Press Release
May 27, 2017

TRANSCRIPT OF MEDIA INTERVIEW WITH SEN FRANCIS PANGILINAN ON MARTIAL LAW DECLARATION, 26 MAY 2017

Q: ....Sir yung sa joint session lang. Sabi ni Tito Sen. Parang malabong magkaroon unless sense of the senate na i-revoke

SEN PANGILINAN: Well syempre, magandang mapag-usapan 'yan lalo na next week sa Senate floor kasi kung titingnan natin yung legislative precedents nung nag-martial law declaration noon sa Maguindanao nung December 2009 nagkaroon ng joint session ang Kongreso. So whether or not there was an intention to revoke we believe--I believe there has to be official proceedings and it has to be the decision na may public record and the only way to do that is to have joint session.

Q: Sir who would decide?

SFNP: Both houses you know, in the last Congress kasi nung nagyari ito noong 2009, nag file ng resolution ang Senado and 17 senators wanted to have a--agreed to have a joint session. So kailangan ganun. Ayun ang proseso. The constitution provides for transparency, accountability, as well as the right of the citizen to information of public interest. And obviously, all these three are necessary. Especially napaka-seryoso itong deklarasyon nang martial law. Milyon ang apektado niyan dahil buong Mindanao ang deklarasyon.

Q: How do you see it happening sir kung parehong ang leadership ng both houses ay parang ayaw magkaron ng joint session?

SFNP: Well of course in the end kailangang pagbotohan yan. In the Senate kung talagang itutulak na dapat magkaroon ng joint public session. Then I and the other senators who will support the effort will have to push this on the floor. Then it will come to a vote. Ang importante dito ay magkaroon ng deliberasyon. Ito'y pagkakataon para makapagtanong ang mga senador kung ano ba talaga ang naging basehan ng deklarasyon ng martial law. At malaman din ng publiko dahil ang publiko ang apektado dito. Sa ngayon tuloy-tuloy pa din ang bakbakan eh. So tayo ay sinusuportahan natin itong ating mga sundalo. Dapat talagang kumilos at manumbalik ang kapayapaan at ang peace and order sa lugar. Ayan talaga ang priority natin. And hopefully sana sa lunes ay agiging mas ika nga under control ang sitasyon. And by then magandang matalakay ang martial law declaration.

Q: Sir sa lunes ay mayroong briefing ang military officers. Hindi po ba sapat yon? Kailangan pa talaga na may joint session?

SFNP: Well ako ay naniniwala na kailangan pa rin ng joint session. Seryosong bagay ang deklarasyon ng martial law na mandato ng Kongreso na may kapangyarinhan siyang isantabi ito. Na naniniwala siyang walang basehan. Kung may kapangyarihan siyang isantabi ito sa joint session na kung saan kapag isantabi ang ilang karapatan ng ating mamayan ay maibabalik. In other words ang curtailment to some of their freedoms will no longer be--maisasantabi. Dapat sinasabi ng saligang batas ay magka-joint session. Pero bakit sa pagdating naman sa usapin naman ng hindi mo maisasantabi ang martial law at yung mga freedoms ng ating mamayan ay hindi na kailangang mag-debate. So I feel whether or not we support the declaration of martial law, there has to be a joint session.

Q: Ano po ang possible option para at least second option para magkaroon ang possibly access doon sa information na ibibigay ng security officials?

SFNP: Noong 2009, balik tayo noong 2009 nagdeklara ng martial law naroon ang DND, naroon ang secretary of justice, naroon ang PNP, nandun din ang AFP sa joint public session. At tinanong natin ang lahat ng mga tanong doon sa mga nasa executive department in front of media. So bakit hindi natin gawin ulitin ngayon? Ano ang kaibahan ng deklarasyon ng martial law noon at yung deklarasyon ng martial law ngayon? In terms of sabihin na nating may sensitive information kung meron sensitive information puwede naman mag-executive session. Ako naniniwala at kayo sa media 'di ba gugustuhin din ninyong malaman ano nga ba talaga ang sitwasyon doon sa Mindanao? Ano na ng talaga ang assessment ng military? Kapag sinabi ng military doon sa briefing na "everything is under control" diba dapat alam ng publiko 'yon at alam ng media yon? Pero pano ninyo malalaman ito kung hindi public session?

