Press Release
May 30, 2018

DOORSTOP INTERVIEW WITH SFNP ON SOLGEN CALIDA

Q: Sir, ano yung specifically yung hinihingi niyo sa...kay Justice Secretary Calida (Menardo Guevarra)?

SEN KIKO: Well, binigyan niya naman ako ng assurance... Sabi ko nga, marami pang impormasyon na lumalabas, marami pang nakikitang dagdag pa na kontrata. So, ang kahilingan natin sa Secretary of Justice ay pagka mayroong dagdag na impormasyon na malikom, dahil last week lang nalaman ito, ay dapat i-review niya yung kanyang posisyon na...yung presumption of validity. At sinabi naman niya iyon, I think, publicly he was interviewed, na bukas siyang tingnan muli itong kanyang naging posisyon.

Q: Pero sabi niyo, Sir, na kahit nandun sa papeles yung pangalan ni Sol Gen Calida, hindi ibig sabihin noon ay mayroon ng guilt from his end dahil daw--

SEN KIKO: Well, hindi ko narinig yung...I don't know what he said.

Q: --during the interview, Sir.

SEN KIKO: "Hindi ko alam kung anong naging basis niya. Well, I have to... hindi ko narinig yung sinabi niya. So ang point ko lang dito is, we're asking him to review the position he has taken dahil may mga impormasyon pang lumalabas tungkol nga dito sa usapin na ito. At, ah, sumang-ayon naman siya na handa siyang tingnan muli ito, kung mayroong dagdag na mga impormasyon pang lalabas at nakikita na natin. May mga report na sa Rappler at iba pang mga balita na hindi lamang pala 150 million, umaabot na ata ng 261 million na mga kontrata. So, palagay ko, this should be basis for him to be able to review yung kanyang posisyon.

News Latest News Feed