Press Release
March 7, 2017

DOORSTOP INTERVIEW WITH SEN. KIKO PANGILINAN ON LASCANAS AND YASAY

Reporter: 'Yung imbestigasyon kay Lascanas, kailangan pa bang i-resume?

KIKO PANGILINAN: Ang sa akin, kung may panibagong testigo ulit na lalabas, pwede tayong magpa-reopen ng imbestigasyon. Kung may madadagdag na testigo na palagay natin ay talagang makakatulong para malaman natin ang katotohanan, hintayin natin. Kasi may nabanggit si Senator Trillanes eh, na mayroon pa raw.

Reporter: Si Sonny Buenaventura...

KIKO PANGILINAN: Kung lalabas 'yun, walang dahilan para hindi natin buksan muli.

R: Sa pag testify ni Lascanas, may nabasag ba sa credibility niya?

KIKO PANGILINAN: Mahirap magsinungaling nang ganung ka-detalyado. Kaya ang kailangan ngayon para sa akin ay tanungin, sino pa ang makakapag-corroborate, kung mayroon man, ng kaniyang testimonya. 'Yun ang mabuti.

R: What if mag-decide na hindi na talaga buksan, ano ang move ng minority doon?

KIKO PANGILINAN: Palagay ko nakita naman natin noong mga nakaraang araw pagka mayroon naman talagang mabigat-bigat na testigo, bukas naman ang chairman. Kaya nga natin sinuportahan na ma-refer doon 'yun testimonya at 'yung pagtetestigo/pagharap ni Lascanas, dahil nakita natin na patas din naman ang palakad ng chairman.

Reporter: Yung kay Yasay... na-memeligro ba siya sa CA?

KIKO PANGILINAN: Ako kung talagang gusto nilang iwasan na lang ang dagdag na eskandalo at kontrobersiya, i-withdraw na lang niya. 'Wag na lang niyang ituloy ang kaniyang confirmation to spare the administration of further embarrassment.

Reporter: Pero kailangan pa ring pakinggan bukas?

KIKO PANGILINAN: Well, eh kung mag-wiwithdraw na siya, 'di hindi na. Pero kung hindi, eh di kailangang talakayin. Pero mahihirapan siya eh dahil lantaran ang pagsisinungaling sa komisyon. Ano naman ang gagawin namin dito? Ano na lang ang sasabihin din ng publiko sa trabaho natin na ganiyan eh hindi natin paninindigan?

News Latest News Feed