Press Release
August 15, 2017

Grace Poe's Ambush Interview Transcript

Question: Habang hindi pa nareresolve ang appeal ng Uber, they decided to continue operations. What can you say?

Poe: Bukas magkakaroon ako ng meeting kasama ang LTFRB at Uber. Naiintindihan natin ang panig ng LTFRB na may batas, subalit marami namang ibang pagkakataon na pwede mo silang singilin. Halimbawa, bigyan sila ng penalty na malaki na makakasakit sa bulsa ng Uber, pero hindi maapektuhan ang mga pasahero. Tungkol doon sa hindi nila pagsunod, kasi nga nag-file sila ng Motion for Reconsideration, tingnan natin. Alam mo sa amin, malabo ang regulasyon ng LTFRB, parang very arbitrary. How did they come up with one month for example? Quasi-judicial sila so pwede silang magdesisyon kung paano. Pero siguro, kung tapat sila sa kanilang sinasabing trying to strike a gentle balance, siguro dapat alalahanin nila na ang pinaka-kawawa dito ay yung mga pasahero, kasi kulang ang ating safe mode of transportation. Hindi bale sana kung ang mga tren natin ay maayos ang pagtakbo, hindi bale sana kung lahat ng ating mga sasakyan ay maayos, e hindi din naman. Tapos sana ang inuna ng LTFRB ay talakayin ang flag-down rate ng mga taxi, kasi walong taon nang hindi nagtatas iyan kaya tuloy ang mga taxi drivers kawawa rin.

News Latest News Feed