Press Release
September 19, 2017

WIN TRANSCRIPT OF PHONE PATCH INTERVIEW ANTI-HAZING LAW 2016

DZRH: DAMDAMING BAYAN WITH MILKY RIGONAN AND JOE TARUC

LIVE PHONE PATCH INTERVIEW

ANTI - HAZING LAW ACT OF 2016

[START RECORDING]

SEN WIN: Nakakalungkot dahil napaka laki ng potential ni Horatio, gusto maging abogado, gusto maging senador at dahil sa pag sali sa fraternity na ito ay nauwi sa kanyang kamatayan, nakakalungkot po.

Q: Pero Senator Win, sabi mo nga matagal na ang batas ng anti-hazing law, 1995, so matagal-tagal na, pero sa kabil nito hindi napigilan, maraming hazing victims, kung hindi bugbog sarado, marami sa kanila namatay, ano ang kulang sa ating batas?

SEN WIN: Kung titignan natin yung statistika, 1995 after 22 years meron po mahigit kumulang 100 na mga reported hazing incidents at doon sa 100 isa lang ang po ang na-convict. So makikita natin na talagang ineffective itong batas na ito at kailangan natin ng batas na magiging simple at mas madaling gamitin ng ating husgado para magkaroon ng conviction. Ito pong isang daang hazing incidents, ito ay mga reported lang mas marami pang hindi reported, yung mga ayaw na mag sumbong sa ating ka pulisan. Dahil dito, makikita natin na yung batas na in-enact noong 1995 ay hindi gumagana kaya hanggang ngayon meron po tayong nakikita ganitong karahasan.

Q: Sabi mo nga po dapat ma repaso o ma-repeal ang batas simplehan, mahabol ang dapat habulin, unang-una doon sa responsiblidad ng fraternity kung minsan nag tuturuan o kaya nagtatakpan ng mga nasa likod ng mga initiation rites, sino mga yung leader ng fraternity, dito ba sa bagong bill na ito ay mahahabol, mapapanagot natin ito mga ito sa bagong batas, itong mga initiation rites na ito?

SEN WIN: Ang mungkahi ng batas na ito ay simple lamang basta nahuli ka gumagawa ng hazing,makukulong ka, dinagdagan din natin ng isang provision na ang eskwelahan ay malaking bahagi po dito sa paglaban ng hazing, bibigyan din natin ng penalties kung ang eskwelahan. Kung gagampanan nila ang kanilang responsiblidad, malalabanan ang hazing. Nasabi mo nga no, kung ikaw ay kasali diyan, at ikaw ay officer or even member of the board, ikaw ay makukulong din at masasama.

Q: Pero Senator Win sa kaso ni Castillo ang pamunuan ng University ng Sto. Tomas may pananagutan sa kaso na ito, number two, ang sinasabi nga nila ang venue ba nakasaad din sa batas na within the school o sa labas pero dapat may regulation dapat from them?

SEN WIN: Actually itong nangyari po kay Mr. Castillo, ay nakikita natin yung fraternity ay accredited ng school, so ibig sabihin binibigyan nila ng pahintulot itong fraternity na ito na mag-operate inside and outside of the school kasi na recognize sila as a legitimate organization or fraternity. Kaya po para sa akin, talagang may responsibilidad po yung eskwelahan dahil alam nila yung mga operation at alam nila yung mga prinsipyo ng mga organization na ito na ina-accredit nila. Eh kung alam nila na hindi maganda yung organization na ito, eh wag na nila i-accredit para di na sumali yung mga bata.

Madalas nangyayari to lalong-lalo na kung galing ka sa probinsya, gusto mo mag-aral dito di mo naman alam yung mga legitimate organization. Ikaw ay nakasalalay din sa eskwelahan. Dito sa bagong natin batas, sa bagong proposal natin, malaki po ang gagampanan ng ating eskwelahan at kung hindi nila gagawin ito, meron pong multa. Doon po kasi sa kasalukuyan na Anti-Hazing Law, walang multa eh, binibigyan nila ng responsiblidad ang eskwelahan pero walang multa.

Q: ano po yung multa? Monetary po ito?

SEN WIN: Meron po administrative and also may fine na ipapataw at depende din kung gaano kabigat ang kaso.

Q: konspeto ng fraternity ay brotherhood ang sinasabi ng miyembro ng frat pero bilang isang ina, nasa batas ba natin at maging sa panukalang batas mo na meron bang regulasyon na meron ba na number one, mayroon bang karapatan ang mag sasailalim sa hazing? Kasi alam natin na once na sumama yan sa fraternity may kaakibat doon hazing?

