Press Release
May 29, 2018

Transcript - Ambush Interview of Senator JV Ejercito
May 29, 2018
PICC

Re: TRAIN law

Siguro ngayon ang tamang panahon para i-reconsider ng economic managers iyung aking unang mungkahi noong kainitan ng TRAIN debates na sa halip na itaas natin ng masyadong 'yung excise tax on petroleum dahil nga nag-aalala ako sa inflationary effect na ngayon ay nangyayari na, ang proposal ko noon ay itaas natin ang tobacco taxes na mayroon pang space, kaya pa. Kung ikukumpara mo sa buong Asya, pinakamura pa rin ang presyo ng mga sigarilyo at tobacco products dito sa Pilipinas.

Sa akin, ngayon ay marami ang nanawagan na suspend muna ang TRAIN law lalo na ang excise taxes on petroleum, siguro ang solusyon ko diyan para hindi naman basta lamang i-suspend para yung mawawalang revenue ay kunin po natin sa tabacco tax.

I would, again, ipu-pursue ko uli ito itutuloy ko yung aking mungkahi noon na itaas pa natin ang taxes on tobacco products. Two birds with one stone yan, makakakuha na tayo ng much needed revenues para sa pangangailangan ng ating pamahalaan and, at the same time, it will now become a health measure na mabawasan na rin 'yung talagang mga nagsisigarilyo.

News Latest News Feed