Press Release
March 24, 2018

MENSAHE NI SEN. KIKO PANGILINAN PARA SA MGA BAGONG GRADUATE

Congratulations sa mga bagong graduate, at sa mga magulang!

Sa bagong nagtapos, ang graduation ay isang pagdiriwang ng isang natapos na kabanata sa iyong buhay iskwela, at paghahanda para sa susunod pang mga yugto.

Ang pag-aaral ay isang tuloy-tuloy at kapana-panabik na karanasan na lampas sa mga pader ng akademya.

At naging mas nakakaengganyo mag-aral dahil sa Internet. Sa Internet, ang lahat ng bagay ay tila dumarating agad-agad, sa isang click lang ng keypad. At lalo na sa inyong mga kabataang tinatawag na millennial, kasama ang inyong sigasig at pagkamalikhain, ay palaging sumusubok ng bago.

Ngunit, unawain na ang Internet at ang lahat ng technological wonders na ito ay means o daan lang, hindi ends o katapusan.

Tandaan: Ang tagumpay ay hindi nasusukat ng kung ano ang iyong hinaharap, kundi ng kung ano ang iyong ginagawa at kung gaano mo sinisikap at sinusubok ang iyong sarili -- para sa ikabubuti hindi lang ng sarili kundi ng kapwa.

News Latest News Feed