Press Release
February 5, 2018

TRANSCRIPT - AMBUSH INTERVIEW

ON THE LIVING CONDITIONS OF RESETTLED FAMILIES IN NORTHVILLE AND SOUTHVILLE RELOCATION SITES

Sen. JV Ejercito- ang magiging problema niyan kung i-evict natin itong nasa Northville and Southville, madadagdag lang iyan sa listahan ng backlog o yung talagang walang pabahay. Siguro, hindi naman sa ine-encourage natin, ang inaasahan kasi nila sa Northville and Southville ito yung mga unang na relocate para northrail and shouthrail eh. Maraming problema kaya lang ang more...ang talagang dinicuss nila yung oportunidad, yung employment kasi ang inaasahan po nila yung binanggit ni father, magkakaroon ng yung train ay dumaan. Ang problema, yung train ay hindi dumating, ibang train ang dumating yung TRAIN na pabigat. We have to consider this considering that the government promised na nung sila ay mailipat doon na magkakaroon ng train na dadaan, magkakaroon ng pabahay, magkakaroon ng utilities. Kaya lang nung hindi dumating ang train, malaking problema kasi nga yun ay inaasahan para sa kanilang kabuhayan. So probably, siguro kailangang magkaroon sila ng amnesty o restructuring and I appeal to the NHA or financing agencies to reconsider kasi kawawa naman ang mga ito hindi nila kasalanan entirely, wala silang kabuhayan na ipinangako na kaya nga sila inilipat doon is because of the railway na dapat dumaan dun kasi Northville and Southville ito, northrail and southrail. Ang problema narelocate sila hindi dumating ang train.

Q: Gagawin nyong formal na recommendation na magkaroon....?

SJVE- pag-aaralan muna I will refer this to the technical working group para pagusapan in details ang problema. Pero right now siguro masasabi ko na I would recommend na magkaroon uli ng ano, reconsider na magkaroon ng amnesty or condonation or restructuring ang sa kanila naman willing silang magbayad kaya lang medyo nabibigatan sila doon sa mga penalties and surcharges, so yung sa principal walang problema, willing naman silang magbayad. Siguro pwede namang i-reconsider ng ating agencies kasi nga nagkulang hindi dumating yung train na dadaan na inaasahan.

Q: Would you also recommend yung budgeting kasi ngayon patse-patse daw...before meron sila sarili, NHA?

SJVE- kaya nga po this hearing strengthens yuing ating need to have one department specifically for housing kaya nga yung aking (bill)...kaya ko tinatawag na department of human settlement hindi lang yung paggawa ng bahay eh, kasama dun yung utilities, services, health facilities, siguro yung transport hub, yung kabuhayan na rin. Kaya human settlement para more encompassing. So palagay ko mas lalo kong itutulak ito bago kami mag-adjourn ay maipasa kasi marami sa mga problemang ito ay, siguro sanhi...kanya-kanya kasi yung mag shelter agencies although they are under HUDCC as the coordinating council, iba pa rin kung ang pamahalaan ay ipakita na seryoso na ipakita na tugunan ang problema sa pabahay kung magkakaroon tayo ng isang full-pledged department to look into the problems of housing, to address the problem of the backlog, housing backlog.

Q: May file resolution si Sen. Trillanes to investigate the alleged questionable wealth of the President. Will you support it? What do you think about it?

Sen JV Ejercito- parang narinig ko na yan noong kampanya pa lang di ba? Lumabas na yang isyu na yan I think in the latter part of campaign about the said bank accounts. Pero para sa kin kasi ang dami na nating iniimbestigahan ngayon. I have my hands full merong dengvaxia, meron sa pabahay, at iba pa, may BBL kaming inaayos. So, kumbaga hindi naman sa ano pero old issue na yan eh. Right now we have so many issues so many problems that we are facing right now na...ang minamadali namin yung mga legislative work kasi nga ang worry naman kapag ipinasa pa sa Senado yung impeachment ni CJ Sereno, talagang maisasantabi halos lahat ng aming tinatrabaho dito. And ako personally kaya ayoko naman... hindi naman sa ayokong nang tingnan yan dahil worried lang ako baka hindi umabot yung department of housing (bill) na akin pong itinutulak na bago sana mag-adjourn ay matapos. At yung Universal Health Care program (bill) na sa tingin ko very important to improve the quality of life of the Filipino people, makatulong lalo na sa programa sa pangkalusugan which was also mentioned by the President in the last SONA. So kumbaga pasensya na, ayoko nang madagdagan pa yung iniisip eh. With Universal Health Care Program, with the Department of Housing, hanggang Marso pa lamang punung-puno na kami mayroon pang BBL na isinusulong.

