Press Release
October 25, 2016

Transcript of Phone interview with Sen JV Ejercito
DZRH  Damdaming Bayan
Joe Taruc, Milky Rigonan

Q: Magandang umaga po, Senator.

Ejercito: Yes, Manong Joe, Milky, magandang umaga sa inyo at sa ating mga tagapakinig sa DZRH.

Q: Kayo ang chairman ng Committee ng Senado sa Housing and Urban Planning?

Ejercito: Yes Manong Joe, ako nga po at vice chairman din po ako ng Public Services na kung saan ang transport ay napapailalim, railways at pati Public Works, ako rin po ay vice chairman.

Q: Ako ay interesado masyado tungkol dito sa rail system. Mukhang ito lang talaga ang natatanging solusyon para sa napakaraming problema ng ating bansa, hindi lang sa Metro Manila, kundi maging sa iba pang lugar, Senator?

Ejercito: Totoo po iyan Manong Joe. Talagang wala nang iba. Ako, ang tingin ko wala nang ibang solusyon sa ating problema sa traffic kundi ang railway system. Ang nakakalungkot, Manong Joe, pinapabayaan natin, pinabayaan natin yung railway. Tayo pa naman ang isa sa mga pinakauna, 1800s pa lang may Philippine National Railways na tayo. At alam mo Manong Joe, kaya naman ako sumama dito, alam niyo din po diyan na sa aking itinagal sa Senado at Kongreso, matagal na ho akong nagmumungkahi ng railway system. In fact, sabi nga nila, kapag nagpi-privilege speech ako wala naman pumapansin sa railway system. So kanina lamang... napapahinto dahil talagang problema na yung traffic, crisis na.

Q: Kayo po ang pangarap naming makapanayam dito ng masinsinan tungkol dito.

Ejercito: Opo Manong Joe. Pag-usapan natin pagbalik ko dahil, alam mo Manong Joe, tulad ng sinabi mo, talagang ito lang ang solusyon.

Q: Kung ibabalik natin sa Philippine Rail System, yung isang sasakyang pang-riles sa buong Pilipinas hindi lang sa Metro Manila. Maaring mag-umpisa muna sa Metro Manila, pero buuin natin para wala tayong maging problema sa mga commuters, sa mga bagahe, sa mga goods, at saka lahat na. Pagka dito, walang traffic, walang problema doon.

Q: Sabi mo nga Senator JV, kasama ka sa delegasyon ng Pangulo patungo ng Japan at ang sabi mo, ang wish mo nga, sana priority yung railway sa bilateral meeting ni President Digong at ni Prime Minister Shinzo Abe.

Ejercito: Well sana Milky, madagdagan pa. Actually, ang Japan, through their overseas development assistance, yung ODA nila, ay nag-commit na ng commuter line from Manila to Malolos pati na sa Calamba. Eight million dollars yata iyan, pero ang nais ko, ang panaginip ko ay yung north and south rail na talagang kailangang kailangan. Sana ito ay magkaroon na rin ng linaw. Tapos yung magkaroon dapat ng Mindanao railway, sa Cebu, sa Panay, dahil alam mo Manong Joe, hindi lang naman traffic ang masosolusyunan ng pagkakaroon ng railway system. Yung pag-spread out ng development ay maibabahagi din natin sa mga probinsya hindi lamang naka-concentrate sa Metro Manila, at hindi lang sa Cebu at Davao. Pangatlo, Manong Joe at Milky, hindi nare-realize ng ilan nating mga kababayan yung cost of living ay mapapababa kung mayroon tayong maayos at efficient na railway system dahil hindi na lahat kinakailangang manirahan sa Maynila. Puwede silang manirahan sa probinsya, magtrabaho dito sa Maynila sa araw, at umuwi sa hapon kung mayroon tayong railway system.

Q: Napakaganda ng simula noong Pangulong Duterte, yung mga pangakong binitiwan ng China, yung mga pangako sa rail system ng China, aba ay alam na alam natin kung talagang gugustuhin, yung rail system sa pagitan ng Subic at Clark ay napakadaling magagawa ng China iyan. Abundant ang supply sa kanila ng mga materyales na gagamitin sa paggawa. Sigurado iyan, kung gugustuhin lang nila, agad-agad matatapos iyan.

