Press Release
January 20, 2018

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon
DWIZ

Q: Una, kapahon po ay binanggit nyo na itong pinagpipilitan ni Speaker Alvarez na solo Cha-cha, sinabi n'yo nga po na bago pa man umalis sa istasyon itong solo Cha-cha ay madidiskaril na?

Drilon: Tama po iyan at walang patutunguhan iyan kundi sementeryo; hindi makakarating sa senado dahilan sang-ayon sa ating Saligang Batas at kailangan ang aksyon ng dalawa kapulungan. Kapag pinapalitan ang pangalan ng kalsada o pangalan ng high shool ay kailangan sumang-ayon ng senado, lalo na siguro sa pag-amyenda sa Saligang Batas ay kailangan naman na sumang-ayon ang senado sa pamamagitan ng separate voting.

Q: Kanina po sa interview, in-insist ni Speaker Alvarez na hind lang ito isang simpleng batas, kaya hindi na applicable yung pagigigng bicameral ng kongreso?

Drilon: Yung ang opinion Speaker. Yung opinion ng lahat ng dumulog sa hearing naming sa senado - mga respetadong mahistrado katulad nina former Chief Justices Puno, Davide, former Justic Aszcuna, dating Senate President Pimentel - lahat po sinasabi ay hiwalay ang botohan ng Kamara at Senado. Kaya siguro opinyon niya yan, wala tayong magawa dahil may interest naman sila na hindi matuloy ang election, hahaba ang kanilang termino, kaya naiitindihan natin kung ipipilit nila na sila na lang ang bumoto at huwag nang isali ang senado.

Q: Kung ang hantong nito ay sementeryo, sino ang maglalagay sa kanila sa sementeryo? Madedeklara ba itong unconstitutional o hindi ito ira-ratify ng publiko?

Drilon: Hindi na po kailangan na i-declare na unconstitutional dahil kung walang askyon ang senado, walang maidudulog sa publiko, dahilan sa hindi pwedeng magkaroon ng plebesito at wala pong public funds na pwedeng gastusin sa illegal na plebesito. At kung ang Comelec, gagawin nila ang plebesito, sila ay masasampahan ng kaso for malversation dahilan sa gagastos sila ng pindo ng bansa nang walang pahintulot ng batas.

Q: Kanina ay sinabi ni Speaker na may mga ikinakatakot daw ang mga senador - mayroong gustong mag-presidente - kaya ayaw makipagtulungan ng senado?

Drilon: Hayaan mo na at hindi ko na sasagutin yung mga ganoong opinion.

Q: Pero ang isa po rito ay walang personal interest at kung ano ang tama iyon ang ipinaglalaban ng mga senador?

Drilon: Tama po iyan. Halimbawa, hindi ko malaman kung ano ang interest ng senado rito. Of course magbebenepisyo riyan ang pangulo ng senado dahil mag-expire na ang aniyang termino sa 2019 at kung walang halalan ay patuloy pa rin siya. Ngunit alam koayaw niya ng joint voting at mapupuna siya ng taumbayan dahilan may conflict of interest kung boboto siya na hindi ituloy ang halalan.

Q: Dito po sa ganitong magkaibang paninindigan ng kamara at senado, wala po bang pangangailangan na mag-usap yung mga leaders?

Drilon: Mag-usap siguro kapag tapos nang gampanan ang aming trabaho. Ipagpapatuloy ang hearing sa senado. Umaksyon sila, umaksyon kami. Tingnan natin kung kailangan pa ng summit. Ang sabi ko baka sabit lang iyon. Huwag muna at hayaan muna nating gampangan ang trabaho sa senado.

Q: This early, parang may banta si Speaker na bibigyan ng zero budget yung mga local officials na tutol sa Cha-cha?

Drilon: Kanya-kanya istilo. Palagay ko naman makikita nila na hindi sang-ayon ang taumbayan diyan pagdating ng panahon.

Q: Tama po ba na Cha-cha is dead?

Drilon: Tama po iyan. Yung Cha-cha na joint voting, wala na po iyan.

Q: Sinasabi nga na hindi ito dapat madaliin.

