Press Release
August 21, 2017

Sen. Bam on death anniversary of Ninoy Aquino

Noong panahon ng diktadurya ni Marcos, umiral ang karahasan at katiwalian; nawalan ng boses ang taumbayan, nawala ang katarungan.

Kinailangan na may mga mamatay para sa kalayaan at katarungan bago namulat ang sangkapuluan.

Isa doon si Ninoy Aquino, ngunit hindi siya nag-iisa.

Ngayon na umiiral ulit ang karahasan, ilan pa ang magdurusa bago gumising ang taumbayan?

Isa si Kian sa pinatay na walang pakundangan.

Hindi rin siya nag-iisa. At dadami pa ang tulad niya kung hindi tayo magkakaisa upang matigil na ang karahasan at pang-aabuso ng may kapangyarihan.

Sa araw ng paggunita kay Ninoy, mahanap sana natin muli ang ating boses, tapang, at, higit sa lahat, ang labis nating pagmamahal para sa bansa.

News Latest News Feed