SEN WIN: Hindi naman natin pinagbabawal ang groupings na yung pagbubuo ng organisasyon, kasama na dito yung sorority. Marami naman pwedeng grupong salihan, di naman kailangan fraternity or sorority, like for example basketball group or music group, may mga iba't ibang organisasyon katulad ng student council, di naman masama yun. Ang masama yung mga pananakit na ginagawa ng grouping na yun, in this case yung hazing. Ang pinagbabawal po natin yung the act of hazing pero kung mag grupo-grupo sila wala naman kaso yun.

Q: yun po kas yung nangyayari Sen Win pag sumali ka sa fraternity kasama na yan, yung pagmamalupit, sasaktan ka, bubugbogin. Ang sinasabi ng ilan miyembro ng frat Sen Win alam ng miyembro na papasok na sasaktan siya pero yung ba kumbaga tinitiyak nila na hindi gagalawin yung parts ng katawan na pwedeng ikamatay, may mga ganun daw, panig nga ni Atty. Castillo na parang galit na galit yung gumawa kay Horacio? Bugbog sarado talaga.

SEN WIN: Actually pag binasa yung description kung ano nangyari kay Mr. Castillo, hindi na ho hazing kung hindi torture eh. May patak ng kandila may picture pa ng braso talagang black and blue, magkakaroon po talaga ng hematoma pag ganun. Hindi natin alam kung ano pa yung mga ginawa sa kanya no, so ang proposal natin ho, any physical or psychological na masasaktan ang isang tao yun po ay ipag-babawal dahil ang hazing di lang po physical eh meron din psychological form. Meron yung pwede ka pahiyain sa harap ng ibang tao--

Q: Yung iba po pinapahubad tapos pinapaikot--

SEN WIN: Oo meron din yung pinapahubad, kung ano ano pinapagawa, hindi naman lahat ng tao may psychological capacity baka yung iba magkaroon na ng psychological damage so ang konsepto dito ay okay na mag grouping, okay lang magkaroon ng fraternity and sorority wag lang kayo gagawa ng hazing at pag sinabi natin hazing, psychologically and physically harm bawal.

Q: concern nila dito ipailalim sa pananakit, sa torture, saan po ba? Para malinaw doon sa bill--

SEN WIN: Maraming hindi malinaw dito sa kasalukuyang bill, in fact madaming nanawagan ukol dito. Noong 2015, pumasa na ho ito sa kongreso with 115 votes ang nakuha bago ang anti-hazing bill. Nakakalungkot lang hindi nakasaad sa kasalukuyang batas, ako'y confident na sa sa bagong bill, makukuha na tayo ng mas matibay na anti-hazing law.

Q: Senator Win meron na po bang resolution sa senado para imbestigahan ang pagkamatay ni Horacio Castillo III?

SEN WIN: I think gumawa na po ang iba't ibang ahensya ng kanilang imbestigasyon, ang CHED nag sulong na ng kanilang imbestigasyon, DOJ naglunsad na rin. Antayin muna natin ang kanilang report para malaman natin ano magiging susunod na hakbang.

Q: Na-ifile niyo na ba itong SB 199?

SEN WIN: Oo matagal na, pagkaupo natin sa senado finile na ho natin dahil nga naprubahan na ito sa kamara sa nakaraang kongreso, kaya yung final version agad finile na natin dito.

Q: Ang gusto nila makita ang konsepto ng pananakit dapat makita ito sa pagsali ng bawat miyembro ng fraternity, kasi yung Castillo namatay hindi lang dahil sa injuries, kung hindi sa heart attack, yung konsepto ng takot niya--

SEN WIN: From medical expert na nakausap natin, pag ikaw ay under extreme pain halo ng takot, yun ang reaksyon ng puso natin. So that's why nakikita ko na nga ito as torture e, kakapanood lang natin yung mga pag-totorture sa unang panahon. Hindi talaga tama to, it really cultivates the culture of violence sa ating mga eskwelahan, hindi talaga tama ito.

Q: Sana masunod ang konsepto ng fraternity brotherhood Senator Win--

SEN WIN: Madami na naman mga fraternities na nilalabanan ang hazing. Dapat talaga linisan ng mga fraternities ang kanilang mga pangalan dahil isang insidente lang na ganito ikasisira nila. Alam naman natin na madaming government officials, businessman at mga kasama natin sa senado ay member ng fraternity at nadadamay rin po ang kanilang mga pangalan sa mga insidente ito.

[END OF RECORDING]

News Latest News Feed