Press Release
January 15, 2018

GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Q: On Charter Change

Sen. Grace Poe: Alam mo yun ay talagang paguusapan natin dito, kung mayroon mang bersyon ang mababang kapulungan, sila naman ay libre nang maghain ng kanilang bersyon basta kami ay naniniwala na ang pagboto dito ay hiwalay. So kung ano ang pagkakasunduan sa Senado pagdating sa rebisyon sa konstitusyon, three-fourths ng Senado ang kailangang mag-apruba at ang isa pa, ang kailangan talagang pagtuunan ng pansin para sa akin ay hindi lamang ang political structure kundi lalung-lalo na ang economic. Kung gusto natin na lumago ang ating ekonomiya at dumami ang mamumuhunan sa ating bansa, ang pagre-relax ng foreign ownership ng mga businesses, iyan ay sa economic provisions na pwedeng gawing prayoridad sa pagbago ng konstitusyon.

Q: Lalabanan niyo ma'am yung idea ng unicameral form?

Poe: Sa ngayon, ang aming pinaguusapan dito sa Senado, kung anuman ang aming tatalakayin ay hiwalay ang aming pagtalakay sa lower house. So kung sila ay magtatalakay--bahala sila--kung unicameral man o bicameral o kung anumang klaseng organisasyon o lehislatura na magkakaroon tayo, iyan ay pagbobotohan namin sa aming pananaw na hiwalay sa mababang kapulungan.

Q: Do you support the resolution of Sen. Ping na Senate lang ang magdidiscuss dito, bahala sila?

Poe: In fact magiging co-author din ako nung resolusyon ni Sen. Ping na dito talaga ang Senado at ang Kongreso ay hiwalay sa pagkakaroon ng desisyon diyan.

Q: Ma'am yung sa PDP-Laban draft, technically tinatanggalan talaga ng powers yung Senate, one hearing na lang kayo, concurrence lang, may investigation, no introduction of legislation, paano niyo titingnan iyon?

Poe: Hindi ko alam kung iyan ay official PDP-Laban bill o proposal. Sila naman ay libreng magbigay ng kanilang mga proposal, kami rin naman ay mayroong sarili rin namin kung saka-sakali pero hindi naman nangangahulugan na dahil iyan na ang kanilang posisyon ay yun na ang mananaig sapagkat yun nga ang sinasabi natin, ang aming interpretasyon at ang interpretasyon din ng mga gumawa ng 1987 constitution ay hiwalay. Tingnan naman ninyo, kung yung simpleng pagbibigay ng pangalan ng kalsada, hiwalay ang botohan dito, lalung-lalo na ang isang bagay na ganito kahalaga. Sa ating konstitusyon, iilan lamang ang nakalagay na dapat voting jointly, ito nga yung patungkol sa martial law, pero ang iba I assume naman talaga na hiwalay. Bakit natin iibahin dahil lamang dito.

Q: The President has expressed preference for unicameral, so how are you taking that? Will the Senate be influenced by the preference of the President?

Poe: It is something that will be discussed. If that's the view of the President then certainly there will be his allies here that will probably promote it, but again, the Senate has to be able to have it's own voice, voting three-fourths--the majority--before any bill can be passed, so even if it's a proposition in the lower house and it's a proposition over here, it's still subject to voting.

Q: Do you see any danger if it's a unicameral form?

Poe: There is danger in anything that is done in a rush, without much thought, without much discernment. I think this is something that, when you say we need to amend the Constitution, absolutely. The Constitution is a living, breathing document but we need to be able to make sure that it is something that we need at this time. For example, I am more of the view that it is the economic provisions that should be a priority when we change the Constitution.

Q: But do you see it as necessary Ma'am sa proposal, na wala ng VP position?

Poe: Wala pa nga tayong mga detalyadong probisyon dito, so para sa akin, pakinggan muna natin ang mga bersyon na ihahain, ako rin ay meron. Mahirap magpadalos-dalos sapagkat kahit naman may bersyon ako at may bersyon ang iba, sa puno't dulo nito, ano ba ang pagbobotohan natin. Hindi ko alam kung kailangan ba talagang tanggalin ang mga posisyon basta-basta.

Q: Ma'am tingin niyo yung May 2018 na target ng House na complete na, masyado ba yun mabilis?

Poe: Para sa akin imposible. Kasi unang-una, resolusyon pa nga lang dito, pagbobotohan kung magsasama kami sa deliberasyon o hindi, mahabang debate yan. Kung saka-sakali, diba nakalagay na kailangan ng 60 days, after na pagbotohan ito palang pwedeng i-subject sa plebesito, so papaano natin mahahabol ito ng Mayo, eh pagdating ng middle ng March mag-aadjourn na naman. Kahit mag-extend tayo, kailangan not less than 60 days and not more than 90 days, handa ba ang ating bansa na pagaralan ang mga probisyon na ihahain ng Senado at Kongreso. Diba ang ating mga kababayan ang magaapruba nito? Kung mamadaliin natin, papaano naman natin maituturo sa kanila, papaano naman nila maiintindihan.

Q: Yung sa Rappler na closure order na inisyu ng SEC, how do you see this Ma'am?

Poe: Unang-una kailangan pag-aralan ano ba ang kanilang naging violation? Ano ba ang kanilang naging pagkukulang? Kung meron silang hindi nagawa na required sa lahat ng media outfits o kaya sa mga website na katulad nila, kailangan natin tingnan kung saan sila nagkamali. Basta lang, huwag ito ang paraan na mapatahimik ang sinumang grupo o organisasyon na maghayag. Yun lang naman ang aking nais na masiguro kaya hindi muna ako magsasabi na ito ba ay tama o mali, kasi meron naman talaga tayong mga proseso na dapat na sinusunod, basta ang nararapat dito, hindi pinipigil ang isang organisasyon kung naghahayag ng balita o opinion basta lamang ito ay naaayon sa batas.

News Latest News Feed