Press Release
May 29, 2018

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW

Q: Yung kay Castriciones, macoconfirm po ba?

Sen. Grace Poe: Nanaig ang boto na siya ngayon ay ma-confirm na, sapagkat 13 ang bumoto para sa kanya, dalawa lang ang nag-object.

Q: Ano basically yung naging reason? Paano yung voting result kay Castriciones?

Poe: Siyempre tinalakay natin yung mga dahilan ng mga nag-object sa kanya, yung mga oppositors niya. Pero inisip naman nung iba na bumoto para sa kanya na ito ba ay malalagay pa sa ayos. Ang isa sa mga objection, yung mga oppositors sinasabi na hindi siya nakikipagkita daw sa mga organisasyon ng mga magsasaka e napakahalaga yon sa kanyang posisyon, kaya isa yan sa mga naging kondisyon na kailangan ay puntahan niya at pakinggan niya ang kanilang mga hinanaing, at i-distribute na yung mga CLOA, dapat matapos na yon or maayos niya na mas maging efficient at mabilis ang distribution.

Q: Lusot siya sa committee ninyo, tomorrow ifo-formalize yung confirmation?

Poe: Oo sa plenary, kaya bukas ang sponsorship sa kanya. Pero ipapaalala ko siguro sa aking sponsorship speech, bagama't nanaig at nanalo siya at na-confirm siya, marami siyang dapat isaayos at dapat siguro ay wag din maging vindictive siyempre doon sa mga nag-oppose sa kanya. Hindi ko naman sinasabing magiging gano'n siya pero lehitimo naman yung mga concerns nila.

Q:...sinasabi na hindi kaya yung P750 na wage hike sa minimum wage earners. Aside from that, kikilos na yung regional wage boards, pero ano ba yung magagawa ninyo dito sa Senate to cushion the impact of the TRAIN law and inflation?

Poe: Yun na nga, dapat naman talaga, nagco-convene yung mga wage boards para i-evaluate. Yung sa amin, 'di ba kapag meron kang ginawang batas kailangan ay i-review mo kung ito bang batas ay nagiging epektibo--kasama iyan ng ating oversight. Ang malinaw ay 'pag pumalo ng $80 per barrel ang krudo sa merkado ay pwedeng i-suspend talaga yung tax doon sa fuel. Kung mangyari iyon ay dapat ipairal natin ang batas. Ngayon, habang hindi pa nangyayari iyon, nakikita na natin na tumataas nang tumataas na ang presyo ng bilihin. Bago kasi...noong nagkaroon ng bicameral deliberations, mayroon pang safeguards doon na nakalagay na kung ang rate of inflation ay napakataas, pwede ding isuspend. Marahil ay pwede nating balikan iyon at tingnan natin kung kailangan bang amyendahan ang TRAIN law. Siyempre mambabatas kami, kailangan din naming pakinggan ang iba't ibang sektor pati na rin ang Department of Finance (DOF), ano ang kanilang naging evaluation dito.

Q: Dito sa Senate from your end, wala kayong intention na mag-file ng bill supporting wage hike?

Poe: Gusto muna nating pakinggan ano ba talaga, kasi siyempre kailangan talagang makatarungan ang sweldo ng ating mga kababayan at lalung-lalo na kung walang magagawa ang gobyerno sa pagtaas ng presyo ng bilihin ay talagang merong panggagalingang dahilan kung bakit itataas pero hindi rin ito pwedeng biglaan. Kailangan nating tingnan kung kaya rin ba ng ating mga businesses na ito'y i-shoulder kasi sila rin naman ay natatamaan ng impact, kasi bibili sila ng supply, nagbabayad rin naman sila ng kuryente. So talagang yung puno't dulo nito ang pagtaas talaga ng presyo--kaya kailangan nating tingnan kung kailangan bang amyendahan ang TRAIN law or definitely ipa-suspend yung tax sa fuel kung pumalo sa $80 per barrel na ayon sa batas iyon.

Q: ...

Poe: Para sa akin nga pakinggan natin ang rekomendasyon ng DOLE lalung lalo na ngayon na hindi pa malinaw sa atin ang polisiya pagdating dito sa nangyayaring pagtaas ng presyo na napakabilis. Papaano nga naman marami nang nagrereklamo na umaaray sila so siyempre kung hindi mapapababa ang presyo ng bilihin e parang nagiging lohikal na dapat tumaas din ang sweldo. Kaya lang kailangan natin talagang tingnan kung anong mas mabuting solusyon, papaano bababaan muna ang presyo ng mga bilihin.

News Latest News Feed