Press Release
November 29, 2017

Grace Poe's Ambush Interview Transcript

Q: Ma'am ayun, ginagawa raw ni Presidente 'yung pagsusulong ng charter change para sa inyo, para sa mga foundling, lalo na sa inyo kasi gusto daw niya kayong maging Presidente.

Sen. Grace Poe: Naku naman. Alam mo 'yung ating Pangulo, unang-una, ako'y nagpapasalamat sa tiwala ng ating Pangulo. Malaking bagay iyan, personally at politically, at salamat sa pagpapahalaga sa mga foundlings, pero ang ating Pangulo ang pinili ng ating mga kababayan at dapat tapusin niya ang kanyang termino. Nandito kami para suportahan siya sa kanyang mga layunin na makakabuti para sa ating mga kababayan. Ang importante lang sa akin at ako'y nagpapasalamat, na syempre paminsan-minsan, 'pag merong nagkakamaling mga kanyang itinalaga, natural lamang na dapat nating punahin; at pagdating sa charter change, syempre hindi padalos-dalos ang ating pagkilos ukol diyan. Kailangan nating masiguro na ito'y makatarungan at talagang ito'y makakabuti para sa mas nakararami.

Q: Pero ine-expect ninyo yon? Kasi 2 months ago, galit na galit siya, ngayon he is describing you as a very gentle woman, a leader.

Poe: Ang ating Pangulo naman ay matagal ko nang kaibigan at pinapahalagahan ko ang kanyang pagiging kaibigan pero pareho lang siguro kami na ang nais namin ay maisulong kung anong makakabuti sa bayan. Minsan mapagbiro ang ating Pangulo, sa tingin ko niloloko lang niya ko, wala naman 'yun.

Q: Clarification lang ma'am, so ibig sabihin, kasi nagpupush nga siya ng Cha-cha, so instead of pushing for it, kasi ang balak nga niya eventually to step down kapag na-change na, so are you telling him now na huwag mo na i-push and just finish your term?

Poe: Basta ako kasi naniniwala ako na sagrado ang boto ng ating mga kababayan, so kung ikaw ay itinalaga ng 6 na taon, dapat talaga tapusin mo yung termino na iyon. Kung kailangan talaga nating magkaroon ng charter change, sabi ko nga hindi padalos-dalos, at siguro pagkatapos na ng kanyang termino. Kahit sino pa man, mabait man o matino, hindi siguro masusupersede yung karapatan ng bawat isa na piliin kung sino ang dapat mamuno sa kanila.

Q: Don't you see it as just another ploy...?

Poe: Basta ako kasi ganito, ang konstitusyon ay napaka-importanteng dokumento para sa ating lahat. Wala rito dapat ang ating desisyon base sa ating partido o base sa ating personal lamang na layunin. Kailangan dito ay pag-aralang mabuti kung ano ang makakabuti sa ating mga kababayan. Para sa akin kung mayroon man tayong pagbabago sa konstitusyon, unang-una siguro yung ating mga economic provisions para mas magkaroon ng maraming mamumuhunan sa bansa, dadami ang trabaho sa ating bansa. Pagdating sa mga ampon na katulad ko o sa mga foundlings, sa tingin ko naman na malinaw na ang naging desisyon ng Korte Suprema at ako ay nagpapasalamat dito; na mismo na rin ang ating pangulo ay iginagalang ito. Hindi naman ito nangangahulugan na dahil lamang sa sitwasyon ko o sa sitwasyon ng iilan ay mapalitan ang buong konstitusyon kung hindi naman ito kinakailangan sa panahon na ito.

News Latest News Feed