Press Release
April 18, 2017

SENATOR JV EJERCITO'S OPENING STATEMENT
Senate Committee on Urban Planning, Housing, and Resettlement
Public Hearing on Senate Resolution Nos. 272 and 332
18 April 2017

Sa araw-araw, mayroon tayong mga kagyat na pangangailangan para mabuhay ng maayos at ng may dangal - ang sapat na pagkain, malinis na tubig, trabaho, edukasyon, kalusugan at ligtas na tahanan. Mga pangangailangang ginagarantiya at prinoprotektahan ng ating Konstitusyon bilang mga batayang karapatang pantao.

Sa araw na ito, kayong lahat ay naipatawag ng Senado sa ilalim ng Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement, upang magbigay linaw sa isa sa pinakamainit at pinakamahalagang isyu na kinakaharap natin ngayon bilang isang bayan na nasa gitna ng isang mahalagang pagbabago sa lipunan.

Sa harap natin ngayon ay ang problema sa naging mabagal na pamamahagi ng mga pabahay na itinayo ng pamahalaan, sa pangunguna ng National Housing Authority. Kabilang dito ang mga pabahay na ginawa para sa ating armed personnel sa AFP at PNP, pati na rin ang mga pabahay at relokasyon para sa Informal Settler Families (ISFs) na kinailangang i-relocate mula sa danger zones, at pabahay para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan dulot ng kalamidad gaya ng Sendong, Yolanda, Zamboanga seige, at iba pa.

Ayon sa isang Commission on Audit Report noong 2015, umabot lamang sa 8.09% out of the 57,494 completed housing units, ang Occupancy Rate sa AFP/PNP Housing project na nasimulang ipinatayo ng NHA noong. Sa isang NHA report naman noong September 30, 2016, tumaas ng kakapiranggot sa 13.82% ang Occupancy Rate. Nakakalungkot po malaman na hanggang dito lang talaga tayo umaabot. Anong nangyari sa libu-libong ipinatayong pabahay? Nasaan ang mga naipamahagi na at tinitirhan ng mga kapos-palad nating mga kababayan? At ang mga libu-libong nakatiwangwang na bahay, paano na? Ilang porsyento na nga ba ng mga pabahay ang tunay na napakinabangan ng ating mga kababayan?

When GOVERNMENT builds homes without regard for the immediate needs, safety and comfort of those who would live in it, then it becomes a sheer act of shameless profiteering. Government officials and employees become greedy bureaucrat capitalists who are out to steal from government coffers, making easy profit from the misery of the poor, displaced and marginalized families. Sadly, this seems to be the sorry state that is left of our housing program that we must now solve.

Ang naganap na OccupyBulacan ay isang ALARMA para sa gobyerno upang resolbahin ang malawak na krisis sa kawalan ng ligtas at disenteng pabahay. THIS IS OUR WAKE-UP CALL! Senyales ito upang baguhin ang laos nang sistema at bigyang prayoridad ang isang komprehensibo, maagap at makatotohanang programa sa pabahay. ANG NANGYAYARI, NAKATUON TAYO SA PAGTAYO LAMANG NG MGA BAHAY. Nakatali tayo sa PRODUKSYON LAMANG NG MGA UNITS NA KULANG SA MGA MAHAHALAGANG SANGKAP PARA MAKABUO NG MAAYOS NA MGA KOMUNIDAD. Paulit-ulit na lang ba tayong gagawa ng relocation sites sa malalayong lugar? Nagpapatayo sa malayo kasi mura. Dahil mas mura sa labas, doon bibili ng lupa kahit pa malayo sa kabuhayan. Patuloy na lang bang salat sa batayang serbisyo ang resettlement areas? Paulit-ulit ang reklamo - walang kuryente, walang ospital, walang health centers, walang mga paaralan, at walang kabuhayan.

Dagdag pa rito, nasa probinsiya ka na nga, ang liit pa rin ng titirahan mo. Dapat kapag outside Metro Manila, at least 30 to 35 sqm ang pamantayan natin sa isang disenteng pabahay. It seems inhumane to squeeze in a family of 4 to 6 people in a box that is only 22 sqm. Kayo ba, mga opisyal ng mga ahensya, kaya ba ninyong tumira sa tila pigeon hole na pabahay na 22 sqm lamang?

Kaya sa huli, dahil malayo, dahil maliit, dahil hindi kaya ang buwanang hulog, dahil bulok ang materyales, at dahil maghahanap pa ng mga beneficiary - wala na palang gustong tumira! In the end, we are just throwing away our taxpayers' money! This has to end!

