Press Release
May 19, 2017

Grace Poe's Interview Transcript
News To Go with Howie Severino and Kara David

Howie Severino: Magandang umaga Senadora Grace Poe

Sen. Grace Poe: Magandang umaga Howie at Kara at sa lahat po ng nanonood.

Severino: Paliwanag po ni dating Transportation Sec. Abaya na pinirmahan daw niya yung PH Trans contract in good faith pero ang lumalabas medyo questionable itong kumpanya.

Kara David: Ang sinasabi niya, bago daw kasi siya, kauupo lang niya as secretary so parang he was trusting the previous secretary and the people who approved it prior to his appointment.

Poe: Maling palusot yun kasi kaya ka nga tinalaga diyan para masigurado mo na maayos. Hindi mo pwede sabihing in good faith, kailangan gawin mo rin yung trabaho mo. Tingnan mo man lang, hindi naman mahirap siguro na matunton doon na yung kumpanya na nanalo ay wala man lang track record, ibig sabihin walang experience sa ganun.

David: At bago lang.

Poe: Bago lang, 2 months pa lang ang incorporation napakaliit ng capital so parang sasabihin mo bakit ito yung nanalo? Hindi ba't parang natural curiousity lang yun. So para sa akin meron talagang kababalaghan na nangyari kasi alam mo, nung 2010, matatapos na yung contract ng Sumitomo pero naghintay sila hanggang 2012 bago pa nila pag-isipan na i-bid ulit. Tapos ura-urada nilang ibinigay sa isang kumpanya na wala namang kaalam alam sa ganyang uri ng pagmimintina kaya nag-umpisang masira ang ating mga tren. Hindi tayo bumabalik para maghiganti, bumabalik lang tayo para mailagay sa ayos, para una hindi maulit muli at pasensya na, doon talaga sa mga mali ang ginawa, dapat talaga, pagbayaran nila yun.

David: What do you mean when you say hindi natin to ginagawa bilang paghihiganti. What do you mean?

Poe: Kasi alam mo, naintindihan ko naman, marami ngayon sa gobyerno pagkatapos na yung administrasyon sasabihin, let's move on and I agree we should really move forward. Pero kailangan bago tayo makausad, ayusin muna natin ang mga naging pagkakamali natin. So hindi ito laban sa ilang personalidad pero sa tingin ko napaka-obvious naman na pumasok tayo sa isang kasunduan na lugi talaga ang mga tao, lugi ang gobyerno. Ilang beses nasira ang mga tren, nadiskaril pa. Parang hindi naman tama yung ginagawang trabaho kung sasabihin 'eh kasi pinagkatiwalaan ko yung nakaraang nakaupo so hindi ko na kailangan ireview yan.' Mali naman yung ganoon na rason.

David: Pero ang sinasabi niya kung dumating daw siya doon, his soundbyte was kung dumating siya doon as a doubting Thomas, magsa-stop daw yung serbisyo ng MRT.

Poe: Hindi totoo yun, nag-lapse na nga kung anu-anong mga kontrata nagpatuloy pa rin pero we should be doubting Thomases when we assume position in government. We should scrutinize what is before us kasi diba trabaho natin talagang iimbestigahan natin kung tama kasi pangalan natin ang nakasalalay at kaligtasan ng ating mga kababayan.

David: Lalo pa't based dito sa kontrata na hawak ko ay kikita o kumita itong PH Trams ng $1,150,000 per month?

Poe: About P54 million yung contract nila. Alam mo yung kanilang kapital P600,000 lang so siyempre kung kukuha ka ng kompanya na napakaliit ng kapital, sabi ko hindi ka nga makakabili ng Toyota Vios sa kapital mo tapos ikaw nagmimintina ng tren. So bakit? Pati si Sec. Abaya nagulantang rin sa ganoong hindi daw niya alam na 2 months old lang daw ang kumpanya so mga ganun. Kumuha tayo ng BURI, halimbawa, diba nabigay yung kontrata sa BUSAN, pagsusuriin mo yung mga kumpanya na kasama diyan, ang BUSAN ay meron talagang track record at may karanasan galing KOREA e napakaliit lang ng kanilang pag-aari ng kumpanya na iyan. Yung iba ang TMI tapos may isa pa, may problema pa sa Security and Exchange Commission mga nagla-lapse yung kanilang mga requirements tapos ang liit din ng kapitalisasyon nila so parang P3 million lang samantalang P3.8 billion yata ang kontrata nito o P2.8 million parang ganyan.

Severino: Okay but let's call a spade a spade. One reason why the PH Trams supposedly got this contract is very well connected sila kahit manipis yung kanilang capitalisation. The question now is alam ba ni dating Sec. Abaya o hindi kung ano yung kalagayan ng kompanyang ito? What is the sense that you got?

Poe: Alam na niya apparently pagkatapos na niyang napirmahan. Pero sa tingin ko nagugulat rin naman ako kahit na sabihin na nating pinagkakatiwalaan ko ang ating Ombudsaman si Conchita Carpio, nagtaka rin ako na hindi at least kasama dun sa kaso si Sec. Abaya kasi siya ang nag-approve niyan e. So sa 23 tatawagin natin si Al Vitangcol dahil siya yung nag file ng kaso para sabihin niya bakit niya inaakalang may responsabilidad talaga si Sec. Abaya.

David: Aside from Sec. Abaya may iba pa ba kayong iimbitahan pa or dapat pa bang iimbestigahan dito sa Senado?

Poe: Si Sec. Abaya ay out of the country ngayon kaya nauna yung hearing niya. Pero pina-subpoena na namin si Marlo Dela Cruz kasi siya yung parang laging nanalo. Una yung PH Trams tapos Global APT lagi siyang kasama doon.

