Press Release
August 20, 2017

Grace Poe's Ambush Interview Transcript
FPJ's 78th birth anniversary, Manila North Cemetery

Q: Comment sa nangyayaring extrajudicial killings, especially iyong kay Kian

A: Nakakalungkot at siyempre, nakakabahala. Tama rin ang naging statements ng ating mga kasama sa Senado, kailangang malaman talaga natin ang tunay na nangyari bagamat may CCTV. Dapat maparusahan ang mga abusado dito. Nakikita naman natin, maraming nang-aabuso talaga sa programa na ito para pigilin ang paglaganap ng droga. Yung mga wala namang--yung mga inosente, maprotektahan.

Q: 78th birthday ni FPJ, anong maalala ng mga tao sa kanya?

A: Ang hindi talaga makakalimutan ng marami, si FPJ, ang tema ng kanyang mga pelikula, ipaglaban ang mga naaapi, ang mga inosente. Siguro dapat iyon ang ilagay natin sa ating isip. Ang palagi kong dasal na tayo ay manatiling may tapang na ipaglaban kung anong nararapat, pero magkaroon ng awa sa puso na tulungan talaga, hindi lang ang sarili. To remain courageous and to remain compassionate--yun ang dalawang bagay na natutunan ko sa aking ama.

Q: Kahit ilang taon nang wala si FPJ, pag-asa pa rin ang iniiwan nya

A: Para sa akin, ang pelikula na na-restore na "Isusumbong Kita sa Tatay Ko," madalas pag meron akong kalituhan, o gustong gawin, nagdadasal ako na maging courageous and compassionate at sinusumbong ko pa rin sa tatay ko sa isang dasal.

Q: Pinuri ni Pangulong Duterte yung Bulacan PNP na parang paramihan...

A: Hindi dapat ito contest ng ganun. Walang mananalo sa contest na ganito. Talo tayong lahat.

News Latest News Feed