Press Release
February 20, 2017

TRANSCRIPT OF DOORSTOP INTERVIEW WITH L.P. PRESIDENT SEN. FRANCIS PANGILINAN

Q. Posisyon ng LP sa pagsampa ng kaso kay Sen. De Lima?

Well ang posisyon natin, kinekwestyon natin ang paghain ng mga reklamo sa Regional Trial Court sa halip na sa Ombudsman. At yan ang pagsuporta na binibigay natin sa ating kapartidong si Sen. Leila.

As I understand it, her lawyers are also preparing a question and filing charges before the Regional Trial Court. Usaping ligal ito at binibigyan natin ng suporta si Senator Leila dito sa usaping proseso ng paglilitis at pagkwekwestiyon sa sinampa ng Department of Justice.

Q: Paano niyo po gustong iparating ito kay DOJ Sec. Aguirre?

A: Through the courts, of course, dapat. Through petitions, through the counsel of Senator De Lima. Tayo naman ay susuporta lang at bibigyan din natin nya ng - of course, we have to consider her safety, although wala pa naman itong warrants of arrest, so we'll take it one day at a time. In the meantime, we are questioning tong pagfile ng kaso. Naniniwala tayo na hindi credible young ebidensyang ginamit, at testimonya ng mga convicted na mag drug lords, at binigyan pa - inaabswelto pa sila dun sa kanilang illegal drug activities kaya talagang kwenstiyonable. Nandyan pa tayo.

Q: Napag-usapan po ba sa caucus ng Senators yung issue tungkol kay Senator De Lima?

A: Napag-usapan, pero yun nga. Everything is on hold and pending, until kumilos ito.

Q: Ano raw po ang magiging stand ng Senate, Sir, in case dito i-serve yung warrant of arrest?

A: Pareto pa rin yung posisyon na hindi dapat sa Senate premises, out of respect for the institution. So yun ang initial na pag-uusap.

Q: Anong gagawin Sir if sakaling dito i-serve?

A: Tingnan nalang natin kung anong mangyayari, but I doubt that they will do that.

Q: Pero sir may napag-usapan po ba ang Senate leadership kung may gagawing hakbang para sa safety ni Sen. De Lima in case po madetain na sya?

A: Wala pa naman yung warrant of arrest. Merong mga pag-uusap, of course her safety is a primary concern. In fact, the safety of anyone who is subjected to these court processes. Lalo na ngayon, nagkakasaksakan at patayan sa loob ng Bilibid. Pinapatay at sinasakal sa loob ng PNP - ay talagang the safety is a serious concern.

Q: Sir inexpress po sa inyo ni Senator De Lima na may worry sya for her safety just in case?

A: Well she already said it publicly di ba, so I think meron namang cause for concern.

Q: Sir kanina may lumabas uli na umamin na DDS leader there is a necessity po ba to reopen the investigation on the Davao Death Squad?

A: I think so. Dapat kung totoo ang sinasabi nya, talagang mabigat itong mga paratang sa pinakamataas na opisyal ng ating pamahalaan. So hindi ito dapat basta bastang sinasantabi. We are all interested in the truth, kung ano ang katotohanan dito. So sususportahan natin ang paraan para mailabas ang katotohanan. Kung siya ay nagsasabi ng totoo o hindi, eh palagay ko pagkakataon na magkaroon ng pagpupulong ang komite tungkol dito.

Q: Napag-usapan nyo na po ba sa caucus kanina?

A: Hindi pa.

Q: So all about what sir kanina yung caucus?

A: Pinag-usapan din yung hearing ng public services, kung hearings ng charter change, napag-usapan din yun. Constitutional Amendments Committee. Tapos yung Free Tuition Bill. So may mga items din ng legislation na pinag-usapan.

Q: Sir, hindi nyo nais hihingin na i-under na lang sa cognizance ng Senate si Senator De Lima?

A: Hintayin na muna natin kung lalabas ba o hindi. Kasi pati paglabas ng warrant kinekwenstiyon din eh. Eh kung hindi naman lumabas ang warrant at magkaroon ng legal issue soon sa jurisdiction ng RTC, eh baka naman hindi pa kailangang pag-usapan ang custody.

Q: Hindi pa po nangyari na ni-request ng Senate ang custody?

A: Wala pa yata. Wala pa. Not that I can remember. At least during my time in the last 15 years, wala pa.

News Latest News Feed