Press Release
May 9, 2018

TRANSCRIPT OF SENATOR NANCY BINAY INTERVIEW
Radyo5

QUESTION: ...walang iba kung hindi si Senadora Nancy Binay. Hi Senadora Nancy, good morning.

BINAY: Good morning po Ka Orly, good morning po sa lahat ng nakikinig ng inyong programa.

QUESTION: Kunin po namin ang reaksyon po ninyo dito sa resignation and also meron nang inappoint ang ating Pangulo. Si Undersecretary Bernadette Rumulo-Puyat ng Department of Agriculture ay itinalaga bilang bagong DOT secretary. What's your reaction to these very fast developments yesterday?

BINAY: Unang-una Ka Orly welcome development yung mga nangyari kahapon. Unang-una, dun sa resignation ni Sec. Teo, at least ngayon si Presidente e kumbaga hindi na niya poproblemahin pa itong isyu patukoy dito sa problema ni Sec. Teo, pwede na siyang magconcentrate sa problema natin sa Kuwait at sa iba pang problema. At ako naman po ay nagagalak dahil kumbaga ho ay pinakinggan ni Presidente Duterte yung panawagan natin kahapon na sana mag-appoint na siya agad ng kapalit ni Sec. Wanda at kagabi ay inappoint na nga niya si (Usec.) Berna Rumulo-Puyat bilang kapalit ni Sec. Wanda Teo.

QUESTION: Ito bang isyu na ito ay merong plano ba ang Senado, meron bang resolusyon (na) imbestigahan ito or ito'y patapos na?

BINAY: Actually meron na ho akong finile (file) na resolution. At more than the issue dun sa P60 million, ang finile (file) ko hong resolution ay gusto ko hong malaman kung ano ba ho talaga yung estratehiya ng DOT pagdating ho doon sa pagpopromote ng ating bansa. Kumbaga, they need to explain to the Senate kung ano yung marketing plan nila, kasi nga ho lumalabas ho na yung mga placements nila, e hindi lang naman ginawa sa PTV-4, meron din silang placement na ginawa sa iba pang TV stations at meron din silang placements sa abroad. Siguro magandang malaman ano ba yung direksyon na tinatahak ng DOT pagdating doon sa pagpopromote sa ating bansa.

QUESTION: Dahil itong turismo ay marketing exercise. Napaka-importante ng pagpopromote ng mga puntahan, kung saan ang mga destinasyon dito sa ating bayan.

BINAY: Totoo po yan. Ang industriya ho, nakasalalay ho ang success ng industriya ng turismo dun sa pagpopromote ng mga destinasyon natin.

QUESTION: At well of course, minsan we can also be the victim of our success. Kaya nakita natin doon sa Boracay. Talagang dumami ang tao doon etcetera bisita, napabayaan kaya kinakailangan ang rehabilitasyon. Pero

BINAY: 'Yon nga din ho, kaya magandang malaman kung ano ho ba 'yong strategy kasi katulad ho noong nangyari sa Boracay, kung baga ang laking halaga ho ang inubos natin para i-promote ang Boracay but apparently we didn't spend to make the destination ready to absorb 'yong nadating na mga turista. Katulad ho ngayon, baka may mga destinasyon tayo na ginagastusan natin for marketing and promotions pero apparently may pagkukulang naman doon sa infrastructure, baka hindi dapat muna gastusan 'pag dating sa promotion kasi hindi naman pala handa 'yong destinasyon. Maganda din ho na aralin 'yong stratehiya ng DOT.

QUESTION: 'Yan ang isa sa prinsipyo sa marketing. Baka benta ka ng benta, tapos mamaya ay hindi naman handa, kulang ka ng produkto mo, mangyayari niyan you can be a victim of your own success in terms of marketing.

BINAY: Alam naman ho natin na kulang na kulang na nga ho tayo sa pondo para sa pagpo-promote kaya kailangan 'yong placement ho natin ay strategic. Kung baga each peso should be worth it.

QUESTION: It's a little too early pero na-announce na si Berna as incoming secretary of tourism. What's your reaction to the appointment?

