Press Release
October 5, 2017

DOORSTOP INTERVIEW OF SEN FRANCIS PANGILINAN ON THE DESTAB, OUSTER PLOT THROWN AGAINST LP

SEN PANGILINAN: Hindi totoo iyon, walang ouster plot. Walang destab. Walang conspiracy ang Partido, ang LP. Hindi siya involved dito. In fact, kahit si Secretary Lorenzana mismo ang nagsasabi na walang ouster o walang destab plot at kami ay nagpapasalamat na si Secretary Lorenzana ay pumapanig sa katotohanan. Hindi kami involved sa anumang conspiracy.

Ang concern natin dito, ay 'yung conspiracy na nauwi sa pagpapalusot ng 6.5 billion na shabu sa BOC kasabwat ang mga drug syndicate. 'Yung conspiracy na 'yun dapat pinapaliwanag ng gobyerno.

Q: Sir, anung reaction niyo na palaging LP 'yung nasa likod ng mga...

SEN PANGILINAN: Eh dati na 'yan eh. Paulit-ulit na 'yan. Naka-isang taon na tayo, mula pa nung 2016 hanggang sa ngayon basta mayroong gusto silang sisihin, pinakamadaling gawin ay sisihin ang LP. Hindi na ito naiiba dun. Kumbaga lumang tugtugin na ito. Bumenta na ito. Dun lang tayo sa totoo. Doon lang tayo sa katotohanan.

Q: Sir, do you have any concern, 'yung 'yellowtards' para isinama doon sa umano'y enemies of the State? May binuong grupo na nagsabing kasama daw 'yung.

SEN PANGILINAN: Ito ang ginagawa ng mga nanggigipit. Ito ang gawain ng mga hindi pumapayag sa tumutuligsa o pumoprotesta hindi ito maka-demokratiko. This is anti-democratic and should be opposed and that's what we are doing.

Tinututulan natin itong mga panggigipit at sinasabing enemies of the State. This is anti-democratic, dapat tutulan ito. Dapat tinutuligsa ito. Hindi dapat tinatanggap ang ganitong klaseng kilos ng gobyerno.

Q: Sir, pa'no niyo iko-confront 'yung ganitong klaseng issue? Maliban sa usual na pagtutol? May mga concrete actions ba kayong gagawin?

SEN PANGILINAN: In the coming days, magkakaroon tayo ng mga pag-uusap, mga pagpupulong, pero nasa demokrasya tayo. At dapat sana, hindi tayo titigil sa mga pagbabatikos o kaya pagpupuna kung mayroong mga hindi tama. Pero 'yung mga magagandang hakbang ng ating gobyerno, eh dapat naman suportahan. Ganun ang demokrasya. Hindi ibig sabihin dahil kami ay may batikos o puna, eh kami ay destabilizer.

In fact, I again, uulitin natin, si Secretary Lorenzana mismo ang nagsasabi, sinabi mismo niya, na ang dissent, hindi ibig sabihin destab. Eh sana, ito ang makita ng gobyerno.

---

Q: Sir, yung kay Justice Sereno, kasi 'yung House found sufficient grounds to impeach her, and yesterday, I think the other day, the LP came out with a statement warning of the attacks in the independence of institutions.

SEN PANGILINAN: Lahat ito kunektado, 'yung panggigipit sa oposisyon, yung pagsampa ng kaso sa Ombudsman, yung pagsampa o threat filing impeachment cases against the Ombudsman, itong pagsampa kay Chief Justice Sereno, lahat ito kunektado. Panggigipit ito dahil ang ilang nasa administrasyon ay hindi makatanggap ng puna at hindi makatanggap ng kritisismo at gusto siguro ay tuloy-tuloy na tayo sa diktadura. Hindi tayo papayag sa ganun. We will not agree to a nationwide martial law. We are in a democracy. And the Liberal Party is ready to defend, uphold, our democratic rights, our basic fundamental human rights, and of course our constitutional democracy.

News Latest News Feed