David: Okay aside from him, other government officials? Former government officials?

Poe: Yung tatlo kasama si USec. Lotilla, Gonzales, at Limcauco dahil sila ang nag-apruba. Si GM Buenafe, si Al Vitangcol, USec. Chavez, Sec. Tugade. Kasi si Sec. Tugade, kaklaruhin ang una niyang sinabi na hindi pwedeng gamitin na yung mga Dalian trains. Apparently ang ibig niyang sabihin is after it goes through an independent audit so titingnan natin kung ano ba talaga yung kalagayan niyan.

Severino: What exactly failed in this maintenance commitment nitong PH Trams? Bakit nagkakaproblema ang MRT? What did they not do that they were supposed to do?

Poe: Unang-una yun replacement ng mga parts diba? Alam naman natin na luma na ang mga trains na iyan pero hindi nila nagawa yung actual na pagpapalit ng mga parte kaya mas lalong nasira. Alam natin na yung contract kasi na ino-offer ng Sumitomo hindi lamang maintenance kundi upgrade at overhaul so yun yung importante. Siyempre mas mahal iyon. Pero huwag ka naman pipili ng mas mura-mura pero alam mo naman na hindi dekalidad. Yun ang sa tingin ko. Alam mo Howie at Kara, ang usapin na ito ay napaka-teknikal. Pero siguro ang mas importante sa ating mga kababayan, bakit namin ginagawa ito? Kasi araw-araw nakapila kayo diyan. Araw-araw mayroong pagbaba sa tren at pagtigil. Araw-araw hindi natin alam kung ligtas tayo kaya napakahalaga na matunton natin at malagyan ng solusyon ito.

David: Moving on to another issue, pinagmayabang ng current administration yung nakuha nating loan mula sa China, grants and loans and investments na P8.2 trillion, on the other hand, yung tinanggihan naman itong grant from the European Union. Ano po ang reaksyon ninyo tungkol sa mga issue na ito?

Poe: Unang-una, siyempre ang ating kalayaan o sovereignty ay mahalaga. Sinabi ng administrasyon ay dahil daw mayroong nakataling mga utos sa atin kaya ayaw nilang kunin itong grants. Pero ang alam ko kasi ay dahil sa human rights issue. Wala namang masama kung ang gusto nilang masiguro ay mayroong karapatang pantao dito, nasa konstitusyon natin iyon.

Severino: And we signed an international agreement as well

Poe: Exactly, sa ibang kasunduan, tayo'y nagsasaaad na tayo'y gagalang sa karapatang pantao. Pangalawa, yung aid na ito, subok na, meron na sila matagal na, pag merong kalamidad, halimbawa, at nakatutok ngayon sa Mindanao kung saan kailangan talaga natin ng tulong. At sinasabi nga ng Pangulo para magkaroon ng istabilidad doon, kailangan magkaroon ng oportunidad na ginagawa nitong EU. Yung dito naman sa Tsina, tumanggap tayo ng tulong maski na saang bansa, pero tingnan natin kung meron din naman yatang kondisyon yun.

David: Hindi ba loan?

Poe: Unang-una, utang nga yun, babayaran natin yun, may interes yun. Pangalawa, itong disputed islands natin, iyon ngang ipinakita dito, nagmimina na sila doon, alam ba natin yun, pinayagan ba natin yun? Meron na silang mga weapons doon, anong sinabi natin laban doon? Meron na ba tayong official statement?

David: Do you think we should push the arbitral ruling na pumabor sa PIlipinas kasi ang usapan ngayon wag na munang pag-usapan yang desisyon na yan.

Poe: Bakit naman hindi, tayo ang nanalo doon. Nakikita ko yung practicality ng Pangulo, pragmatic sya. Ito ang masasabi ko, wag nating patayin ang usapin ukol dyan. Kahit man lang sabihin nating on the record tutol tayo, dahil mababaon yan sa limot, parang mali naman yatang kalimutan natin yan pero on other bilateral talks with China, pagdating sa economic policies natin o kung paano sila makakatulong satin, pero wag naman pagdating sa West Philippine Sea.

David: On another issue, magbubukas uli ang imbestigasyon sa PDAF, mainit na usapin ang pagiging state witness ni Napoles, anong tingin mo dito?

Poe: ...sa tingin ko, ang nagsama-sama sa kanila ay si Janet Napoles. Merong haka-haka, usap-usap na, na may nagturo daw kay Janet. Sa tingin ko, isa sya sa pinaka-guilty...ngayon kailangan nating tingnan kung bakit ayaw ng Ombudsman na gawin syang state witness, unang una kung state witness ka, mababawasan ang jail time or mawawala yun. Pangalawa, yung ari-arian na nakalap mo dyan, ibabalik sayo. Anong mensahe ang mabibigay sa mga tao na sasabihin 'pag napatunayan naman pala nating may mas guilty pa satin, matatago natin mga ninakaw natin.' Para sakin, mali yun at nakakalungkot isipin na ganito kalaking bagay. Alam mo iyong military natin nabigyan sila ng vest na hindi pala bulletproof, iyong helmet...Buhay ang nakasalalay sa mga proyekto ng gobyerno na di tamang ipinapairal dahil nagkukulang sa pondo. Yun iyong nangyari sa kanila. Hindi ito paghihiganti sa mga nagkamali, iyong mga benepisyo na hindi nakuha, in fact, pati yung fertilizer fund scam, bakit nakakalaya pa si Jocjoc Bolante?...

News Latest News Feed