Press Release
September 29, 2016

Interview with Sen. Cynthia Villar on Sen. Miriam Defensor Santiago

We cannot forget Sen. Miriam kasi siguro one of a kind siya, napaka feisty, at magaling, at talagang matapang. Actually, mas maraming time inispend si Sen Manny Villar with her.

I spent the first three years in the Senate with her kaya lang noong time na iyon medyo maysakit na siya kaya she comes from time to time. Siyempre lahat tayo nari-remember siya as icon para sa mga kababaihan. Ngayon lang tayo nakakita ng ganyan katapang, ganyan kagaling at ganyan ang fighting spirit so we mourn her passing.

She has always been a very good friend, ninang ako ng kanyang 2 anak na babae kaya hindi siguro normal ang relationship namin. Although ina-admire ko siya, I know her personally and she's very nice to be with. At saka iyong tapang niya sa ibang tao, never niyang ipinakita sa akin. During all my years with her, hindi yung public figure ang nakita ko kundi yung personal relationship namin. She has always been very nice to me at siguro nadadagdagan pa iyon kasi marami siyang kapatid na nakatira sa Las Pinas na mga kaibigan namin so she always look at us as family, hindi iyong somebody looking from afar.

Napakabait niya po, alam niyo ang tapang niya sa labas pero sa kanyang pamilya, napakabait niya sa kanyang mga kapatid, kakilala ko lahat ng mga kapatid niya, talagang natulungan niya lahat, nakasama niya, nabigyan niya ng mga role sa government. Meron siyang kapatid na nakasama ako sa higher education, may na-meet akong kapatid niya na practicing lawyer, may na-meet akong kapatid niya na nasa military, lahat ng field of endeavor, nandoon sila. I guess we'll just leave it to their family na magagaling sila, they have proved themselves. In fact may isa syang kapatid na taga Las Pinas, lawyer na namatay at a very young age, 40 years old. Kaya lalo kaming naging close kasi kababayan ko po yung isa niyang kapatid na namatay nang maaga.

Hindi nga po ako makapaniwala na totoo iyon kasi sa lahat po ng maysakit na cancer, siya yung parang walang sakit. May fighting spirit siya eh. Hanggang to the last days na hindi natin alam, na malala na yung sakit niya, kasi nangangampanya pa siya. Parang yung sickness niya did not deter her kaya iniisip ko, baka sabi lang nila na ganoon ka-grabe ang sakit pero hindi naman totoo. Hindi po ako makapaniwala na she's dying, kaya nagulat din tayo na nangyari iyon. Noong time na iyon very busy na siya eh, hindi na po namin siya masyado nakikita noon during her last year sa Senado. Hindi ko na siya masyado nakita sa Senado so hindi na kami naging very close noon, at ayoko naman baka ayaw niya na during this time guguluhin mo pa siya. Sometimes you feel that you need to spend it alone with your family kung talagang may problema so I didn't bother. Kasi minsan si Miriam, kapag may kailangan naman iyan tumatawag naman. I think tumatawag siya kay Sen. Manny, kasi mas close sila, kasi they spent more time sa Senate. Kaya pag may kailangan po siya sa pamilya namin, kay Sen. Manny siya tumatawag.

News Latest News Feed