Press Release
May 11, 2018

TRANSCRIPT OF SNBA INTERVIEW
DZRH

QUESTION: ...forget. Ito ba'y, alamin natin kung nagkasundo na sina Senator Nancy Binay at Sen. Antonio Trillanes. Ano naman kaya kay dating Vice President Jojo Binay. Sen. Nancy Binay, Ma'am, magandang umaga po sa inyo. Good morning.

BINAY: Magandang umaga po sir Deo at syempre magandang umaga sa nakikinig at nanonood ng inyong programa.

QUESTION: Deo lang po Ma'am.

BINAY: Congratulations po.

QUESTION: Maraming salamat po Senator. At kasama po natin si Atty. Cam. Good morning po.

BINAY: Good morning din po Atty. Cam.

QUESTION: Ayan, Cheryl Adame Molina-Inlong. Anyway, pano kayo nagkabati Ma'am? Nakakatuwa naman ano ha? Sino ang lumapit, ikaw o si Sen. Antonio Trillanes ang lumapit po sa inyo at nakipagbati?

BINAY: Siya ho yung lumapit. Actually, bago ho kami nagbreak, Holy Wednesday ho ata yun e. So sabi ko nga, tamang-tama mag-e-Easter so kumbaga pare-pareho, bagong buhay kami.

QUESTION: Ano Ma'am, nag "I am sorry" ba siya sa inyo?

BINAY: Hindi naman ho directly na may "I am sorry", nagpaliwanag lang ho siya. Pinaliwanag lang ho niya yung kung saan siya nanggaling.

QUESTION: Alam mo naman kaming mga babae, kapag may nagreach out na sa amin malambot ang aming puso. Ganun ba yun? Yung aming ano, unti-unting nagme-melt. Basta halimbawa meron kaming hindi nagka-unawaan tapos lumapit ka sa akin, di ka man magsorry pero the mere fact na nagreach out ka na, ayun na yun Lakay.

BINAY: Saka Atty. Cam, ano yun e (unintelligible) sitwasyon ko dahil (unintelligible) lang kami sa Senado. 22 na lang kami, ang hirap ho ng sitwasyon, magkakasalubong kami sa hallway, (unintelligible) kung aarte ka na wala kang nakikita pero may tao kang (unintelligible).

QUESTION: Dedmahan ano ha?

BINAY: Ang hirap ho nung ganung sitwasyon. Actually ho ngayon, wala ng ganun. Dati nga ho, kadalasan naghahagdan na lang ako, kasi ang hirap pag may nakasabay ka sa elevator. So ang hirap ng awkward moment, so at least nakapag-usap na kami. Kumbaga we both are moving on.

QUESTION: Kasi mahirap talagang pag-aralan ang plastic 101 Lakay pag di ka sanay. (laughs) Di mo kayang makipagplastikan lalo na't meron kang dinadamdam na (unintelligible). Pero ngayon ok na talaga Lakay. (unintelligible) wala nang awkward na mga scenario na magaganap.

BINAY: Hindi rin maganda yung may bitbit ka na mga ganung hinanakit at sama ng loob. It's not a good thing for all of us. Siguro yun ang magandang ituro, i-impart sa ating mga kababayan, yung matuto tayong magpatawad at makalimot sa mga hinanakit na pinagdaanan. At kailangan din nating matutunan, kumbaga mga lessons learned, sa proseso na yun.

QUESTION: San kayo nag-usap ma'am? Sa inyong opisina o sa opisina ni Sen. Trillanes, o sa hallway lang?

BINAY: Hindi ho, nilapitan niya ho kasi ako habang nagse-session ho kami, nilapitan niya ho ako sa la mesa ko, tapos sabi ko "Sige dun na lang tayo mag-usap sa Senators' Lounge". Actually nakakatuwa nga ho kasi tuwing may pumapasok kaming colleague dun sa lounge namin, masarap hong kunan ng picture yung mga reactions nila. (laughs) Parang gulat na gulat at saka dalawang beses kaming tinitingnan na parang totoo ba itong nangyayari na ito.

QUESTION: Hindi ba kayo kinunan ng litrato habang nag-uusap ni Sen. Trillanes?

BINAY: Meron ho, I think si Sen. Loren ata.

QUESTION: E ang tanong dito ngayon Sen. Nancy Binay Ma'am, so ano ang paliwanag ni Sen. Trillanes bakit ganito katindi ang kanyang expose noon, banat laban sa inyong ama at pamilya?

BINAY: Katulad din ho nung binibigay niyang explanation noon, na I think may koneksyon ata dun sa Peninsula ata. I think yung sa Peninsula.

QUESTION: Yung coup attempt.

BINAY: Hindi daw tinupad ng aking ama, ang dating Vice President ang usapan nila. So parang ganun ho yung explanation niya. Kung ganun, walang isang salita hindi raw karapat-dapat na mag-occupy ng mas mataas na posisyon.

QUESTION: Wala bang kinalaman sa kandidatura sa pagkapresidente ng iyong ama at ni dating Secretary Mar Roxas Ma'am?

BINAY: Parang hindi na ho niya pinaliwanag ng ganun. Kasi yun lang yung explanation niya sa akin. Dahil nga raw sa usapan na yun.

QUESTION: E si Vice President Jojo Binay ma'am, ano po ang kanyang reaksyon? Magre-reach out din ba ang Sen. Trillanes kay VP Jojo Binay?

BINAY: Yun ho, hindi ko alam. (laughs) Siguro, mas maigi ho na tanungin ninyo si Sen. Trillanes kung gagawin niya yan. Ang maganda ho ngayon ang ating dating Vice President e very active ho siya sa Bible study ngayon so...in fact, kaya siguro mas madali ko rin napatawad at nakapag move on pagdating kay Sen. Trillanes e kasi parang ganun din ho yung ginawa ng aking ama. Di ba, siya nga ho mismo ang tumawag kay Mercado para sabihin na pinapatawad na niya. So I think dun ho ako natuto.

QUESTION: Isa pa Sen. Binay ma'am, bilang chair ng Senate Committee on Tourism, ipapatawag niyo nga ba ang mga Tulfo brothers kaugnay sa issue ng P60 million tourism advertisement?

BINAY: Actually, pagbalik ho namin sa Tuesday iintayin ko lang ho yung referral kasi ako ho may finile (file) and I think si Sen. Trillanes meron din ho siyang finile (file) na resolution. So iniintay ko lang ho kung marerefer ho siya sa committee on tourism e iischedule na ho natin yan. So siguro antayin na lang natin by Tuesday kung ano ho ba yung magiging referral ng mga iba't-ibang resolution. Kasi hindi ko rin ho alam baka pwede ho siyang marefer sa Blue Ribbon dahil it involves government officials e.

QUESTION: Sen. Nancy Binay ma'am, maraming salamat magandang umaga po sa inyo.

BINAY: Maraming salamat din po and congratulations po sa inyo.

QUESTION: Thank you very much ma'am. Sen. Nancy Binay.

News Latest News Feed