggang (2022) hindi 'yan puwedeng buwagin dahil nasa Konstitusyon iyan. Ngayon, transition? Gustuhin ko man o hindi, kung ang taumbayan ang hihiling niyan. Pero sana pag-aralan muna natin kung anong klaseng pagbabago ang gusto nilang itulak.

DAVID: Alright, maraming salamat po sa inyo sa pagpapaunlak sa aming imbitasyon, Sen. Grace Poe.

News Latest News Feed