Press Release
May 9, 2018

Sen. Bam to file amendment to TRAIN Law and suspend excise taxes
(Transcript of media interview on TRAIN Law)

Q: Sir....suspend TRAIN?

Sen. Bam: Kailangang ipreno ang TRAIN. Kitang-kita po doon sa mga binigay ng mga eksperto at ahensya na yung assumptions nila nung binuo yung TRAIN (law) ay hindi nagkatotoo.

Sabi po noong una, hindi lalagpas ng 4% ang inflation rate. Ngayon nasa 4.4% na, tumaas pa. Sabi po mayroong social mitigating measures na tutulong sa mahihirap, nabanggit po ng DSWD hindi naman nila ito nai-implement nang buong-buo hanggang end of September - at optimistic pa daw iyon. So baka end of the year pa yung tulong sa mga mahihirap nating kababayan.

Ramdam na ramdam na po ng taumbayan ang pagtaas ng presyo.

Iba-iba po yung mga rason kung bakit po tumataas yung presyo natin pero yung kontrolado natin ay dalawa: yung TRAIN at yung presyo ng bigas.

Nabanggit ko na rin ito in the past, yung presyo po ng bigas [ay tumaas dahil sa] mismanagement ng NFA at kailangan ng mga reporma't solusyon para maaksyunan iyon. Itong TRAIN nagpapataas rin sa presyo ng bilihin sa ating mga kababayan. Kailangan din po ng paraan upang matigil ito.

We suggested na kapag lumalagpas sa target range ng inflation yung TRAIN, i-suspend na ang excise taxes. Yun naman yung pinakamabigat, yung mga excise taxes po natin sa petrolyo. This was my original suggestion. Doon sa Senate version lumabas po ito, pero sa bicam version nawala na po ito. So we already suggested a safeguard mechanism early on last year pa. Naglagay na tayo ng safeguard mechanism.

Unfortunately, doon sa final version nawala po ito. Kung na-retain iyon baka ngayon mayroong kapangyarihan ang ating gobyerno na ipatigil muna yung excise taxes kapag out of control na ang presyo na nararanasan ng ating mga kababayan.

Q: Sir, so the only way na mag-preno ay magkakaroon ka ng panibagong bill?

Sen. Bam: Yes, because currently yung nakalagay lang sa batas na pwedeng pag-preno sa pagtaas ng excise taxes natin ay kung yung presyo ng krudo po natin ay lumagpas ng 80. Right now nasa 71 na po siya. Paano kung manatili iyang 79 at hindi lumagpas ng 80?

Isang klarong klaro sa atin itong inflation range ang target range natin ay dapat hindi lalagpas ng 4%. Yung naipangako nga ng DOF noon, it's only going to be anywhere from 3.7% to 3.9%. Klarong klaro na lampas-lampas na tayo diyan, so may rason na talaga na i-preno ang TRAIN kasi nabibigatan na ang mamamayan.

Kailangan na ng isang mekanismo kung saan pwede itong ipatigil. Kailangan na pong maglagay ng preno dito. Huwag na nating payagan na magtaas pa ang presyo ng bilihin.

I think, I hope I will get support here in the Senate to push for this measure, na magkakaroon po ng flexibility yung ating gobyerno kapag masyado ng mataas ang presyo ng bilihin, i-suspend yung excise taxes, at makita po natin ang kaunting tulong naman sa ating mga kababayan.

Q: Sir, but not the whole TRAIN law?

Sen. Bam: Hindi po, yung excise taxes lang. Because ang nakatukoy naman po talaga diyan na nagpapataas ng presyo natin ay yung excise taxes. Marami na pong nagbanggit na iyon po ang pinakamabigat doon sa TRAIN at nagpapataas ng presyo ng mga bilihin, so iyon po ang gusto nating itigil.

Yung first income tax re-bracketing, ibang mga reporma sa MSMEs, yung ibang mga reporma, gusto naman po nating makita na matuloy. We want to put a stop to the parts of TRAIN contributing to inflation and the increase of prices.