Q: ....waste of time na buhayin...?

SJVE- well, nasa sa kanya yan, prerogative yan, karapatan ng bawat senador yan, pwede niyang i-file pero sa ngayon ayoko na talagang isipin na muna dahil ang focus ko doon sa Universal Health Care program at sa Department of Housing and BBL ang dami naming trabaho. Ang worry ko kaya ko gustong madaliin kasi pagpasok ng impeachment, talagang maisasantabi ito baka hindi naming maipasa. So ako personal yung sa akin, talagang nakatutok akosa dalawang panukalang ito.

Q: Sa dengvaxia, nabigyan ba kayo ng kopya ng UP-PGH yung investigation nila?

SJVE- nabasa ko na yung initial report, yung UP-PGH. Hindi naman sa minamaliit ko yung effort ng PAO, in fact I commend their efforts na talagang napakapursigido nila na yung mga victims ay kanila pong inaalalayan kaya lang we have to, this time around, we have to look, looking forward, we have to address the anxiety problems at nagko-cause na kasi ng hysteria, nagco-cause na ng panic itong araw-araw na lumalabas na yung bawat death ay ikinokonekta sa dengvaxia at ayon sa PGH it might be a failure of the vaccine. Kumbaga, hindi siya naging epektibo kaya nagkaroon ng death. In fact isa yata o dalawa out of 14. So, ang sa akin lang we have to let the experts, again, those persons in authority to speak on the matter. In this case, ang pwede lang talagang magconduct ng autopsy and those who can really determine the cause of death are the forensic pathologists na dadalawa lang ang pagkakaalam ko meron sa Pilipinas in the person of Dr. Lim who's with UP-PGH and Dr. Fortun. So ang sa akin ang pinaka ano ko lang sa PAO, hindi naman sa pinapatigil sila pero sana whatever information they have makipag-coordinate sila sa UP-PGH kasi ito yung mga eksperto, sila po ang nakakaalam at nakakaintindi sa problema.

Q: Ayaw nilang i-share ang information nila kasi ito yung gagamitin nilang evidence sa pagpa-file ng case against DOH?

SJVE- well, UP-PGH po ito wala po tayong magagawa nandun yung mga may kakayanan, these are the people who have the expertise, sila po ang may wasto o tamang pagaaral, sila ang nakakaintindi. Ang again going back, sila lang po ang mayroong forensic pathologists that can really attribute kung saka-sakali na mayroong findings, attribute, na talagang dengvaxia o anuman ang causes of death. So yun pong PAO siguro ang kanilang effort is commendable kaya lang I hope that they should also coordinate with the experts para lang makasiguro tayo. Kasi ako bilang parent I have to tell you honestly na tuwing nababasa ko, napapanood ko ang balita, nagpapanic din ako, nagaalala ako sa aking anak. Kaya lang kailangang maging sober tayo dito kailangang maging mahinahon tayo, ang kailangang pakinggan natin dito siguro ay yung talagang may alam at nakakaintindi ng problema. So in this case the experts UP-PGH, DOH wala po tayong magagawa. Sabi nga ni Sen. Sotto, in which I agree with him, siguro si Secretary Duque has to already assert na dapat ang DOH ang manguna sa isyung ito.

Q: Sumobra na ang PAO sa pagsasagawa ng sariling investigation?