Ejercito: Opo, Manong Joe, at alam niyo, gaya ng nabanggit niyo, maganda naman talaga ang simula ng Administrasyong Duterte. Pero remind ko lang, ako po ay kakampi ni Pangulong Duterte. Baka masyadong yung focus ay nandoon sa war on drugs. Marami pang problema o mga bagay na kinakailangan din ng atensyon tulad ng infrastructure business ng ating bansa dahil para tayo ay maging kaakit-akit sa mga investors na kinakailangan natin para magbigay ng trabaho, kinakailangang ayusin natin ang weakness natin sa infrastructure at yung sa mga railway system at yung ating mga sea at airport dapat maiayos natin para yung negosyo ay pumasok sa ating bansa.

Q: Tama. Unang una nga yung namomroblema tayo tungkol dito sa mass transport system, effective mass transport system. Pero yung mga solusyon parang nakaligtaan natin.

Ejercito: Yun na nga po ang nakakalungkot Manong Joe. Marami pa ang problema natin.

Q: May nabanggit kahapon na dahil sa infrastructure natin, wala tayong mga bagong kalsadang binubuksan, itinatayo. Yung sa ano, yung sa paglabas ng mga bagong sasakyan na araw-araw ilang libo yata ang naire-release na nagpapatraffic.

Ejercito: Alam mo Milky, 35,000 new vehicles, vehicles sales every month.

Q: Alam mo Senator JV, yung ganyang dami ng sasakyan, wala namang bibili ng ganyang karami kung maayos ang ating rail system, kasi...

Ejercito: Ekstakto po, Manong Joe. Tama po kayo.

Q: Kasi kung maari magko-commute ka na lang papunta sa opisina o papunta sa bahay. Hindi ka na sasakay ng sarili mong kotse kung maayos ang railway.

Ejercito: Tama po yun.

Q: Maraming problema ang maaalis kapagka nagkaroon ka ng isang efficient rail system sa Metro Manila.

Ejercito: Totoo po yun Manong Joe. Dahil sa dami ng volume ng vehicles, dapat talagang ayusin iyan dahil kung may 300,000 a year, in three years' time, one million na po iyan at talagang hindi na tayo kikilos. Kaya nga Manong Joe, alam ni Milky iyan, parang sirang plaka na ako, paulit-ulit, dapat na nating isulong ang railway system dahil...

Q: Mas mauunawan natin, hindi yung basta sabihin nito na kailangan nito, kailangan niyan. Ipaliwanag po natin na ganoon, ganito ang mangyayari. Dadating tayo sa punto na yung mga business executives na iyan ay hindi na magji-jeep, hindi na magta-taxi, hindi na magkokotse, at iyan ay sasakay na sa ating train.

Ejercito: Oo, tama po yun Manong Joe. Ang sabi nga ni Senor Penalosa noong nagpunta ako sa Colombia, dati ho, ito yung problema nila. Yung dahil developing country, talaga yung traffic nila, ganito rin kagrabe. Ang sabi niya, ang batayan sa isang maunlad na bayan ay hindi yung maraming kotse ang mahihirap kundi ang mayaman ay gumagamit ng mass transit. Iyan ang dapat batayan ng development, where the rich rides the mass transport system.

Q: Just like in Europe ano?

Ejercito: Opo, isa po yun.

Q: Kung minsan ii-schedule mo lang ang biyahe mo. Pupuwede kang matulog sa train, hindi ba? Yung maglo-long trip ka, at saka yung mga stopover mo ay ii-schedule mo lang mabuti, malilibot mo ang Europe.

Ejercito: Yun na nga po. Alam mo Manong Joe, kahit saan tayo pumunta, lagi naman tayong nagbibiyahe, na kung ang isang bansa ay talagang depende sa kanilang railway system not only to move people but also transport goods, yung transportation of goods.

Q: Oo. Mayroong mga train nakikita natin puro bagon yung nakakabit, pero mga kargamento yun, mayroong oil, mayroon nang gas yun, lahat na. Hindi kagaya ngayon, hirap na hirap tayo, tatlong beses isang araw nagkaka-aberya. Ano na namang railway iyan.

Q Yung LRT at saka MRT. Pero Senator JV, kasama ka doon sa mga hearing ni Senator Grace Poe sa emergency powers bill. Ano daw ang lagay na? Kasi ang sabi ber months, dapat mayroon nang e-powers ang Pangulo. Pero magpapasko na Senator JV. Anyare?

Ejercito: Well, alam mo Milky, ang target sana... ako po yung isa sa principal author, Manong Joe, ng emergency powers para sa ating Pangulo, target sana namin October na bago man lang kami mag-break, pero may mga ilang issues pa na gustong liwanagin ang ating chairperson na siguro by December, hopefully, iyan ang kanyang huling sinabi na by December sana maipasa na, pero sana sa lalong madaling panahon dahil talagang urgent na urgent na ito. Ako, Manong Joe, Milky, I am hoping in the next two years makita ko nang mailapat na sa atin yung mga riles na iyan. Kung hindi, yung 300,000 na vehicle sales na nadadagdag sa ating mga lansangan every year ay talagang... bigyan mo ng tatlo o apat na taon baka hindi na tayo umandar nito.