Earlier this year, on January 18, 2017, before the KADAMAY-led occupation happened, I filed Senate Resolution No. 272 to conduct an inquiry on the alleged substandard housing units under the AFP/PNP Housing Program implemented by the National Housing Authority. Then, the KADAMAY occupation occurred. And so, on March 15, 2017, I again filed Senate Resolution No. 332 to conduct an inquiry on the alleged unoccupied socialized housing units built by the NHA. Hindi lamang ang mga AFP/PNP housing projects ang ating sisiyasatin, kundi pati ang lahat ng mga pabahay ng NHA na nananatiling nakatiwangtiwang sa buong bansa.

With both resolutions, let me lay down more clearly the OBJECTIVES of this HEARING.

1. Una, nais nating maliwanagan kung ano ang nangyari sa AFP/PNP Housing at kung bakit nanatiling unoccupied ang maraming units. Hihimayin natin ang mga naging balakid sa pagbubuo ng mga plano, pagtukoy ng beneficiaries, mga problema sa materyales at konstruksyon at sa pamamahagi at turn-over ng mga housing units upang magawan ng angkop na rekomendasyon, aksyon at polisiya. Kabilang sa pagsisiyasat ang ilang Commission on Audit Reports sa mga pabahay ng NHA.

2. Pangalawa, sisiyasatin din natin ang iba pang katulad na mga nakatiwangwang na housing projects sa bansa para sa informal settler families, at para sa mga nakatira sa danger zones. Ilalabas natin ang mga problema sa pagplano, implementasyon at pagsubaybay sa pagitan ng Shelter Agencies, Receiving Local Government Units, Sending LGUs, at People's Organizations.

3. Pangatlo, ilalatag natin ang mga rekomendasyon at reporma para sa housing sector, partikular ang pagsulong sa isang epektibong Department of Human Settlements and Urban Development, at ang paglulunsad ng On Site, In-City or Near-City Resettlement Program.

4. At sa huli, kaugnay ng KADAMAY-led occupation sa Bulacan, nais nating matiyak ang ligtas na kalagayan ng mga residente at occupants sa mga lugar na inokupa ng KADAMAY at matiyak rin ang makatarungan, payapa, at maayos na pamamahagi ng housing units sa mga karapat-dapat na occupants.

Before I end my opening speech, let me quote some relevant statements written by PhilStar columnist Jarius Bondoc yesterday. He said, and I quote:

"In the past decade a succession of general managers gave away P11 billion a year to sloppy homebuilders. The latter were allowed to select the mass-housing sites, at times on hillsides prone to landslides, often on cheap land far out of town. They were paid despite unfulfilled drainage, water, and electricity connections. Some builders were even inapt for government contracting, raising valid suspicions of money changing hands under the table.

The Commission on Audit discovered that 10,500 housing units erected by three favored builders in 2012 were substandard. They were paid P781 million, yet one of the three had not submitted the requisite plans, designs, and completion reports. In 2014, the COA further noted, the NHA paid out P765 million from the Disbursement Acceleration Program that the Supreme Court already had illegalized the year before.

Priority for mass housing are filers from the uniformed services: soldiers, policemen, firemen, and jail guards. Yet the NHA designs for them the same specifications for luckless creek-side squatters. Thus they are averse to move into the mere 22-square-meter pigeonholes that include one bedroom, a toilet, and a sala-cum-dining-cum-kitchen. Their salaries could well afford two to six times the dwelling space.

Beggars can't be choosers, the NHA bosses disdainfully must think. So they assign the rejected units to the urban poor and calamity displaced." End quote.

NAKAKAHIYA pero napakalinaw na nailahad dito ang naging kalagayan ng pabahay sa ating bansa!

Hindi po kailanman katanggap-tanggap na makita ang libu-libong kabahayan na nakatiwangwang at nabubulok, samantalang patuloy na dumarami ang ating mga kababayan na walang disenteng tirahan - silang mga nakasilong sa bangketa at kalsada, pedicab, tagpi-tagping karton, mga nasa estero at danger zones, at maging ang mga nasa sementeryo.

Dagdag rito, nasa 5.6 Million na po ang ating kakulangan sa pabahay. And so, every single housing unit is important to this Committee and most especially to the growing number of homeless families that we need to relocate and resettle every year. It is our sworn duty and responsibility to account for every single housing unit that this government built.

Hindi rin natin maaaring palampasin ang bilyung-pisong pondo na nasasayang ng kung sino mang nagkukutsabahang kawani at opisyal ng pamahalaan, at ng ilang nasa pribadong sektor na nakinabang sa mga proyektong pabahay na sub-standard at mga walang laman. Hindi rin makapagtatago ang mga pinuno ng mga ahensya na mistulang nagbulag-bulagan sa mga proyektong dapat nilang pinotreksyunan at pinangalagaan.

News Latest News Feed