SJVE- kasi it is causing hysteria, it is already causing panic. Eh ako nga nagaalala na ako para sa anak ko eh pag nakakapanood pa ako eh lalo pa akong nagaalala, di ba? So ang sa akin lang I hope they coordinate with the experts, with persons who are in authority to speak on this matter and magsalita tungkol po dito, forensic na ito eh. We need pathologists, hindi natin kailangan ng "PAO-thologists" kailangan natin pathologists para makasiguro, di ba? So I agree with Senator Sotto na dapat talaga ang pakinggan natin ay ang Heralth Secretary, siya po ang manguna at magkaroon siya ng task force, if ever, with PAO kung gusto talaga nilang tumulong, makipagtulungan sila, hindi naman sa pinapatigil natin sila pero para lang makasiguro tayo baka for all we know mamaya yung sinasabing all deaths attributed to dengvaxia eh baka naman hindi dahil doon.

Q: Hindi naman kayo sir nababagalan the way the DOH...yung PAO sabi nila they are mandated by the NBI, the DOJ, to conduct the investifgation?

SJVE- well, ok tama naman yun medyo mabagal kasi it would take time, testing bago madetermine naiintindihan naman natin pero ang worry ko rin pag padalos-dalos tayo eh baka naman tayo eh madapa. Mabuti na yung sigurado tayo, these are medical findings we cannot rush all of these things, we have to wait for the findings of the experts and their recommendation. Ako po ayokong magsalita napakaingay ko hindi ako doctor, hindi ko naiintindihan mga ito kaya inaantay ko ang bawat recommendation, ang bawat statement ng mga those persons in authority, especially the medical practitioners.

Q: Sa house daw kasi nagsalita ang Sanofie na hindi nila irerefund yung...?

SJVE- well, ni-refund nila yung unused, binayaran nila as a sign of goodwill pero para sa akin kung nila gagawin kasi daw para daw inamin nila na mali yung produkto eh hindi pa naman proven studies and investigation still ongoing, siguro ang pinaka na lang sa kanila bilang isa mga magulang, siguro concern din ito ng 830,000 children and the parents na sana in the next coming years, in the next 5 years na imonitor ang mga kabataan na ito, I hope that they put up an indemnity fund na kung sakali na mayroon pong magkasakit o mayroong namatay na mapapatunayan na dahil sa dengvaxia, dapat po as part of their responsibility ay magkaroon po ng pondo na itutulong sa kanila kung saka-sakali.

Q: Sir sa ngayon ayaw nila (hindi marinig)?

SJVE- well they should ano...kasi dapat ipakita nila ang kanilang goodwill...in the same matter that they already refunded the unused vials. Siguro hindi naman masama na kung mapapatunayan na talagang, sabi ko nga talagang mapapatunayan na talagang dengvaxia ang naging cause ng death o illness ng kung sino man naturukan dapat po siguro na that's part of their responsibility na matulungan yung pamilya ng kung sino man ang nagkasakit.

Q: Indemnity fund na controlled naman ng Sanofi...(di marinig)?

SJVE- opo sabi naman nila na kung talagang mapapatunayan, sabi nila noong huling hearing na kapag napatunayan na dengvaxia ang naging cause ng death or illness, they are willing to shoulder. So siguro ngayon pa lang magandang ipakita nila na kung sila po ay talagang sincere na makipagtulungan sa ating pamahalaan dito sa dengvaxia mess na ito eh sana po maglagay sila ng pondo na at least kumbaga mapanatag ang mga magulang na tulad ko na kung saka-sakaling magkasakit o may mangyari man ay mayroong pondo na nakalaan kung mayroong mangyayari.

Q: Sir ano ang advise nyo sa PAO kasi ang sabi ng ni (PAO chief) Acosta ang mga magulang ng biktima ang lumalapit sa kanila?

SJVE- ang siinasabi ko sa PAO makipagcoordinate sila, get the opinions of the experts, di ba? Hindi naman natin sila pinapatigil kaya lang ang worry ko baka they are conducting autopsies na hindi naman po sila, yung mga nagcoconduct ng autopsy, ay hindi naman qualified, di ba? Sinasabi nila meron din daw silang mga pathologist eh bakit hindi nila ilabas yung pangalan? Bakit kinakailangang itago rin?

Q: Ano ang gagawin nila sa mga lumalapit...?

SJVE- eh dapat ito ay dalhin sa DOH, dapat ang DOH ang proper agency dahil yan po ang...it's a health concern and the DOH will be the proper department to spearhead the probe or investigation on the dengvaxia.

News Latest News Feed