Press Release
February 28, 2018

Transcript of Sen. Grace Poe's Ambush Interview

Q: Meron kayong call na it's about time para kay Admin Aquino na magresign?

Sen. Grace Poe: Para sa akin nagkulang talaga siya sa trabaho niya, at malaking epekto ito lalung-lalo na sa ating mga kababayan na konti lang nga ang kinikita, ang laki pa ng dinagdag ng presyo ng bigas. Ang trabaho mo sa NFA ay masiguro na yung presyo nga sa merkado ay di magkaganun so para sa akin malaking kakulangan at sana magkaroon din ng ibang pampalit ang Presidente na kaya talaga ang trabaho. Mayroong kakayanan na gawin ang nararapat.

Q: Ma'am, pero siya tinatawagan niyo siya na magkaroon ng delicadeza na since nakita niyo kahapon.

Poe: Minsan nangyayari talaga na hindi mo nagagampanan dahil sa mga bagay na hindi mo kontrolado pero bilang NFA Administrator, sa aming pagdinig, kulang ang kanyang pageksplika kung bakit nangyari ito at paano ito maiiwasan muli. Kaya kung mayroon siguro siyang delicadeza o konsiyensya, ito ay malaking kakulangan sa kanyang trabaho, siguro pwede naman siyang magbitiw.

Q: Ma'am, hindi kayo satisfied kasi sinasabi niya kahapon, ginawa naman niya yung part niya, he's just being honest na depleting na talaga yung supply.

Poe: Hindi niya ginawa yung part niya dahil doon lamang sa napakinggan natin yung ating mga magsasaka hindi nabibilhan ng NFA. Tapos sinasabi niya na wala namang pagkukunan pero salungat doon sa mga naging resource persons natin yung kanyang pahayag. Pangalawa parang yung kanyang liderato ay kwestiyonable dahil sa mga ibang tao na pinagkakatiwalaan niya, at saka yung ibang mga hakbangin niya katulad ng pagtatanggal ng mga nagbabantay sa mga ports, paano natin masisiguro na yung ating mga inorder ay yun talaga ang nakarating at ang kalidad ng bigas na inaangkat natin ay maayos. Na ang mga tao na may kinalaman dito sa smuggling noon ay hindi na muli magkaroon ng pagkakataon na gawin iyan. Kaya para sa akin, malaki ang pagkukulang at sana hindi naman tayo siguro nagkukulang ng tao na pwedeng gumawa ng trabaho na iyan kung mamarapatin ng ating Pangulo ay palitan ng mas magaling.

Q: Nakikita niyo ba yung parang meron siyang kinalaman doon sa mismong mga sindikato, yung pagmamaniobra ng presyo

Poe: Basta ang sinabi ni Sen. Cynthia ay ito, bakit mo pinagmamalaki pa na may kakulangan na nagkaroon tuloy ng takot sa merkado ang ating mga kababayan. Tila yata gusto niyang mapayagan ang pagiimport na kailangan naman talaga pero ang ibig kong sabihin, ano bang imbentaryo, bakit ka nagkulang? Hindi mo ginawa noon pa? So, doon lamang iniisip ko nga, may mga nagrereklamo na hindi daw pino-post yung mga nabibigyan ng permit mag-angkat, dapat iyan ay transparent, kapag pinagsama-sama mo iyan, sa tingin ko, hindi niya nagagampanan ang kanyang trabaho.

Q: Ma'am yung sa constitutional commission naman, what do you think of the presidential-federal form of government na mukhang preferred ng mga ekspertong kasama?

Poe: Well, pakinggan natin kung ano ang kanilang eksplanasyon dito pero gaya nga ng sinasabi ko, unahin natin ang mga probisyon na importante katulad ng Anti-dynasty, at saka Freedom of Information na dapat magkaroon ng tamang depenisyon ito at kapangyarihan talaga. Pangalawa, tingnan natin, ano yung mga probisyon na makapagbibigay ng ginhawa at trabaho sa ating mga kababayan katulad ng pagkakaroon ng mas maraming trabaho rito, mas maraming investments kasama diyan yung economic provisions. Sana iyan ang tutukan natin, hindi yung mga political at kung ang problema lamang ay sharing ng yaman ng ating bansa with the local government, pwede namang gawin iyan na hindi naman kailangang radikal ang pagpalit ng sistema ng gobyerno.

Q: Ano yung mga personal preparation mo kasi papasok na dito yung impeachment eventually.

Poe: Alam mo, marami mga impormasyon ang kailangan nating pagaralang mabuti para maging patas pero sa tingin ko nasa pagkatao rin ng mga huhusga kung ito'y magiging patas na impeachment proceedings. Para sa akin naman, sinikap ko na sa anumang sitwasyon, ikaw man ay naging kalaban sa pulitika o naging kakampi, ang importante ay manaig ang ebidensya, ang importante ay manaig kung ano ang tama, iyan ang gagawin kong prinsipyo sa pagdinig dito. Sana nga ay maging patas at mabilis sapagkat napakaraming mga batas ang dapat talakayin ng Senado na maaaring maantala dahil nga dito sa impeachment proceedings.

News Latest News Feed