Press Release
December 11, 2017

Transcript of Sen. Grace Poe's Ambush Interview

Sen. Grace Poe: Marami pang konsultasyon na dapat mangyari, sinabi ng ating ibang consultants, imposibleng maroll-out ito ng tatlong taon dahil napakaraming mga jeeps, parang 230,000 ang involved tapos ang pondo natin hindi naman sapat para sa kanila. Ang problema ng iba kung kakayanin ba nila, napagusapan na may pagkakataon namang makayanan pero talagang kailangang pagaralan mabuti.

Q: Ma'am anong comment mo doon sa sinabi ng isa sa mga grupo na we are go for modernization pero ayaw nila ng phaseout?

Poe: Kailangan din maging makatotohanan tayo. For it to be modernized, ibig sabihin PUV compliant, na magkaroon ng GPS, na mas ligtas, clean emission, kailangan mapalitan talaga ang sasakyan. Pero ang sinasabi nga namin kung pumasa ito sa safety inspection, sa emissions inspection at sa ibang requirements e di ituloy nila ang kanilang pagpapasada doon. Sa nakikita ngayon imposible na papasa lalung-lalo na kung hindi PWD-friendly yung mga sasakyan natin.

Q: Ma'am satisfied ka sa sinabi ni Sec. Tugade, lahat ng sinabi niya?

Poe: Hindi ko masasabi na buong-buo na at maayos na ang kanilang plano. Talagang marami pang butas na kailangan nilang ayusin. Unang-una yung funding, saan talaga manggaling iyan, yung interes na babayaran sa utang baka naman pwedeng babaan pa. Pangatlo, yung mga manufacturers may mga sinasabi sila na kahit sino pwede basta compliant ang makina. Yung guidelines kailangang malinawan sino ang accredited kung mayroon ba o wala.

Q: Ma'am may suggestion kanina na parang yung mga papasa naman na old model even after 3 years i-allow, do you think that will be reasonable?

Poe: I think ang pwede nating gawin, sabi nga let's compromise a little bit. Kung road worthy naman siya, ibig sabihin ligtas. Pangalawa, emissions safety na nakapasa, baka pwedeng payagan. Maaaring may mga ibang bagay katulad ng side-door at saka yung mga disabled worthy na mga sasakyan baka yung ibang sasakyan pwede na yun, pero hindi sabay-sabay. Kasi hindi naman talaga 270,000 jeeps na magpe-phaseout within three years, parang mahihirapan yata tayo. Tandaan natin na 20 million ang nakasakay dyan sa isang araw, baka hindi tayo nagiging makatotohanan na sabihing mapapalitan agad yan. Ang importante iyong nasa kalsada ay ligtas, hindi bumubuga ng maruming emission.

Q: Pero wala kayong nakuhang commitment from Secretary Tugade na amenable sila sa ganoong proposal na basta pasado sa safety test, paano yun?

Poe: Malabo pa rin, kay Secretary Tugade ang sinasabi nya, pag hindi pa rin yan compliant, ibig sabihin, physically, yung sasakyan, yung design, within three years kailangan maphaseout na yan. Pero ang sinabi nya, 'everything is fluid.' Yun nga ang sinasabi ko, wala pa talagang nakasulat, nothing is written in stone at this point kasi parang sinasabi nya 'I'm still open to discussions and we will meet every two months.' Sabi ko, 'Secretary Tugade, wag kang mawawala sa mga meeting na yan.'

Q: Ano po ang recommendation ninyo sa DOTr considering na medyo malabo pa nga po?

Poe: Una, gusto ko sana magkaroon na muna ng mga pilot projects. Hindi pwedeng sabay-sabay, lahat ng areas. Kung compliance sa safety, road worthiness at saka emissions, pwede munang yun ang unahin tapos yung iba naman, like side door accessibility, persons with disabilities. Yung mga talagang kailangan ng palitan dahil hindi siya road worthy, yun na ang ipalit. Yung mga pwede pang tumakbo dahil maayos pa naman, i-allow. For sure marami ng kailangang palitan, yun ang dapat na maging--iyong prototype na nila. Linawin rin sana sino ang suppliers kasi bagama't yung mga engine Euro4, pero kung ang magtatagpi-tagpi ng sasakyan rin, mga chop-chop naman, baka delikado. Pangalawa, kung kukuha naman tayo ng mga accredited na kumpanya, siguraduhin nating walang kumpare system dito na ang ma-aaccredit nila ay mga kumpanyang talagang merong kredibilidad at kakayahang gawin yun.

Q: Deadlock pa rin, walang malinaw?

Poe: Ang naging malinaw ay ito: inamin ni Secretary Tugade na hindi pa talaga permanente yung guidelines nila, na bukas pa syang tumanggap ng mga suhestyon at siya ay dadalo sa mga pag-uusap. Malinaw yun. Pangalawa, malinaw din sa pag-uusap na yung financing terms maaari pang bumaba, at least sa mga iba. Pangatlo, malinaw din sa pag-uusap na may mga lugar sa Pilipinas na baka hindi naman compliant itong mga jeep na ito, hindi kaya yung terrain. May mga bagay na ganon. Malinaw rin sa pag-uusap na noong nagkaroon ng konsultasyon, hindi sinama lahat ng grupo.

Q: That will not stop yung transport groups to hold strikes pa rin?

Poe: Yan ay dapat tanungin nyo sila, kung sila ay kuntento na. Mukhang wala naman talagang makukuntento 100% dito, sana isaalang-alang na lang nila ang welfare ng ating mga kababayan. Sinasabi nga natin na 20 milyon ang nakadepende dito. Salamat na lang at nagdesisyon silang wag ng mag-rally ngayong kapaskuhan. Ngayon kung pagkatapos nyan, kasama iyan sa kanilang karapatan na maghayag ng kanilang saloobin pero kung talagang meron silang malasakit sana ipagpatuloy nila ang pag-uusap. Ako naman, hindi naman sa pagyayabang, pero babantayan ko si Secretary Tugade na tuparin nya ang kanyang pangako na makipagpulong at kunin ang tamang suhestyon para maging maayos sa paglatag ng programa.

Q: Will you be calling another committee hearing?

Poe: Tingnan natin 'pag natapos. Mukhang hindi na muna unless hindi nga tumupad sa pangako si Secretary Tugade. Thank you.

News Latest News Feed