Press Release
February 27, 2018

Sen. Bam on CJ Sereno's leave of absence and NFA rice issue
(Transcript of Sen. Bam's interview)

Sen. Bam: A leave is a personal prerogative. Mahirap magsalita tungkol sa kaniyang kaso o issue dahil kami ang magiging husgado, kung sakaling matuloy ang impeachment. But as far as I know, it is within her prerogative to file for a wellness leave.

Q: So tingin niyo po if ever man itransmit nga sa Senate yung impeachment, may time pa ba yung Senate to *inaudible* as an impeachment body?

Sen. Bam: Kailangan pang pag-usapan ang timetable. That might be subject of a caucus today. Ang mahalaga ay magawa namin ang tungkulin naming maging tamang husgado sa anumang impeachment case posibleng dumating sa aming Kamara. With regards to the schedule or timetable, paguusapan pa po iyan ng mga Senador. But rest assured, we will fulfill our duty if need be, kung kinakailangan po kaming mag-convert into an impeachment court.

Q: Is this your first time, sir, na susulong na impeachment judge?

Sen. Bam: Yes.

Q: How are you preparing for it, sir?

Sen. Bam: To be frank, we've already asked our staff to look at past records and rules that need to be reviewed. Pero hindi natin pangungunahan. We don't want to get ahead of Congress. Hihintayin natin kung ano yung magiging galaw dito.

Q: Ay sir, may sinasabi kayo na dapat dalhin si... *inaudible*.

Sen. Bam: Kailangan ng major revamp ng NFA officials natin. Sa hearing kanina, lumalabas po na dahil sa kanilang incompetence, tumaas ng hanggang kuwarenta, mahigit sa kuwarenta ang presyo ng bigas sa ating bansa.

Saan kayo nakakita ng isang ahensiya na ang trabaho ay ma-stabilize ang presyo ng bigas sa ating bansa, tapos baliktad pa yung nangyari because of inaction.

They are below the 15-day buffer stock, their mandated buffer stock na 15 days. They've been below that for almost one year. Mag-iisang taon na po. Kanina, nabanggit na 1.7 days na lang ang natitira sa kanilang buffer stock.

Habang bumababa yung buffer stock na iyan, may epekto iyan sa merkado at tumataas po ang presyo ng ating bigas. Sa ngayon, wala ka na gaanong mahahanap na 27 pesos na presyo ng NFA rice. Yung makikita po sa palengke, nasa kuwarenta na pataas.

A government agency who is tasked to lower and stabilize the price of rice, baliktad pa ang nangyari. Dahil sa kanila, tumaas pa ang presyo ng bigas. That's very unfortunate. Palagay ko, kailangan ng major reforms doon po sa NFA. Baka kailangan na magbitiw si Administrator Aquino at ibang officials natin.

News Latest News Feed