Q: Sir may option si majority leader parang if there are concerns you want to put on record sa senate session nalang gawin? Option po ba yon na hindi magkaroon ng joint session. Doon niyo nalang i-voice out yung concerns niyo?

SFNP: Well that is always a possibility. Kasi ultimately, itong matter na ito of going to a joint public session kapag may objection na hindi dapat at dapat mag coven dapat pagbobotohan. Doon magkakaroon talaga ng debate doon magkakaroon ng justification at argumento. So lalabas talaga it will be placed on record sa senate. So pag natalo eh hanggang senate nalang. So ibig sabihin hindi magkaka joint public session.

Q: Sir may concern si Tito Sen na hindi kayo makakapagsalita doon sa joint session?

SFNP: So that was in the case naman doon sa 2009. Because we were able, naging mode lang kasi ni lift yung declaration. Kasi if I'm not mistake after three sessions natapos na yung joint session of Congress. So hindi naman nagka problema noon. Ang mahalaga naipaliwanag ng executive department, naipaliwanag ng AFP at ng department of justice yung legality at yung basis at nalaman ng publiko at nalaman ng ating mga kababayan. Kasi hindi biru-biro ang martial law. Maganda ring malaman at importanteng malamang ng tao na kung talaga ito ang dapat gawin dapat alam ng publiko yon at ano ang mga dahilan?

Q: Tingin niyo sir may tinatago kaya ayaw pumayag sa joint session?

SFNP: Hindi naman. Maari kasing up to now nagkakaroon pa ng military operations so ayaw nating maging hadlang sa ating afp na manumbalik ang peace and order at kaayusan dito sa Marawi. So meron din namang ganung concerns. So tayo sinusuportahan natin ang ating armed fores na matiyak na itong Maute group ay ma-neutralize at magkaroon talaga ng maibalik ang kaayusan. Kasi ang pinaka-apektado dito ay yung libu-libo nating mga kababayan. Yung mga sibilyan na nagsisilikas na at ang kanilang kaligtasan ay nakukumprumiso. So we would like our armed forces to succeed. In confronting this armed group and being able to bring back law and order dito sa Marawi.

Q: Sir what about yung pulse ng ibang senators na trust the president during this time that he has access to intel na kasi wala kayo wag muna i-criticize ang martial law, 'wag munang kuwestyunin.

SFNP: Well we are not criticizing the declaration of martial law because the need to address the Maute group. Because at this point kaya nga gusto nating malaman. Kaya nga how can we criticize or how can we support even kung hindi tayo pamilyar sa ano ba ang naging dahilan, ano ba ng information na ito. So mas maganda sa 'tin gaya ng nangyari noong 2009 na nagdeklara ng martial law si Presidente Arroyo at agad agad nagkaroon ng joint session of congress. hindi naman naging sagabal ang congress dito sa operasyon doon sa Mindanao at ang publiko ay nakalma at nakita na ito pala ang mga dahilan na nagkaroon ng ganitong mga hakbang, na extra ordinary hakbang noon, noong 2009.

Q: Sir doon sa presscon ni former President Ramos tapos marami siyang pinunto doon, una hindi naman daw dapat .... Tapos i-limit daw natin dapat sa kung saan naka confine ang problem at the same time nagiging tako ng family ang atmosphere.

SFNP: Well kaya nga importante ang tamang impormasyon. That's why kaya nga sakin, that supports--I'd like to think yan ang isang paraan para magkaroon tamang impormasyon at magkaroon ng joint public session. Matanong ang mga dapat matanong halimbawa pag sinabi ng armed forces doon sa joint public session halimbawa sa lunes ito po ang nangyari nasugpo na po ang problema, sporadic lang po at isolated nalang ang mga terrorist at iilan nalang po sila oh eh di lahat tayo makikinabang sa impormasyon na yun dahil alam natin na ayos na at nagkaayos na doon sa usapin ng pagsalakay sa Marawi City. So importante ang impormasyon. At ako ay naniniwala sa pamamagitan ng joint public session mas lalaong magkakaroon ng dagdag kaalaman at kalinawan dito sa Marawi.

