Press Release
September 21, 2017

Sen. Leila M. de Lima's Statement on threat against GMA 7 reporter Jam Sisante after covering Sen. Trillanes in Singapore
Dispatch from Crame No. 167

Nakarating po sa akin ang pananakot at pagbabanta sa buhay ng GMA 7 reporter na si Jam Sisante, matapos ang pag-uulat niya sa pagpunta ni Sen. Sonny Trillanes sa Singapore, at doon ay napatunayang isang malaking kasinungalingan lang ang bintang ni Duterte ukol sa pagkakaroon ng foreign bank accounts.

Ang sabi raw po kay Jam: mag-iingat daw siya at baka matagpuan nalang daw siyang nakasilid sa sako.

Ganito na po kalubha ang epekto ng panlalason sa ating kaisipan ng rehimeng Duterte. Ganito po ang resulta ng panatisismo sa Pangulong maya't maya ang pagkunsinti sa mga patayan at karahasan. Ganito ang impluwensyang hatid ng isang Pangulo na binabalewala ang karapatang pantao, at walang pagpapahalaga sa demokrasya. Ganito ba natin gustong magpatuloy ang ating lipunan?

Kalayaan sa pamamahayag ang isang mahalagang pundasyon ng demokrasya. Kaya naman itigil na ang panggigipit sa media! Itigil na ang mga pagpatay at mga kasinungalingan! Itigil na ang panunupil sa karapatang-pantao!

News Latest News Feed