Press Release
March 21, 2018

Win transcript of ambush interview on Electricity costs
2ND FLOOR SENATE OF THE PHILIPPINES

Q: 35 centavos na ma pass on or is this a universal cost lang? because of lack of privatization?

WIN: Sa ngayon, kung titignan natin yung electricity bill natin, meron dun yung universal charge. Ito ay ginagamit sa pagbayad ng utang ng gobyerno during the NAPOCOR days. So isang stratehiya dito ay mag privatize, yung mga power plants ng gobyerno ibenta na para mabayaran yung utang para mababaan yung presyo ng kuryente natin. So with that privatization at itong proposal ni Senator Recto na gamitin ang Malampaya fund, makaktipid ang ating consumers ng up to 35 centavos per kWh.

Q: Yung 22 centavos for universal cost?

WIN: Yes

Q: Yung 13 centavos?

WIN: Additional yun--

Q: Saan yun sir? Ano po yung 104.65 billion?

WIN: Now, in totality, meron 547 billion pesos na utang pa, more or less mga 547 billion and itong utang na ito na binabayaran natin lahat. That's why makikita natin yung universal charges sa electricity bill natin. So ang proposal natin, kasama ni Senator Recto, is number one; ibenta na yung mga power plants ng gobyerno para mabayran ang utang pangawala gamitin ang Malampaya fund. Almost 204 billion pesos para mabayaran ang utang sa ganun with these two proposals mababaan na yung kuryente natin by as much 35 centavos per kWh.

Q: So meaning to say if ma privatize na siya we will have additional 35 centavos on our bill because of pagkakautang?

WIN: Sa ngayon its 22 plus 13, so mawawala lahat yun.

Q: So if you start privatizing that's the time na mababawasan?

WIN: When you start privatizing mas lalaki yung pag bawas. Depende sa pace ng pag bawas nila. Kaya and proposal natin sa PSALM is to privatize na lahat para maramdaman ng taong bayan ang pagbaba ng kuryente.

Q: In three years time?

WIN: Yes in three years. That's why we want them to submit to us their strategy because for me three years is too long. Ngayon binabayaran na natin to and of course ang mga kababyan natin nahihirapan magbayad ng kuryente dahil pataas ng pataas. Hanap tayo ng paraan para babaan. Isa dito nga ay gamitin ang Malampaya fund and privatization.

Q: April, ano ang status sa power supply? And additional costs?

WIN: This summer months we have enough power, approximately meron tayong 3,000 megawatts of additional supply. So this summer based on our computations meron tayong sapat na kuryente at walang brownout na mangyayari.

Q: So no additional costs on electricity?

WIN: Magkakaroon tayo ng additional costs. nakikita ko in the next two months, dahil tumataas ang presyo ng coal, at ang coal is 40% of the total generation. So ibig sabihin nag dedepreciate yung presyo at tumataas yung presyo ng coal so in turn yung kuryente tataas.

Q: Average?

WIN: Per kWh, ang estimate ko, is additionally hovering at 20 centavos per kWh. Malaki, malaki.

Q: Effect of the bill given the uncertainty on pending cases in the SC and ano plano ng DOE to utilize the funds?

WIN: May kaso kasi ang Palawan and DOE at sinasabi ng Palawan meron silang share sa Malampaya. So ang effect niyan di natin magagamit ang buong Malampaya fund pero pag magamit natin ang buong Malampaya fund pwede natin pabaan anf presyo ng kuryente by as much as 35 centavos per kWh. Ganyan ang advantage kung magamit natin ang buong Malampaya fund.

Q: DOE plan to fund research?

WIN: Yan ang ang isang proposal kung matatandaan natin sa Philippine Rise, maraming ibang bansa na pumapasok doon para mag research. Yung iba pa nga nag papangalan ng underwater features. So ang proposal nila bumili na tayo ng sariling barko natin para tayo na ang gumawa ng sariling research. Maganda yun proposal na yun. At with Malamapaya fund, according to my computation, we have enough money to buy our own research vessels and also cover the universal charges, malaki ang pondo, 204 billion yun eh.

Q: Time-table for the bill?

Hopefully, today is the last of session, pagbalik naming we will file this on the floor and kanina suportado ng DOE itong proposal. Maganda kasi in effect, makakatipid tayo as much as 35 centavos per kWh, malaki yun for a family. Estimate ko diyan around 1,500 pesos a month ang matitipid.

News Latest News Feed