We will be filing that either today or tomorrow. In fact kung mapapansin po ninyo may version po niyan na lumabas sa Senate version. Meaning inaprubahan na iyan previously, natanggal lang ito sa bicam. This is something that we want to see. Baka DOF nga po sila mismo ang sumuporta dito kasi magkakaroon sila ng flexibility. Kung tumaas-taas pa yung presyo, magkakaroon ng paraan itigil itong excise taxes.

Q: Sir, pwedeng pa-classify lang para mas maintindihan lang Sir? Yung 4.4% ngayon na inflation rate is equals to ilang cents na pagtaas po ng bilihin?

Sen. Bam: Iba-iba po siya per product. It's different because yung excise taxes natin iba-iba rin per product. So composite na po iyon, halo-halo na po iyon. And in fact, yung ibinabanggit po ng economic team ay halu-halo rin yung mga rason kung bakit tumataas yung inflation. However yung ibang mga rason doon, hindi naman natin kontrolado. We can't control the price of oil in the world. Hindi naman natin kontrolado talaga yung presyo ng Peso natin. Pero ang kontrolado natin, ang presyo ng bigas. Kung ginawa lang ng NFA ang trabaho nila, hindi iyan magtatas nang ganito. Kontrolado din natin yung pagtaas ng excise taxes dahil sa TRAIN law.

So we focus on what we can actually reform. Ano yung kaya nating repormahin? Ano yung kaya nating gawin upang matulungan natin ang ating mga kababayan? We owe it to our people na huwag naman natin bigatan masyado yung sitwasyon ng mga kababayan natin. Kung may magagawa tayo para maibsan po iyan dapat itinutulak po natin iyan.

Q: Sir, sa tingin niyo petrolyo sa mga excise taxes (?)

Sen. Bam: Well primarily petroleum. Palagay ko iyon naman po talaga yung pinakamabigat. Yung isa pa po kasi diyan ay yung sugar beverages but I think all the experts mentioned earlier na yung pinakamalaking contribution talaga sa pagtaas ay iyong sa petrolyo kasi ang apektado po ay lahat ng mga presyo ng mga bilihin dahil sa cost ng petroleum products

Q: Sir, so ano yung masyadong mataas para sa inflation rate sa ibang bansa (?)

Sen. Bam: The target range po ng inflation, yung BSP po ang nagse-set niyan. What they have set was 2-4%. In fact during the deliberation of TRAIN, pinag-usapan na namin iyan sa DOF. Sabi ko - kung ituloy natin ito baka lumagpas kayo ng 4%. At the time ang naibanggit po nila na hindi iyan lalagpas ng 4%. Ngayon, after a few months, nakikita natin nasa 4.4 or 4.5% na.

Yung ibang assumptions kung bakit po pumayag yung ibang mga senador dito, hindi na po siya totoo, these assumptions are already wrong because nakita po natin na lumagpas na sa acceptable range.

Now yung isa pang assumption ng mga senador ay at the soonest possible time mapapatupad yung social mitigating measure. Ito po, mabigat talaga kasi ito ang rason kung bakit ako humindi sa TRAIN, dahil hindi pa daw handa ang ating government agencies, specifically DSWD, na ipatupad ang tulong sa ating mga mahihirap na mga kababayan.

Out of 20 million families, 10 million families wala pong take-home pay adjustment. Ang makikita lang nila, ang pagtaas ng presyo ng bilihin. Ang pambalanse po diyan, dapat itong P200 per month na pinapa-compute natin kung sapat ba ito o hindi. Hindi pa ito naipapatupad. Nabanggit ng DSWD na baka September, baka end of the year pa nila ito maibibigay sa ating kababayang naghihirap. Ito, hindi talaga acceptable. Dapat from the start, hindi pinatupad ang TRAIN kung di kayang ipatupad ang tulong sa ating kababayan.

