Press Release
March 21, 2018

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW
On CA/class suspension/bus crash/Napoles/billboard porn/Holy Week tradition
March 21, 2018, 12 noon

ON CA

Q: Napakaraming issue na na-raise against Castriciones, ano yung chances..

Poe: Kaya nga maguusap ang miyembro ng CA ngayon kung sila ba ay satisfied doon sa naging sagutan. Kita naman natin na may kapabilidad siya, alam niya yung mga nangyayari at nagiging problema kaya lang meron lang mga ibang kwestyon na dapat lang ay masiguro natin sa mga miyembro.

Q: Sinabi kanina na (inaudible) pang land owners pa, how will you assess this?

Poe: Kasi alam mo pag sinabing five years experience hindi naman detalyado na kailangan ikaw talaga ay empleyado ng DAR. We will take into consideration halimbawa una, anak siya talaga ng magsasaka. Pangalawa, siya ay naging legal counsel ng mga iba't ibang mga farming groups. Tingnan natin doon sa mga miyembro na nagtanong niyan kung ito ba ay tama na kasi kung ang batas mismo ay hindi masyadong malinaw, ito ay subject din sa interpretation at kung makikita rin ang kanyang competence doon sa trabaho.

Q: Na-appreciate ba ng committee yun, yung kahit isang case lang ang nahawakan niya?

Poe: Aside from the other cases, meron din experience pagdating sa actual dealing with farmers and farmer groups.

Q: So walang (inaudible) interest yung mga groups?

Poe: Wala naman basta ang sinasabi lang natin siguro malinawan lamang na ngayon, bilang kalihim, itong mga ibang political groups niya siguro, yun ay dapat malinaw na hindi siya involved doon. Na-klaro naman niya iyon.

Q: Nakatulong ba or somehow may effect kay Sec. yung pagiging loyal niya to the President since 2013?

Poe: Hindi naman natin madedeny iyon. Kaya nga siya na-appoint din sa posisyon na iyan subalit sinisiguro rin naman natin na mayroon talaga siyang kakayanan. Diumano'y siya naman ay nagikot din sa buong bansa para kausapin ang iba't ibang grupo ng mga magsasaka. Ang totoo din niyan maraming problema kasi sa DAR ang puno't dulo ay mga legal na problema na kailangan rin natin siguro ng isang nakakaintindi ng batas na mayroon ding pangunawa sa buhay ng isang magsasaka dahil nga siya mismo ay anak ng isang magsasaka.

Q: Adjourned na? Tapos na yung hearing? You will decide whether to reject or confirm?

Poe: Sa ngayon sinuspend natin yung hearing, hindi--pero paguusapan namin dito sa caucus kung ano ang magiging desisyon. Pwede pa naman kasi.

ON SUSPENSION OF CLASSES, TRANSPORT STRIKE

Q: Yung sinasabing suspension of classes kahapon.

Poe: Lahat naman tayong mga nanay nagulat rin naman tayo sa nangyaring biglaan. Nandoon naman tayo na dapat masiguro ng gobyerno ang ating kaligtasan lalo ng ating mga anak, huwag isusugal iyon. Pero bakit ang desisyon kung nalaman nila ng mas maaga, bakit naman nila inilabas sa oras na alanganin kung alam na nila na mayroong bantang ganon. Siguro dapat malinawan iyon ano ba dapat ang guidelines. Unang una the day before pa lamang diumanong paguusap na magkakaroon na naman ng strike sa susunod na araw pero bakit 11:00 na ng tanghali or 10:00 na nagdeklara. Siguro doon tayo dapat, kailangan mas maayos kasi alam mo mas magiging delikado pa para sa mga bata yung nahatid mo na sa eskwelahan tapos nakapasok ka na sa trabaho tapos sila mismo matataranta ka na iuwi sila dahil sila ay nadismiss na o kaya baka naman sila ay magdiskarte ng sarili kung saan saan pumunta, e di nadefeat yung purpose ng pagkakaroon ng kaligtasan para sa kanila.

