Press Release
December 25, 2017

GRACE POE ON LA UNION ROAD ACCIDENT

Lubos nating ikinalulungkot ang pagkasawi at pagkasugat ng mga pasahero sa malagim na aksidente sa La Union.

Paalala ito sa ating mga kababayang nagbibiyahe ngayong Kapaskuhan na magsagawa ng ibayong pag-iingat sa pagmamaneho upang iwasan ang mga sakunang gaya nito.

Higit kailanman, kailangan natin ng isang National Transportation Safety Board na mag-iimbestiga at magbabantay sa mga sakunang pantransportasyon gaya nito upang maiwasan ang mga pagkakamali at pagkukulang na humahantong sa pagkawala ng buhay ng ating mga kababayan.

Nananawagan tayo sa kinauukulan na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa naganap na insidente. Habang isinasagawa ito, ibigay natin sa bawat biktima ang tulong na kinakailangan nila.

Ang diwa natin ay kapiling ng mga naulila sa aksidente sa madilim na kabanatang ito. Taos-pusong pakikiramay sa mga pamilyang namatayan sa trahedyang ito.

News Latest News Feed