Q: (Inaudible)

Sen. Bam: Currently, kung hindi lumampas ng $80 per barrel iyan, hindi po nila ito maipapatigil. So, we want to see a mechanism kung saan pag lumampas ang inflation rate, puwedeng sabihin na tama na muna itong TRAIN, i-rollback natin itong excise tax, pababain natin ang presyo, pababain natin ang inflation.

Q: Sir, wala bang magiging effect iyon doon sa hilera ng projects na "Build, Build, Build"?

Sen. Bam: Kinorect ko ang sinabi ng isang eksperto. Hindi lahat ng bagong proyekto, hindi lahat ng bagong programa na gustong gawin, nakasalalay sa TRAIN. Every year, tumataas naman ang budget. And every year, dito sa Senado pinag-uusapan namin ang efficiency ng bawat departamento. Underspending ay problema pa rin. Kapag nag-a-underspend ang isang ahensiya, pagdating ng December, binabalik din po ang hindi nagastos. If I'm not mistaken, lampas-lampas sa target ng TRAIN ang binalik ng mga ahensiya. Ibig sabihin, mayroong espasyo na kung mas efficient tayo, puwede nating magamit iyan nang hindi pinapahirapan ang ating mga kababayan.

Pangalawa, kailangang balansehin. Kasi naman laging batikos sa gobyerno, iyong macro, iyong GDP, iyong investment grade rating, iyon ang pinangungunahan kaysa sa sitwasyon ng mahihirap nating kababayan. Kailangang may balanse iyan. Iyong sitwasyon po ng mga pamilya, sana naman huwag na nating bigatan. I think iyong isang hindi nakikita ng economic managers, bago pa ang TRAIN, natataasan na ang tao sa presyo ng bilihin. Bago ang TRAIN, feeling na ng mga tao, napakataas na nito, itinaas pa natin. Tapos tumaas pa ang bigas, kaya sobra-sobra na talaga, kailangan ng mga mekanismo na puwede nating iyan maibaba.

Q: Sa inyong proposal, ilan ang ipasu-suspend nito na excise tax?

Sen. Bam: We're finalizing it but palagay ko iyong excise taxes on petroleum products, iyon ang puwede nating i-suspend kapag nag-reach na ang presyo ng oil ng per barrel na $80 at kapag sumobra na sa target range ng inflation.

Q: Sir, can you say na kung sinabi sa inyo ng economic cluster before pa na two to four percent or more ang inflation rate, hindi ito lumusot sa Senate?

Sen. Bam: Nagbibigay sila ng target range. Ibig sabihin noon: below this target, hindi iyan maganda sa ating bansa; above the target, hindi rin yan maganda sa ating bansa. Ang naiprisinta sa amin, hindi lalampas sa four percent ang inflation. Ngayon, nakakaapat na buwan na tayo, more than four percent na. Ibig sabihin, iyong ibang assumptions na binigay sa amin, hindi talaga tama.

Aminado naman sila na kung walang social mitigating measure, talagang makakasama ito sa mahihirap nating kababayan. Importante ang social mitigating measure sa TRAIN Law kasi iyon lang ang paraan ng mahihirap nating kababayan na magkaroon ng tulong sa pagtaas ng presyo ng bilihin.

Until now, hindi pa ito nai-implement. Nabanggit ng DSWD, September optimistic, baka daw end of the year, hindi pa matukoy. Bakit natin pinatutupad itong pagtaas ng presyo ng bilihin kung hindi tayo handa na magbigay ng tulong sa mahihirap nating kababayan. That's part of the law. Mayroon din pong implementation issues, hindi lang po assumptions ang may problema rito, pati po ang implementation nito may problema rin talaga.

Q: (Inaudible)

Sen. Bam: Marami hong pinagkukunan. But at the end of the day, kailangan nating pangalagaan ang pagtaas ng presyo ng bilihin. That's something to look at.

Q: Kailan niyo po ipa-file ang bill?

Sen. Bam: Today or tomorrow.

News Latest News Feed