Press Release
July 22, 2017

Grace Poe's Ambush Interview Transcript
Joint Session

Q: Ano yung naging basis ninyo for voting yes?

Sen. Grace Poe: Alam ninyo mas gusto ko sana na mas maikli ang martial law, pero hindi naman natin pwede ding talikuran yung pagsuporta sa mga sundalo doon kung paano nila masusugpo ang rebelyon, so binigyan natin sila ngayon ng pagkakataon pa kasi marami pa nga daw teroristang nagkalat sa lugar na iyon. Subalit ito, ang hinihingi ko ay isang mekanismo kung saan ang Kongreso at Senado ay pwedeng mag-review ng mga nangyayari, kasi itong kapangyarihan ng martial law na ito, kami ang nagpatupad na pwede itong i-extend, kami rin ang pwedeng magpawalang-bisa nito kapag nagkaroon ng abuso. Yan lamang ay aking paalala rin kapag nagkaroon ng matinding pang-aabuso, maaaring bawiin din ng Kongreso ang binigay na kapangyarihan na ito.

Q: So with reservation yung boto mo?

Poe: With reservation. Isinasubmit ko na lang ang aking statement ukol dito pero siyempre parang gamot din iyan. Hindi mo naman basta-basta pwedeng itigil, mayroon pa ring patuloy na dapat na binibigay, pero yung ating mga kababayan nga na internally displaced persons, yung mga nasa evacuation centers, sabi ko huwag din kalimutan ang kanilang seguridad at kapakanan kaya dapat matapos na rin ang gulo dito.

Q: Ma'am, off hand, ano yung parameters nung excess for you to say na pwede sigurong bawiin kung sakali?

Poe: Tingnan muna natin unang-una na wala nang malaking banta kasi ang threat nga actually, kailangang makita natin na tapos na ang problema doon, na hindi na talaga kailangan ng military rule. Kailangan malakas na ang civilian arm na nag-ooperate sa lugar na iyon. Dapat din yung Commission on Human Rights, gawin na nila ang kanilang trabaho nang maayos para maisumite kung mayroon mang mga complaints. Pero sa nakikita naman natin ngayon, bigyan natin ng pagkakataon na tapusin ng ating AFP ang problema sa Marawi, pero sabi ko nga kapag nagkaroon ng malaking abuso, malalaman naman natin iyan kung talagang abusado sila, maaari namang bawiin din ng Kongreso itong binibigay sa kanila.

Q: Kayo ang magmo-move kapag may nakita kayong mga abuso?

Poe: Tingnan natin kung ito'y paglabag sa ating Konstitusyon, responsibilidad natin na magsalita laban dito.

News Latest News Feed