Press Release
December 4, 2017

Transcript of the Interview of Senator Nancy Binay

Radyo ng Bayan Interview with Erwin Tulfo

Question: ...Miyembro po siya ng Committee on Health, magandang hapon po, Senator Binay, Ma'am...

Senator Nancy Binay: Magandang hapon Sir Erwin at magandang hapon sa lahat ng nakikinig sa inyong programa.

Question: Ako Ma'am ay kanina pang naha-highblood, umaabot na ng siyento-nobenta (190) ang aking alta presyon dahil sa... Kayo ba ay hindi mabubuwisit, 700,000 ang binakunahan ng Dengvaxia na iyan, 70,000 ngayon ang nanganganib na magkaroon ng, ika nga, side effect at malalang strain pa ng dengue, na dapat na ito po ay prevention! Sinasabi po ito na anti-dengue and now, parang minadali po kasi, Senadora Ma'am! Ano kaya ang magandang gawin dito sa mga hinayupak na dating gobyerno natin, Ma'am?

Senator Binay: Alam mo, Erwin, last year, I think mga bandang November iyon, nag-file ako ng resolution, investigating itong pagkabili nitong mga Dengue vaccine na ito. Si Senator Gordon, bilang chairman ng Blue Ribbon [Committee], ay nagconduct ng isang hearing noong December last year. So, kung baga, noon pa, kinukwestiyon ko na talaga ang pagkabili ng vaccine na ito dahil magugulat ka, Erwin ha, ang bilis na-release ng pondo para sa pagbili ng Dengvaxia vaccine na ito. Na kahit hindi pa kumpleto ang ang mga...

Question: Testing?

Senator Binay: ...Mga approval. I think wala pa itong FDA approval at the time pero mayroon nainjection na.

Question: Kaya nga, Ma'am. Kaya talagang halatang-halata, obvious na obvious kasi ayon sa aking impormante, 20 percent daw po ang usapan, Ma'am. Kung 3.6 billion po ito, Ma'am, may kumita ng 720 million dahil sa bakuna na ito, Madam Senator.

Senator Binay: Erwin, ang pondo na ito ay galing sa savings ha?

Question: Kaya nga, Ma'am, parang ang galing-galing nilang magsalita, iyong imbestigasyon ng mga kurapsyon, huwag na po tayong lumayo, doon po sa tatay ninyo, iyon pala, mayroon silang tinatago na mga loko-loko para mapagtakpan ang kanilang mga ginagawang kagauhan, iba ang tinuturo nila, iba ang sinisisi nila, Madam senator.

Senator Binay: Erwin, at saka, siguro pagdating dito sa mga programa ng vaccination dapat unang itinatanong kung, anak ko, gusto ko bang turukan ng ganitong vaccine? Ako, nagconsult ako doon sa doktor ng mga anak ko at ang sinabi sa akin ay huwag na muna nating injection-an dahil bago pa lang at hindi pa iyan garantisado.

Question: Iyon na nga po ang masakit doon, Ma'am. Come to think of it, pera mo, pera ko, iyan ang inambag-ambag natin para mabili iyan para sana aprotektahan ang kabataan natin. Pero ngayon lumalabas e pera pa natin ang dahilan baka mamatay yung ibang mga bata dyan Senator.

Senator Binay: Kaya nga ho ang panawagan ko ngayon e kung kailangan kumatok ng Sanofi at ang DOH dun sa mga nabakunahan na mga bata para malaman nila yung risk dahil sa pagka-injection sa kanila ng dengue vaccine e I think nararapat na gawin ito. At no cost to government, dapat siguro Sanofi ang sumagot nito.

Question: Tama, Ma'am, tama. At huwag ho tayong pumayag, siguro Ma'am, I heard iimbestigahan ho ninyo, dapat lamang po kasi ang sinasabi yata ng DOH ngayon i-monitor ang mga bata, e huwag po tayong pumayag. Dapat talaga, tama ka, yung kinita ng Sanofi na yan, gamitin nila para i-monitor nila yung mga anak natin, yung mga batang nakatikim na ng ganyan, idala na sa ospital kung meron mang prevention, e gawin na ho nila, di po ba Senator?

Senator Binay: At turuan ang mga magulang kung ano yung mga senyales na dapat nilang tingnan dun sa mga anak nila. Yun na nga ang gusto kong i-clarify, ano ang ibig sabihin nila ng "severe diseases"? Kasi kasama sa advisory ng Sanofi e kapag na-injectionan (injection) ka at hindi ka pa nagkaka-dengue, pwede kang magkaroon ng severe (disease), so ano yun?

Question: Opo, opo.

Senator Binay: Na dapat malaman ng ating mga magulang na nabakunahan na ang mga anak.

Question: Kailan kaya uumpisahan ang imbestigasyon na ito Ma'am, at sana po e pa-imbestigahan ho ninyo at kasuhan Ma'am, hindi lang ika nga in aid of legislation, kundi makasuhan yung mga luko-luko na behind this, na kitang-kita naman po, kaya minadali e para kumita sila, Senator Binay.

Senator Binay: Kaya nga Erwin naumpisahan na ang imbestigasyon e sa Blue Ribbon committee.

Question: Ayun.

Senator Binay: Dahil ang tinutunton natin e sinong mga taga pamahalaan ang may responsibilidad kasi nga isipin mo parang December 28 ata, 29 narelease yung SARO nitong pagbili sa dengue vaccines.

Question: Napakabilis ano?

Senator Binay: So nakakagulat, kaya sa aking pagkakaalam ay next week ata ay magtatawag muli si Sen. Gordon ng imbestigasyon.

Question: At dapat po Ma'am hindi lamang po ito mga Asec, asec, baka pustahan tayo tatamaan nito mga Asec, mga duktor. Dapat po talagang hanggang sa Secretary, at alam kong ilang Secretary ang involved ho dito. Kung dapat yung dating Pangulo isama, isama na rin yung buang na yun dahil wala nang ginawa yun kundi nakanganga tumutulo yung laway ng hayop na yun, Senator.

Senator Binay: So tingnan ho natin next week sa pagdinig kung ano pa yung mga anomalya na madidiskubre namin.

Question: Alright, maraming salamat po. Asahan po namin Sen. Nancy Ma'am, member ng committee of health sa Senado. Good afternoon po.

Senator Binay: Good afternoon at maraming salamat din.

News Latest News Feed