Press Release September 6, 2017 GRACE POE CONDEMNS THE KILLING OF REYNALDO DE GUZMAN Kasumpa-sumpa na ang labing-apat na taong gulang na si Reynaldo de Guzman ay natagpuang tadtad ng saksak sa Gapan, Nueva Ecija. Huwag naman sanang paikutin ang ulo natin na holdaper rin ang batang ito gaya ng pinalulutang na kuwento tungkol sa kanyang kasamang si Carl Angelo Arnaiz. Namumuhi tayo na dalawang batang punung-puno ng pag-asa ang pinatay sa marahas na paraan. Dapat gamitin ang buong puwersa ng sistema ng hustisya ng ating bansa para durugin ang mga salarin sa karumal-dumal na krimeng ito at matigil na ang walang habas na pagkitil ng buhay lalo na ng mga kabataan. |
Wednesday, March 27
Tuesday, March 26
|