Q: Tama yun. Lalo na dadagdagan pa natin ng number coding, naku po, talagang magbibilihan ng kotse yung ating mga kababayan. Ang gaganda ng mga promo ngayon ng mga bagong kumpanya, hindi ho ba?

Ejercito: Tama po, totoo iyan.

Q: Halagang bente mil, bibigyan ka na ng kotse. Kinakailangang husayan natin ang ating mass transport system. Iyan lang rail system, ang dami-daming problemang malulutas niyan, Senator.

Ejercito: Opo. Actually Manong Joe, yung cost of transport of goods, pag napababa natin, lalo sa agricultural products, kaya tayo natatalo na sa Thailand, sa Vietnam at iba, dahil yung cost of production natin at yung transport napakamahal.

(09:51-09:53) Q: Yung goods from Mindanao to Luzon, napakamahal.

Ejercito: Mas mahal pa.

Q: Pero kung mayroon tayong rail system, hindi problema iyan, siguro bababa pa ang presyo ng mga basic commodities Senator.

Ejercito: Tama po iyan Manong Joe, tama po iyan. Kaya sabi ko nga, para na akong sirang plaka sa Senado tungkol sa railway system, pero marami talagang benepisyo, maraming problemang masosolusyunan at this can be the backbone of the economy, yung magiging backbone ng ekonomiya.

Q: Siguro, one of these days after your trip Senator to Japan, siguro bago kayo pumasok ng opisina, dumaan muna kayo dito sa aming himpilan para mapag-usapan natin kahit pahapyaw yung railway system.

Ejercito: Sige po, Manong Joe, pagkabalik ko dadalawin ko kayo kaagad para pag-usapan natin ng mas matindi ito para... kailangan kasi itulak talaga natin ito para kumilos.

Q: Kahit paunti-unti lang, araw-araw. Para malaman natin kung paano ang mangyayari, ano gagawin, ano ang maaring maging expectations ng tao, ano ang mga doable, ano ang mga hindi doable, mabilis nating mapag-uusapan iyan siguro maaring magandang giya para dito sa mga ahensya ng gobyerno.

Q: Isa pa sa mga gustong topic ni Manong Joe, Senator JV, electricity.

Ejercito: Naku, isa pa yan. Marami tayong pag-uusapan Manong Joe.

Q: Isyu rin iyan.

Ejercito: Alam mo Manong Joe, minsan may mga bagay na tulad ng nuclear power plant natin na na-controversial, dati ni walang gustong pag-usapan iyan dahil...

Q: Ilanpung taon na.

Ejercito: Oo, dahil ang dahilan takot na takot na.

(11:33-11:38) Q: Kung iyan ay ginamit lang, aba ay sobra na ang serbisyong nagawa sa atin niyan. Hanggang ngayon binabayaran pa natin.

Ejercito: Actually Manong Joe, bayad na iyan. Tayo na po ang may-ari, natalo tayo sa kaso noong 2007.

Q: Sa maintenance talo pa tayo, Senator.

Ejercito: Oo, sayang.

(11:48-11:49) Q: Pero mini-maintain pa natin, baka mabulok.

Ejercito: Papag-usapan ho natin Manong Joe, kung wala ho talagang... sa tingin ko, ako personally, kahit na controversial issue po iyang BNPP, sa palagay ko iyan ang magiging susi para gumanda ang ating ekonomiya, dahil yung 1.80 na cost ng per kilowatt hour to produce energy ng nuclear power plant, one peso eighty centavos, paano mo naman tatapatan yun? Kahit yung mga pinakamababa, yung mga renewables nasa six pesos, nasa five pesos yung diesel, coal, hydro, wala hong makaka-ano, nothing comes close ika nga, masyado nang na-demonize. Pag-usapan natin minsan kapag ako'y dadalaw sa inyo.

Q: Ok. Sige Senator, at alam namin medyo busy ka, yung mga preparasyon mo para dito at sana matalakay ng matindi itong mga problema na maaring may kinalaman kayo partikular dito sa railway ano po?

Ejercito: Opo Manong Joe. Salamat po, Milky. Mabuhay po kayo.

Q: Salamat, Senator JV.

News Latest News Feed