Press Release
November 6, 2017

Win Transcript of Ambush Interview on Atio Castillo III Senate Inquiry
SENATE SESSION HALL

[Start recording]

SEN WIN: Siguradong magbabato ng mga technicalities. Kung titignan natin ang kaso ng mga naunang hazing incidents, talagang technicalities ang labanan pero dahil nga nagkaroon tayo ng detalye ng hearing, maraming ebidensyang lumabas. Sa testimonya ni Mr. Ventura very clear din so DOJ na ang gagalaw para ma-convict itong mga members ng Aegis Juris lalo na ang kasali doon sa hazing.

Q: May binanggit si senator Lacson, baka daw Trojan horse?

SEN WIN: Yan ang pag-aaralang mabuti ng DOJ at titingnan mabuti kung sinasabotahe ba talaga niya ito, but I think he is the best witness for now dahil ma-detalye ang kanyang binigay. Binasa ko many times ang kanyang salaysay at consistent naman doon sa salaysay na binigay nya kanina kahit papano.

Q: So considering binasa nyo na ang kanyang affidavit, so sa tingin niyo hindi naman sya Trojan horse?

SEN WIN: Ako, personally I don't think na Trojan horse siya, I think he's a credible witness at lumabas siya para bigyan ng katarungan si Atio.

Q: Sir, kaninang nagsusulong ng amendments, so far ano yung amendments na nakikita niyo sa Anti-Hazing Law?

SEN WIN: Dalawang very clear na dapat nating ayusin, una ang responsibilidad ng eskwelahan dahil ang eskwelahan kanina nagtuturuan. Yung Dean, yung Student Affairs, naghuhugas-kamay sinasabi na wala silang responsibilidad. Naglagay sila ng adviser na sabi nakatutok sa mga aktibidad ng Aegis Juris, for 6 years, wala silang na-detect na hazing sa kanilang eskwelahan so nakita natin ineffective ang responsibility ng school, dapat patatagin ang responsibility ng eskwelahan. Pangalawa, makikita natin even after that time, ginagawa pang pagtakpan o concealment or cover up ang fraternity so we also have to put in the law na yung mga members kahit wala doon o hindi ka nagparticipate sa hazing, pero nag participate ka naman sa cover-up, dapat kulong ka rin dahil makikita natin na yung mga senior members nila, mga elders na tinatawag nila na abogado na, sila pa ang nagtuturo kung papaano pagtakpan ang kaso at paano i-cover up ang kaso.

Q: Sir paano ang pag-inflict ng pain like yung pag gamit ng paddle?

SEN WIN: I think basically, ang recommendation natin pag hazing kahit ano pang gawin, paddle, palo, tulak, suntok, basta hazing illegal yan at pag ikaw nahuli, ikukulong ka.

Q: Anong nakita niyo pong liability ng UST?

SEN WIN: So far, ang nakikita kong liability diyan ay negligence at also incompetence dahil nga naglagay ng adviser na hindi naman alam kung ano ang ginagawa ng kanyang dapat bantayan so yun ang nakikita ko. I think CHED ang magiging institusyon na magbibigay o magpapataw ng parusa sa kanila.

Q: Kumbinsido ba kayo na si Big Brother lang ang founder o may particular na tao pa?

SEN WIN: Ako, kumbinsido ako na particular na tao yan na pinagtatakpan ng Aegis Juris, very consistent doon sa conversation nila na pertaining to a singular person. Big Brother, so yun pa ang isa nating iimbestigahan at hahanapin kung sino itong Big Brother kasi itong Big Borther, sa mga conversations, exerts a lot of influence not only to Aegis Juris but also to the government. Nakasulat doon na meron siyang power na itago ang CCTV so I think this might be a government official na member ng Aegis Juris.

Q: Hindi si Nilo Divina ang supect?

SEN WIN: Mahirap magsabi ngayon but nakita ko yung ibang conversations nila, may kapangyarihan siya para itago ang CCTV or sinasabi doon na meron siyang ganyan na kapangyarihan, so ibig sabihin mataas na tao to.

[End recording]

News Latest News Feed