BINAY: Ako ho, I appreciate na kaagaran ho ay nag-appoint si Presidente dahil alam ninyo naman ho Ka Orly na meron tayong problema ngayon sa Boracay. At least kung baga, hindi mapuputol 'yong pagbabantay at pagche-check kung talagang on time 'yong rehabilitation ng Boracay and hopefully, mas mapaaga pa 'yong pagbubukas nito.

QUESTION: Sa inyong pagbubukas ng sesyon, ano ba ang inyong gustong tutukan sa komite ng turismo ng Senado?

BINAY: Ka Orly, meron din ho kasi akong finile na bill kung saan ia-assess ho natin 'yong kahandaan ng mga island destinations. Kasi nga, in light of noong nangyari sa Boracay, lumalabas din ho na parang may problema na rin tayo sa Siargao, nag-uumpisa na rin ho 'yong problema sa Palawan... So maganda hong tingnan 'yong kahandaan at kakayahan nung mga island destinations sa pagtanggap ng turista. Kasi nga ho very aggressive ho ngayon ang ating DOT sa pagpo-promote. Kaso lang ho, baka naman ho may pagkukulang 'yong mga LGU dahil alam ninyo ho ba, Ka Orly, devolved na rin pala 'yong functions ng tourism master plan sa LGU e kadalasan ho ang destinations natin ay nakalagay sa mga third, fourth class municipalities. Maganda hong tingnan kung ano 'yong assistance or ano 'yong pagkukulang na pwedeng mapunuan ng national government.

QUESTION: 'Di dapat ma-review 'yong policy niyan kung talagang gagawin nating mabigat na angkla itong turismo, kinakailangan mas malawak ang pananaw katulad ng pinaplano ninyo para mapag-aralan and maging sustainable talaga 'yang industriyang 'yan.

BINAY: Totoo po 'yan. At saka siguro, isama na rin ho natin 'yong aspeto ng climate adaptation 'pag dating ho doon sa mga infrastructure na itatayo ho na may patukoy sa turismo. Kasi ho tulad nga dito sa Boracay na problema, 'yong mga ibang establishment doon, nung nagtayo ho sila, compliant ho doon sa 25+5 na easement kaso lang, due to climate change, lumapit na ho 'yong high tide. So iba na ho ngayon 'yong sukat ng 25+5. Baka maganda rin hong reviewhin kung dapat bang baguhin 'yong ganitong policy para talagang whether or not talagang tumaas muli ang high tide, handa na tayo in the future.

QUESTION: Ang pinakamasaklap dito, talagang hindi natin 'yong pangmatagalan. Gusto natin kumita kaagad kaya ang nangyayari niyan ay 'yong mga wetlands, 'yong mga bagay-bagay na dapat ay pinoprotektahan, hindi ginagalaw, talagang naglalaway--talagang gustong kumita kaya kung anu-anong itinatayo. Kaya ayon na nga, we've become the victim of our own success. Hindi sustainable ang nagiging resulta.

BINAY: Nakakalungkot din, Ka Orly, ang planning ho natin is only good for three years. Kung baga, kung sino ho 'yong nakaupo, 'yong plano ho is only good for three years tapos mayroon pa tayong hindi magandang ugali na lalung-lalo na kapag sobrang magka-away 'yong papalit. 'Di ba ho, may ugali tayo na kailangang burahin 'yong lahat ng accomplishments nung previous na naka-upo kahit naman ho talagang tama at karapat-dapat ituloy 'yong programa at proyekto na 'yun. Kaso lang dahil nga kaaway ay kailangan kung baga, i-shelve muna ang project na 'yon. Sana matigil na ho 'yong ganung masamang ugali.

QUESTION: 'Yan ang dapat ayusin sa ating Saligang Batas 'yang isa sa pinakamabigat na problema sa pamamahala sa Pilipinas ay continuity.

BINAY: Totoo po 'yan. Kaya nga 'di ba ho, Ka Orly, kahit ho ata ang NEDA ngayon ang master plan nila, technically, is only good for six years. Kasi nga ho, based on experience, the next government na papalit ay binabago ulit kung baga 'yong medium term, long term plans...

QUESTION: Thank you very much for answering our call. Maraming salamat, Senadora Nancy Binay.

News Latest News Feed