Q: How do you asses so far yung implementation ng Martial Law since Tuesday night.

SFNP: Well I have not receive information because nakatutok talaga doon sa sitwasyon doon sa military aspect itong nandiyan pa ang mga armed groups so wala pa tayong balita ng implementation o abuses. We don't know yet. But so far, wala naman tayong nakikitang mga reklamo. At maliwanag naman ang guidelines ng armed forces nagpalabas sila ng kanilang mga guidelines sa pag-implementa nitong martial law. At maliwanag, sinabi nila na the courts continued to function, that the rules of court are to be respected in the arrest of individuals or citizens or persons so at least yun, klaro sa armed forces yung parameters nung kanilang pagkilos dito sa usapin ng martial law declaration.

Q: Sir kanina na nagbigay na ng announcement si Sol Gen Calida, pati si Sec. Abella na today ang start ng mas maraming restrictions sa mga civilians sa Mindanao. Pati yung freedom of the press will be curtailed, limited na yung information and in the coming hours, magkakaroon na mga arrests. Ito ba, puwede nating sabihin na .... of a martial law declaration .... and be afraid of what's gonna happen after this.

SFNP: Well and that's why the joint and public sessions is important. Itong mga issue na ito na mga announcements, at pronouncements regarding curfew, regarding curtailment of press freedom, medyo--siguro if it compromises the military operations then that is understandable because of security considerations pero ano ang saklaw niyan dahil sabi ng saligang batas, even with a martial law declaration, the constitution is still operation and press freedom is still to be respected.

Q: Sir, even the use of social media daw.

SFNP: Precisely, all of these, ano ang parameters ng--I can understand. Kung kinakailangan magkaroon ng management of sensitive information that may compromise the safety of the soldiers and the success of the operation, I'm all for that na dapat talaga i-manage yung flow ng information sa ganung usapin. And that's what we want to know. Ano ang limit? Kasi sa akin, yun lang ang posibleng justification na ang information ay ima-manage because nga you don't want to compromise the operations--the success of your military operations on the ground and you don't want to compromise ang safety ng ating mga sundalo

Q: Sir, yung martial law report, okay kayo dun sa basis nung martial law? Satisfied?

SFNP: Mayroon akong mga questions and that's precisely why I want to raise it sa joint public session. Kasi hanggang sa ngayon, hindi pa tapos yung operations eh. Sabi nga nila mahirap nga yung bumatikos habang naririyan pa rin ang bakbakan. Hintayin natin--I would suggest--I'm giving myself a few more days before I begin to look into the other aspects of the martial law declaration . Right now, the military operations are still ongoing. We support the troops, we support the effort to neutralize yung Maute group. And then we will see as things develop dun na natin tingnan ang usapin ng basis ng deklarasyon, etc.

Q: Yung blanket, sir na martial law possible daw ma-expand sa visayas.

SFNP: Ayun medyo--alam mo, maliwanag sa ating saligang batas na ang basehan lamang ng deklarasyon ng martial law ay may rebellion or invasion. Now kung mayroong terrorist act na isolated sa Visayas, that is not a justification to declare martial law there. It has to be a Visayas-wide rebellion. It has to be a Visayas-wide threat before it can be justified as-bago maging justified ang isang martial law declaration.

Q: Sir, you have concerns na parang nagiging default 'pag may problema--

SFNP: Also, akoy naniniwala strategically, I think sinabi na ni Presidente Ramos iyon, na yung kamay na bakal per se, hindi yan yung long term solution sa problema sa ating bansa. It may serve a particular purpose for a limited period of time in a limited area pero strategically hindi sustainable na magma-martial law nang mahabang-mahabang panahon. That is not also the intention of our constitution. It is an emergency extraordinary power considering the abnormal situation, but once the situation is under control and normalized, there is no need to extend or allow for a martial law declaration to continue.

