Press Release
June 24, 2018

KAPIHAN: BALITAAN SA MAYNILA | TAMBAY ISSUE | INFLATION | TRAIN | PRRD & GOD | THIRD TELCO | CHINA DISPUTE | TINAPAYAN FESTIVAL DAPITAN

[start recording]

Tambay issue

Actually itong "anti- tambay operations" ng police ay nakakalito ho talaga because ang pag iistambay ay hindi naman po labag sa batas. I would really like to encourage the PNP instead of "Anti- Tambay".. "Anti-Pasaway na lang dapat. Yung pag-iinom, pag-susugal sa kalye ay pinagbabawal. In fact, sa Valenzuela meron na po kaming ordinance na bawal uminom, magsugal at bawal manigarilyo sa Valenzuela. In fact meron nang executive order ang pagbabawal na paninigarilyo in public places para maiwasan ang second-hand smoke. Yung actions ng mga istambay yung masama, kaya nga ho dapat gawin na lang ng PNP ay "anti-pasaway" dahil yung mga pasaway ang dapat huliin at pagmultahin.

Ang kagandahan ho dito, we just elected our barangay officials, karamihan ng pinangbabawal katulad ng pag-inom sa labas at pag sugal, ito po ay local ordinances. In fact, itong mga barangay tanod, pwede nang manghuli at sawayin yung mga umiinom sa labas. These are very local activities, kaya hamon natin ito sa mga bagong barangay officials na ipatupad nila ang kanilang mandato. Wag na ho nilang antayin ang ating pangulo na sabihin sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin dahil nasa kapangyahiran na nila na gumawa ng mga ordinasa para sa kaayusan ng kanilang barangay.

Galing daw sa taas ng PNP ang utos ng anti-tambay?

Actually marami na hong LGUs ang may oridnansa tungkol sa pasaway tulad ng pagiinom o pagsusugal. The Mayor can implement this, in fact maraming LGUs meron na yung tinatawag natin na Public Order Officers na pwede manghuli at mag-detain ng mga pasaway sa barangay halls. Issue diyan kung saan ilalagay yung mga detainees?

Actually ang normal procedure ay dalhin muna ang mga detainees sa barangay hall at doon sila ipro-proseso lalo na pag minor dahil meron silang mga DSWD at social worker doon. Minor offense, or tinatawag natin non-index crimes sa barangay hall po yung typically dinadala doon. Kapag sa presinto ho, doon lang dapat sila dinadala sa labas ng kulungan. Typically yung mga nasa loob ng kulungan ito po yung mga nagkamit ng serious crimes tulad ng murder, etc. Sa akin experience, dahil matagal din ako sa local government, typically pag minor crimes pinagsasabihan lang, piangmumulta at may ibang LGUs pinag co-community service katulad ng pagwalis ng kalye. So may mga ganitong ordinansa, but then again this is very local kaya dapat gumalaw ang ating lokal na pamahalaan para ma-implement ang mga ganitong public order ordinances.

Senate to investigate this tambay issue?

Sa ngayon wala nam an pong intention to launch an investigation. Dapat nga lang linawin natin kung ano ang intention ng mga pulis sa operasyon na ito. Kaya nga ho ang kanilang campaign na "Anti-Tambay" ay very confusing dahil hindi naman ho pwede na porket nakatayo ka lang sa kalye ay huhuliin ka na at dadalhin sa presinto. Ang dapat huliin dito yung mga pasaway na umiinom , nagsusugal. Hindi naman ho pwede yun, kaya dapat linawin ng kapulisan na ang kanilang ini-implement ay ang local ordinances ng LGUs.

High cost of gas?

Dapat ho nating maintidihan ang pinaka basic, ang bansa ho natin almost 99.5% ng langis natin ay imported so ibig sabihin yung kinakarga natin sa ating sasakyan ay galing abroad, it comes from the Middle East. Yung kuryente natin kalahati niyan imported din. So ibig sabihin bawat gusot sa Middle East at bawat galaw ng presyo sa pangdaigdigang merkado, sigurado ho apektado tayo dito. Beginning of the year nagkagulo ho sa Iran, Syria at Middle East, nung sumipa po yung presyo sa international markets, apektado po tayo agad. So nakikita ho natin last year ang presyo ng langis ay 50 dollars per barrel ngayon nasa 70 dollars per barrel na so napaka laki ho ng taas ng presyo ng langis. On top of that ang peso vs dollar ay bumaba na rin, ngayon nasa 53 pesos na tayo per dollar. So itong dalawang pangyayari na ito makaka apekto sa atin. Kaya in the long run dapat ho talaga maghanap tayo ng indigenous sources, sariliing nating langis at kuryente. Dahil kung import tayo ng import in the long run bawat gusot sa ibang bansa eh apektado tayo.

This is the effect of TRAIN?

In any tax reform importante ang timing. Marami pong iba't ibang bansa who constantly have tax reforms pero tinitignan muna nila yung mga possibleng situwasyon sa mga susunod na taon dahil hindi ka pwede implement ng implement ng tax reform dahil nga marami pong mga bagay na di natin kontrolado. Ang naging issue ho dito ay tanong na; bakit na-implement itong TRAIN kasabay sa pagtaas ng presyo ng langis at pag depreciate ng peso? nag sanib-sanib itong mga dahilan. Kaya itong tax reform nakapekto din sa pagtaas ng mga bilihin dahil nagpatong ho ng 2.50/liter ang tax reform. But having said that, nakapaloob ho sa tax reform ang pagbibigay ng ayuda to up to 300 pesos for 10 million families. Dapat na mabigay yung Unconditional Cash Transfer (UCT) para hindi po pabigat sa pagtaas po ng mga bilihin. Ang nakakalungkot ho, hindi pa po fully implemented itong 300 pesos para sa 10 million pamilya. Doon kami nagkakadismaya dahil nakasaad ho ito sa batas, may pondo itong nakalaan, almost 20 billion ang nilagay dito pero hangang ngayon hindi pa rin ito na i-implement. Kaya nagkakaroon ng issue dahil pinagusapan ng mabuti ito pero hanggang ngayon hindi wala pa rin implementation.