ON MINDORO BUS CRASH

Q: May we get your comment on the Mindoro bus crash?

Poe: Unang una ako ay nakikiramay doon sa pamilya talaga. Alam mo kapag nangyayari ang mga bagay na iyan, 'di ba sa Hong Kong nga sinuspend pa nila yung kanilang New Year celebration dahil doon. Hindi natin dapat ipagwalangbahala ito. Kailangan talaga ang National Transport Safety Board. Dito sa atin sa Senado matatapos na ang period of interpellation. Hinihikayat natin ang mababang kapulungan na samahan din tayo na maipasa na ito kasi ang importante dito hindi lamang yung imbestigasyon kung bakit nangyari kundi yung prevention ng mag buses na ganito. Alam mo ang road fatalities ay pang apat na o pang lima na sa pinakamataas na (sanhi) ng pagkamatay ng ating mga kababayan natin; sa 2014 ang road fatalities ay lumalagpas ng 40,000--so malaking bagay talaga yun.

Q: ... especially mag-ho-holy week?

Poe: Oo for the Holy Week. Alam mo yung safety ng mga bus, ng mga preno nila, ng mga ilaw, lahat yan wag natin ishortcut at paalala rin sa LTFRB at sa LTO na talagang kailangang masusi ang pag-iinspeksiyon at pagbibibigay ng temporary permit sa iba rin.

Q: (Inaudible) government agencies na (inaudible)

Poe: Ganun na nga e kasi lahat nga napakarami ang kailangang pag-ukulan ng pansin. Wala naman tayong talagang National Transport Safety Board na ang titingnan lang ay kaligtasan at ang responsibilidad nitong mga public utility vehicles. Dapat doon lang nakatutok ang isang ahensya sa kaligtasan ng mga ito.

(Please refer also to our press release blasted earlier: http://senate.gov.ph/press_release/2018/0321_poe1.asp)

ON NAPOLES

Q: Yung kay Janet Lim Napoles, (inaudible )

Poe: Alam mo para sa akin kasi dapat na masusing ginagawa ng DOJ ang kanilang trabaho. Hindi sila nagre-rely dito sa mga sangkot sa kaso kasi diba parang natural lamang yun kung gusto mong isalba ang sarili mo kahit ano sasabihin mo. Diba halos ganun e self-preservation yan so bakit natin bibigyan ng premium ang testimonya ng isang taong nahahalo dito sa katiwalian na ito. Wala na ba tayong pwedeng ibang makuha na ebidensya laban dito? Kailangan yun ang gawin nating prime source of convictions para dito sa iba? Para sa akin walang halaga yun eh kasi mas importante sa kanya kung nagawa niya ang lahat ng bagay na yan e ano pa ito para sa sarili niya na isalba. Please wag naman natin gawing basehan yun.

Q: Mapapagkatiwalaan?

Poe: Ako hindi ko siya mapapagkatiwalaan. Di ko alam papaano siya mapapagkatiwalaan na ang alam naman natin self-preservation na o iligtas ang kanyang sarili ang magiging pangunahing konsiderasyon niya.

Q: (inaudible)

Poe: Pero alam mo kahit doon sa plunder 'pag ikaw ay nag-connive sa isang government official e ikaw naman talaga ay sangkot din doon at saka sabihin na natin hindi siya yung most guilty, base saan? Maaring may mga nagturo baka naman marami silang pantay-pantay na most guilty.

ON BILLBOARD PORN

Q: Sa billboard porn

Poe: Yung lumabas na yun eight minutes daw? Yun ang nagpapakita sa atin na importante talaga ang security concern natin pagdating sa mga bagay na ganyan. 'Di ba meron tayong Cybercrime Prevention Act so talagang dapat masiguro natin na hindi lahat, yan isa lang yan e papaano yung mga government platforms natin, dapat masiguro...

News Latest News Feed