Drilon: Iyan po ang aming ginagawa. Isa pa na gusto kong bigyan ng diin, sang-ayon kay former CJ Puno, hindi pwedeng pakialaman ng Korte Supreme ang ganitog klaseng question. Hindi pwedeng dahil sa Korte at sang-ayon kay CJ Puno, ito ay question na political at hindi ito question na legal o constitutional. Ito ay mga aksyon ng political bodies na co-equal branch ng Korte Suprema klaya hindi nito dapat pakiaalam ang bagay tungkol sa joint o separate voting.

Q: Kung con-con, pwede pa pong maisulong?

Drilon: Oo. Pwede iyan kung con-con dahilan sa iyan naman ay nakalagayn sa Saligang Batas. Iyan po ay maghahalal tayo ng mga delegado.

Q: Parang magsasayang lang ng oras at pera ng taumbayan ang kamara doon sa kanilang solo Chacha Train?

Drilon: Taman po iyan. Talagang magsasayang lang ng panahon. Marami pang problema. Una ang sabi ng Pangulo ay unahin ang BBL. Iginagalang at inirerespeto natin ang opinion n gating Pangulo kaya uunahin namin sa senado ang BBL.

Q: Komporme ba kayo sa sinabi ng Pangulo na posibleng magpatuloy ang giyera sa Mindanao kung walang BBL?

Drilon: Kaya po sisikapin natin na maipasa ang BBL.

Q: Komporme ba kayo sa ginawa ni Sen. Zubiri na nag-withdrew ng kaniyang BBL version i-file na lang ang BBL version ng Bangsamoro commission?

Drilon: Sa kanya po iyan, iyan ay babalik sa komite at mag-hearing ulit. Magre-report sa plenaryo. Ang ultimate judge po diyan insofar as the senate is concerned ay yung plenaryo.

Q: Naka-delay pa nang konti ito?

Drilon: Iyan po ay isang consequence na hindi natin maiwasan. Kung ang principal author at chairman ng subcommittee ay sinasabi niya na pallitan natin ito, kapangyarihan po niya iyan pero ang plenaryo ang magdedesisyon ultimately.

Q: Ang minority has filed a resolution para imbestigahan si Sec. Bong Go?

Drilon: Hindi po. Ang na-file po ng minority ay tingnan kung ano ang status nitong AFP modernization program. May karapatan ang committee on national defense as part of our oversight function kung ano ang status nito.

Q: Pero, Sir, hindi ba titingnan ang controversy na parang nakakaladkad ang pangalan ni Sec. Bong Go?

Drilon: Hindi ko po alam kung ano ang exact role ni Sec. Go. Ang resolution namin, sa pagkakaintindi ko ay tingnan kung ano ang status nitong AFP modernization program.

Q: Kung sakali po doon sa implementation ng modernization ay Makita na may questionable, maari rin po iyong imbestigahan sa hearing?

Drilon: Pwede pong magtanong. Hindi bawal.

Q: Pero ngayon wala pa pong suggestion yubg minority na ipatawag si Sec. Bong Go?

Drilon: Hindi ko pa po alam. Ang pagpapatawag po ay yung nasa komite ng national defense. Uulitin ko, ang balak ng resolution ay tingnan ang status ng AFP modernization program.

Q: Panghuli na lang po, itong closure order nitong SEC sa Rappler, may nakikita ba kayong implikasyon o ma valid na rason kayong nakikita?

Drilon: Sa akin, nakakabahala. At the very least, kung may nakita mang paglabag ang SEC, dapat binigyan ng panahon para i-correct yung sinasabing hindi tama. Kung totoo po iyan, hindi ba dapat pagbigyan ng isa, dalawa o apat na lingo ang Rappler para ituwid ang kanilang structure. Ang sabi ng Rappler, PDRs lang ito at hindi stockholders. Ang sinasabi ng SEC, ito ay equivalent to control at equity. Iyan po ay hindi settled kaya dapat ay binigyan ng pagkakataon para i-correct. Ang mga ganong klaseng decision ay masama sa ating demokrasya at sa ating freedom of the press.

Q: At nadagdag pa rito na iniimbestigahan ang Rappler ng NBI,...

Drilon: Kaya nga po, hindi maiwasan ang conclusion na mukhang iniipit yung Rappler dito.

Q: Ito ay isang bagay na hindi dapat makonsinte dahil maaring gawin din ito sa iba.

Drilon: Tama po iyan at baka isunod din diyan yung DWIZ kaya ingatan po natin.

News Latest News Feed