Press Release
March 6, 2017

Transcript of Sen. Villanueva's interpellation during
the Public Order committee hearing

(Sen. Joel Villanueva showed a 1 minute video presentation featuring the previous testimony of SPO3 Arthur Lascañas)

SJV: Ginoong Lascanas, natatandaan nyo po ba ang pangyayaring ito dito mismo sa bulwagan ng Senado ng Republika ng Pilipinas?

Lascanas: Opo

SJV: Pag tinanong ko po ulit kayo ngayon ng kaparehong katanungan, iyon pa rin po ba ang inyong isasagot?

L: Hindi po

SJV: Kagaya po noong inutusan ba kayo ni dating Mayor Digong Duterte (na pumatay), ang sabi nyo "never". Ano po ang sagot nyo ngayon?

L: Totoo po.

SJV: Kung kayo po ay utusan ang sabi nyo di kayo susunod, ano ho ang sagot nyo ngayon?

L: Totoo po, your Honor

SJV: Ibig pong sabihin nagsinungaling po kayo sa akin?

L: Opo your Honor

SJV: At nagsinungaling din po kayo sa buong kapulungan ng Senado. First bilang kapwa Pilipino, bilang parehong naniniwala sa katotohanan, ano ang motibasyon nyo kung bakit kayo nagsinungaling nang humarap kayo sa amin, ano po ang gusto niong ma accomplish?

L: Seguridad po, seguridad sa pamilya ko.... (inaudible)...I'm sorry po your Honor

SJV: Sir, security. Hindi ho ba kung seguridad ang inyong iniisip hindi po ba mas mahirap ngayon ang inyong seguridad?

L: Totoo po

SJV: So baka po hindi security ang dahilan dahil sabi nyo ho, nag agree kayo sa akin na mas mahirap ang seguridad niyo ngayon

L: Sa ngayon po, isa po yung konsensiya ko po sa pag deny. Andito po ako ngayon at nagpapasalamat ako na napagbigyan muli ng pagkakataon (inaudbile)

SJV: Nung time po ba na nandito kayo, may nananakot po ba sa inyo? At ano po ang sinasabi sa inyo?

L: Isa pong nag advise sa akin si Supt. Rivera (inaudible) kung pwede na hindi ako magpakita dito sa Senado

SJV: Sir balikan ko po, in your own words, "kung pwede" so kung pwede may pananakot po ba other than that?

L: (inaudible) Kasi humiwalay na po ako nun sa grupo ko, nagpaalam na po ako. January, kung di ako nagkakamali, February 2015 sinauli ko yung allowance ko na P100,000 bunga po na may inutos sya sa kin. Yung ipapatay sa kin na isang pulis na nag testify din dito na si SPO2 Jovencio Jumawan

SJV: So parang sinasabi nyo may threat talaga?

L: To my understanding...marami kasing, si Sonny na mga incidents na...

SJV: Sino hong Sonny? Dalawa ho yung Sonny dito.

L: Buenaventura po...na pakiusap nya yung last na ano, e yung si SPO2 Jovencio Jumawan pero na prangka ko po sya na di ko na kaya so...may meron akong physical disability, pangalawa meron akong spiritual renewal

(Sen. Manny intervened)

SJV: Sa affidavit po ninyo, parang yung sa una pumapatay kayo. Sa paglalahad niyo, during that time proud po ba kayo that you're killing the bad guys?

L: My mindset po at that time is that it's for the majority because of, wala...

SJV: Proud po ba kayo, yes or no?

L: Yes po.

SJV: But then sa affidavit nyo sinabi nyo hanggang sa dumating na "We became hired or contract killers who killed not only criminals but innocent people." Kelan nyo po narealize na teka lang di lang bad guys pinapatay natin kundi pati mga inosente?

L: Noon pong nag dialysis na po ako. That was 2015

SJV: After about 200, 300 plus killings na sinamahan nyo, doon nyo lang na realize. May pagkakataon po ba na you refused an order to kill someone?

L: Opo... It was before May 2015 election. May isang pari na papatayin

SJV: Sino po ang nag utos sa inyo na pumatay?

L: Si Sonny Buenaventura dahil ito pong paring ito is very critical kay mayor. Dito po diniscourage ko sya. Then siguro twice na nag propose. Nung nanalo na si Mayor, nawala na yung interes nya at yung isa pa...

SJV: So di kayo sumunod? Yun lang ho ang tanong ko.

L: Di ho

SJV: Meron po ba kayong personal na alam regarding a member of this so called DDS na pinatay because such member refused to carry out an order? Kasi ho kayo nag refuse pero di naman pinatay. Meron ho bang iba na nag refuse pero pinatay?

L: Meron isa na gusto nila ipapatay yung sinabi ko kanina...pero yung napatay naming...

SJV: Uulitin ko po Mr. Lascanas, meron po ba kayong pagkaka alam na myembro ng so called DDS na inutusang pumatay, hindi ginawa yung utos, ang ginawa pinatay sya, binalikan sya?

L: Wala pa po

SJV: Pagkatapos nyo hong tumestigo dito, ang dami hong lumapit sa inyo, nilapitan kayo sabi nyo. Gusto kong tanungin, bakit kaya kayo nilalapitan para sa projects na yun? At sabi nyo nga 4 na beses namang nireject yung nilakad nyong proyekto

L: Wala po akong nilakad.

SJV: Nilapitan po kayo?

L: Di naman exactly na nilapitan...sinasama po ako dahil po nung andito ako nag follow kami ng retirement ko. Isa lang po yung talagang nakiusap sa akin (inaudible) dahil nagtayo sila ng....

SJV: Apat na beses yung STL, yung sa brokerage, yung sa proyekto, yung pagsusupply

L: Sa brokerage wala po

SJV: Nagtayo po kayo diba? Sinubok nyo? L: Noon pa po. 2012 o 2013

SJV: So before po yun. Pero you are part of that group. May effort pa rin po kayo. Hindi zero effort. Na ginamit lang po ang pangalan niyo

L: Kasi mga taga Davao ho

SJV: Pagkatapos nyo hong banggitin ang spiritual encounter bumalik kayo sa Senado, at dun po kayo nagsinungaling sa amin. Bakit ho pagkatapos nyong mag testify, sumama kayo sa grupo na parang mataas ang valor nyo nun e. Pinagtanggol nyo ang Pangulo, nireject at nirebutt mo ang testimony ni Matobato. Ang hirap isipin na sa spiritual encounter na yun hindi ba dun, ano ba talaga ang katotohanan?

L: Di po ako kusang sumama, your Honor

SJV: Paano nyo hong nakayanan na magsinungaling after ng inyong spiritual encounter? Kulang po ba ang inyong spiritual encounter during that time?

L: Hindi ko po masabi your Honor

SJV : Sa inyo lang po, kung nagsinungaling po kayo after ng spiritual encounter, May kulang po kaya sa spiritual encounter na yun?

: Let me just put on record na maraming realizations si Mr. Lascanas. I'd like to pose another question, ano po ba talaga ang motivation nyo Mr. Lascanas? Eto ba ay pabagsakin si Pangulong Duterte? Eto po ba ay warning para sa amin? May nais po ba kayong itulak na batas? Eto hong mga katanungan na ito ang gusto kong marinig ang katotohanan. Gusto kong maniwala na nag undergo kayo ng spiritual encounter pero pagkatapos ng spiritual encounter ay nagsinungaling ulit kayo e parang ang hirap po paniwalaan. Sana po maintindihan nyo kami.

: Nais namin ng katotohanan, nais namin ng progress. Wala tayong gustong kilingan kundi ang interes lamang ng taumbayan.

News Latest News Feed