Press Release
January 25, 2017

SEN. GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW

Question: On Mamasapano

Sen. Grace Poe: Para sa akin, ginawa natin lahat ng pag-iimbestiga dito sa Senado pero kung meron siyang mga bagong pruweba, lalung-lalo na may kapangyarihan ang Pangulo na makuha ang ibang impormasyon, lumabas nga ngayon na nandoon siya sa Zamboanga, maaaring ilabas yung nalalaman nila, bakit hindi? Hindi naman natin pipigilan na mas malaman pa natin ang malalim na katotohanan dito. Pero para sa akin naman, yung naging bunga ng aming committee report ay siyang inaksyunan din ng Ombudsman. Rekomendasyon na namin talaga na magpataw ng kaso laban kay Napeñas at laban kay Purisima na siya namang sinunod ngayon. Wala namang kapangyarihan ang Senado na ipakulong sila o ipahuli sila, kaya kung merong bagong malalaman na katotohanan, prerogatiba yun ng Presidente at sang-ayon ako na ang katotohanan ay hindi dapat mabaon.

Q: Dito sa Senate, no need na?

Poe: Yan ay prerogatiba na ni Sen. Ping dahil siya ngayon ang sa public order pero para sa akin, kung merong lilitaw na bagong testigo o bagong kaalaman, bakit naman hindi?

News Latest News Feed