Q: Sir, how do you address dun sa social media na bakit daw yung taga-Luzon, reklamo nang reklamo eh sa Mindanao lang naman yung martial law

SFNP: Well, siyempre ang problema ng Mindanao ay problema rin ng buong Pilipinas. Hindi dahil hindi tayo taga-Mindanao, hindi na tayo puwedeng magsalita o hindi na tayo puwedeng magkomento. Hindi naman din. And I was elected--for example, ako po ay hinalal ng Luzon, Visayas ay Mindanao at mayroon din tayong mga concerns din at mga supporters din sa Mindanao na--and there are also a number of citizens from Mindanao who do not agree that martial law will solve the problems in Mindanao. Mayroong mga sumasang-ayon, mayroon ding hindi. Eh kung sila may concern din tungkol dito, taga doon din sila. Sana maunawaan nila na hindi komo hindi tayo taga-Mindanao hindi ibig sabihin hindi na tayo puwedeng kumomento o magbigyan ng obserbasyon. And number two, hindi naman totoo na lahat ng mga taga-Mindanao ay sinusuportahan din ang mga ganitong klaseng mga hakbang.

Q: Sir, sabi niyo kanina na hindi solusyon ang kamay na bakal so do you think hindi dapat martial law agad ang dineclare ni pangulo?

SFNP: Well again, right now, ongoing pa rin ang operations so I would rather not, at this point, debate itong declaration na ito precisely nga mas mainam yan kung mayroong joint pubic session. Yun ang tamang paraan at yun ang tamang sabihin na nating lugar para pag-usapan itong validity at yung basis nitong declaration ng martial law.

Q: Sir anung details po na gusto ninyong makita para masasatisfy na justified yung declaration.

SFNP: Well pretty much kung ito ay consistent with the constitutional--mayroon ba talagang rebellion, di ba. Basically yan, gusto nating malaman iyan. Kaya gusto nating matanong ano yung mga pangyayari dahil may mga pagkakataon sa nakaraaan, panahon ni Ramos, panahon ni Estrada hanggang panahon ni Aquino na nagkaroon din ng patayan, nagkaroon din ng pananalakay ngunit hindi naman nagdeklara ng martial law. So gusto nating malaman itong mga detalye na ito.

Q: Sir doon sa definition ng rebellion, kasi ano po ba ang dapat gamitin na definition? Definition na nasa revised penal code?

SFNP: Revised penal code.

Q: RA 6986 kagaya po nung ginamit ni Presidente Arroyo yung kapag nahahadlangan yung pangulo na gawin yung kanyang obigasyon, that is already...

SFNP: Well, saying. Number one, hindi nadesisyunan ng Korte Suprema yung pagsampa ng kaso doon sa declaration ng martial law noong panahon ni Arroyo at hindi rin naging moot dahil ni-lift. So but if you ask me, it should be rebellion as defined by the revised penal code.

Q: Sir, if in case na sumobra nga po, or sa tingin niyo may sumbra doon sa pagdecide ng martal law, what happens next? May mapananagot ba?

SFNP: Well, no. Kaya nga gusto kong--ayokong pangunahan nga eh. That's why itong mga tanong na ito ay magandang maitanong yan pag may joint public session. So really, I don't want to--ayoko namang pangunahan yung proseso. That's why I want to--kaya nga gusto natin magkaroon ng joint public session doon natin malalaman ano ba ang ginagawa. Ano ba ang--you know this is, matindi ito, pag pinaguusapan curfew, pag pinaguusapan warrantless arrest, kailangan magiging mapagbantay din tayo. We want to defeat, we want to go after itong Maute group but we also don't want that in the process of doing so ay magkaroon ng collateral damage ika nga at magkaroon ng pang-aabuso.

News Latest News Feed