TRAIN law--- plans in legislation?

Maraming nangyayari sa buong mundo. If you look at the controversial trade war, mga sinsabi ni Trump, mga nangyayari sa Middle East at North Korea lahat ng ito may impact sa atin at sa ating ekonomiya. So ito ay mino-monitor natin constantly. On a daily basis, tinitignan natin yung pagtaas o pagbaba ng presyo at yung forecast ng krudo. I will not discount the fact that in the future we might actually suspend the implementation of the second round of the tax reform kasi kung matatandaan natin three rounds to 2.50 peso, 1 peso then 1 peso and every year magtataas ng excise tax on oil. Yung first year kasama ho dito yung pagbibigay ng tax break sa mga kumikita ng 250,000 and below. So this year, nagtaas ng presyo ng langis pero nagbigay naman tayo ng tax break dun sa mga kumikita ng 250,000 and below, pero 2019 wala nang pang-tapat. Pag lumagpas ng 80 dollars ang presyo ng krudo then baka pwede na nating suspendihin ang tax reform. So we are closely monitoring, kaya importante na alisto tayo palagi.

Will you wait til 80 dollar per barrel?

Legally, in the TRAIN law dapat pumalo ng 80 dollars for three consecutive months but we cannot discount other factors like peso exchange rate. Wala naman sa TRAIN law but makikita natin very volatile ito. What if lumagpag ang 50 peso ang exchange rate? so there are other factors that may lead to the suspension of the second round. This is just a recommendation para hindi mabigat for the consumers, -- if need be, mabigat na talaga for our consumers and may compelling reason, I will support the resolution to suspend the tax reform.

PRRD calling God stupid

Without pin pointing any religion ang masasabi ko lang my Mother is a pastor, hindi namin maisip na magsabi ng masama patungkol sa ating Panginoon. Ang aking agam-agam diyan, maraming batang kristiyano na tinuturuan natin na respetuhin ang Panginoon.

Third telco player

Magandang balita ho yan dahil in order to reduce the prices of cell phones, sms and mobile internet dapat talaga may third player. Kulang talaga and dalawa player lang. In fact makikita ho natin sa maraming report na ang Pilipinas ay ang may pinaka mabagal pero pinaka mahal na internet. Pero nakakutwa dahil may isang report by an independent rating agency, ang tawag ay Akamai, na nag sasabi na bumilis daw ang internet sa ating bansa sa kadahilanan na may papasok na third player. So biro niyo, papasok palang ang third player, pwede naman palang bilisan ang internet. Nagkaroon lang ng banta eh pwede palang bilisan, eh pano if andiyan na yung third player? Edi mas bibilis and serbisyo netong dalawang company. It is a good development dahil one thing I support is the determination to push for the third player, you really need political will to get them in. Nagkaroon nga kami ng hearing at nadiskubre naming na binili na pala ng dalawang players na ito ang lahat ng frequencies para hindi makapasok ang third player pero dahil nga may political will, binawi na ng administration and frequencies at binigay na sa third player, kung walang political will mahirap po talagang pumasok ang third player.

In our country there are two modes to get frequencies unang-una pag napatunayan mo na ang frequency ay hindi ginagamit, pangalawa bibilhin mo. Dito sa atin wala pa hong auction na nangyayari, dito, kailangan mo patunayan na hindi ginagamit ang frequencies therefore pwedeng gamitin. Ang frequency ho, taong bayan po ang may-ari niyan, Estado po, tayo po, pinapahiram lang natin sa telecom campanies, katulad sa ibang bansa.

Who is the third telco?

From what I know may Korean and Chinese, ito yung mga pinaka aggressive na naga-apply dahil unang-una kailangan mo ng malaking capital para mag operate ng third telco, kailngan conglomerate para siguradong may capital na pwedeng ibuhos.

VP dismayado kasi parang pinapamigay na daw ang ating mga isla sa China?

Well in my opinion po hindi naman ho literally pinamimigay yung mga isla natin ng Pangulo, in fact, meron tayong matibay na legal basis from the Permanent Court of Arbitration na nagsasabi na tayo po ang may karapatan sa EEZ. Di naman ako naniniwala na pinapamigay ng ating pangulo yan. Ako po ay naniniwala na ating foreign policy is really a delicate balancing act na ginagawa ng ating administration tungkol sa usaping West Philippine Sea. Sa akin lang, gusto ko lang ihikayat ang administration, dahil sa ngayon mukang maganda naman ang relations natin with China at habang bukas ang communication, na wag na nila ipagdamot yugn livelihood o kita ng ating mahihirap na mangigisda, this is for humanitarian reasons dahil ito po itong ating mangingisda doon lang sila kumukuha ng kanilang pagkakakitaan. Dapat bigyan natin ng pansin ang ating mahihirap na kababayan.

[end recording]

News Latest News Feed