Press Release
March 15, 2018

Transcript of Sen. Grace Poe's Ambush Interview

Q: Are you looking at remedial legislation?

Sen. Grace Poe: Sa mga nakikita natin sa tingin ko talaga hindi ito ikatutuwa ng iba pero yung mga empleyado ng gobyerno ay may mas mataas na responsibilidad. Kasama naman ako doon, lahat naman kami.

Q: Sec. Roque is insisting equal protection of laws.

Poe: Opinyon niya iyon. Ginagalang natin ang kanyang opinyon pero sa ating batas sinasabi rin naman na ang mga opisyal ng gobyerno ay may mga kailangang gawin na hindi ginagawa ng mga pribadong mamamayan halimbawa ang magsubmit ng SALN, mga kaso ng plunder o graft and corruption. Hindi ka naman subjected to that unless ikaw ay opisyal ng gobyerno sapagkat malaki ang responsibilidad mo dahil pinagkakatiwalaan ka ng ating mga kababayan, maraming pagkakataon pinagkakatiwalaan ka ng pera at polisiya ng taumbayan kaya wala namang masama na hingan ng mas malaking responsibilidad ang mga miyembro ng gobyerno. Siguro ay magkakaroon ng pagaalinlangan do'n o ang gusto naman natin ay maging responsive at mas maging responsible ang mga miyembro ng gobyerno.

Q: Are you in favor doon sa guidelines and policy ng DICT na proposal pa lang naman ata.

Poe: Unang una kailangan nating makita yung komprehensibong proposal nila. Hindi pa naman nila nasusumite lahat iyan, pero yung sinasabi basically kahit ng DICT ay mga nagtatrabaho sa gobyerno, opisyal man o empleyado ay dapat maging makatotohanan.

Q: After nung three hearings ano ang magiging recommendation niyo sa committee report?

Poe: Kailangan natin mailagay dito sa committee report na, di ba ang katotohanan may iba't-ibang interpretasyon iyan. Pero kung ang pagrereport ng isang balita ay para manlinlang o talagang mayroong malisya sa panloloko, yun siguro ang pwede nating basehan na masabi talaga na mayroong responsibilidad kung sino man ang naglahad niyan. At saka yung mga hate speech, di ba yung mga nagbabanta na 'sana ay mangyari ito sa iyo o sa pamilya mo,' yung mga bagay na iyon wala namang lugar sa pampublikong diskurso iyon kahit naman saan siguro naman hindi masama, hindi naman nakakatanggal sa pribilehiyo ng tao na maghayag at magsabi na maging--hindi ka naman pwedeng manakot ng iyong kapwa sa paraan na gano'n.

Q: Walang penalty ma'am?

Poe: May penalty iyon, unang una sa ating batas ang Revised Penal Code ang nagsasabi na kriminal, na mayroong mga bagay na ganyan. Meron nang penalty, may pagkakakulong, mayroong multa kaya wala namang bago, siguro dinadagdag natin ang mga kasong administratibo kung ikaw ay opisyal o empleyado ng gobyerno at paninindigan ko iyan. Bakit ikakasama iyan, pati nga naman kami kasama diyan.

Q: Penalty for purveying fake news will cover only government workers?

Poe: Sa ngayon we are looking at that pero nandiyan iyan sa isang komite na pagaaralan pagdating doon sa committee on civil service 'di ba, so titingnan iyan. Ang pagdinig naman ay hindi nangangahulugan na may gagawin tayong bagong batas. Titingnan naman natin, nasa batas na ba natin iyan, paiigtingin na ba natin ang ating batas na iyan, rerebisitahin ba natin iyan or wala tayong gagawin? So kasama ng ating komite, may mga rekomendasyon kami in due time, I will release to you the committee report.

Q: So parang administrative order will suffice to cover that?

Poe: Not necessarily. We'll see what the committee report will cover but definitely there's no room for hate speech. Kahit saan naman wala talagang lugar para tayo ay magsabi ng mga mabantang salita na halimbawa ay kriminal. Iyan naman kahit na wala tayong gawing batas dito ay nandoon na iyan sa batas na iyan.

Q: Agree ba kayo sa sinabi ni Sec. Roque na it's up to the public to determine kung fake or hindi yung balita kasi may free market of ideas nga.

Poe: First of all nasa madla iyan na determinahin kung totoo o hindi pero ikaw bilang opisyal ng gobyerno may responsibilidad ka rin na kapag alam mong hindi makatotohanan, wag mong ilabas. Bakit niya sinasabi iyon porke't na nandoon na siya ngayon. Magkakasama naman kami lahat. Basta ang masasabi ko lang ganito, hindi naman niya siguro ikakasama na kapag alam naman natin sa ating sariling pananaw na mali ito at hindi ito makatotohanan bakit pa natin ilalabas? Bakit pa natin hahayaan na mahirapan pa ang ating mga kababayan na pagaralan ito kung alam naman natin na hindi totoo wag na nating ilabas.

Q: Are you saying that as a government mas mabigat ang parusa kung sa kanila manggagaling yung mga fake news?

Poe: Oo, kapag hindi makatotohanan yung sinasabi o kapag kasinungalingan, ikaw ay nasa gobyerno. Either ikaw ay hinalal ng taumbayan kaya ka nandiyan o dahil tinanggap mo ang isang posisyon, kailangan ang tiwala ng ating mga kababayan. Kung ayaw mong magkaroon ng ganung responsibilidad, wag kang sumapi sa gobyerno.

Q: Stiffer penalties, are you pushing for that?

Poe: Not necessarily, we have to be able to study also the matter, it has to be something that can truly be implemented. Hindi naman pwedeng frivolous ang ating mga penalties so tingnan muna natin. Bigyan niyo kami ng pagkakataon na repasuhin ito, basta para sa akin pag hindi totoo at alam na natin, huwag na natin sabihin, bakit pa natin hihintayin na malapaganap ito at hayaan natin ang ating mga kababayan na mismong magdetermina kung totoo ba ito o hindi.

News Latest News Feed