Press Release
September 20, 2016

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar
September 20, 2016 (Opening of Negosyo Center in Las Pinas)

Q: On Negosyo Center

Villar: Suppossed to be iyong mga small enterprises hindi nila alam how to get permits, lalo na sa national, pwede na din sila dito yung mga business permits. At the same time kung wala naman silang idea kung ano ang nenegosyohin nila then pwede sila mag aral. And then yun na nga ang sinasabi, yung ma a-access nila dyan yung mga training shared facilities program ng DTI kasi sila nagbibigay ng equipment, nagtuturo. Pwedeng dyan manggaling yon, mag monitor. And marami silang matutunnan, yung walang idea ng business, mabibigyan sila ng idea what business they can do.

Q: Ma'am, sino talaga yung target audience nitong Negosyo program?

Villar: Iyong small, the micro, yung mga gustong mag start ng small businesses na medyo hindi alam. Matututruan din sila how to access credit, mag apply ng loan. Tsaka yung walang alam sa financial literacy, yung accounting, tsaka how to determine if you are making money or not. Tuturuan din sila dyan.

Q: Ma'am, kasama na dyan kung anong appropriate business?

Villar: Oo. Ma-advice ang mga tao. And ofcourse the final decision will be yours kasi ikaw ang magtratrabaho talaga pero atleast makakapagtanong ka, makakakuha ka ng idea, baka sakali tumapat sayo ang maganda. Tapos matutulungan ka sa credit, matutulungan ka pa sa mga equipment kung halimbawa, iyon lang shared facilities program, they give the equipment to a group of people, not one person. So kung meron kayong association na lahat yun ang inyong gagawin, pwede kayong bigyan ng isang equipment para hindii na kayo mag invest sa equipment.

Q: Ma'am, sabi po ni Senator Leila De lima, yung senate daw tsaka house, rubber stamp na ng Malacanang?

Villar: Hindi, alam mo, na out of topic yung latest witness, because its about davao extra judicial killing, that was not the resolution filed. The resolution filed was about yung kung may extra juducial killing yung drug program ngayong 2016. Eh naupo lang si Duterte, June 2016. Eh why are we talking of 2002-2013, kung may pagkakamali sila noon, bakit hindi nila kinasuhan , diba? Kung talagang tingin nila iyang witness na yan ay tama, bakit hindi nila ginamit sa kaso noon? That's a diferent topic altogether. Bakit noon hindi nila kinasuhan, diba? Bakit ngayon, and it's out of topic.

Q: Tingin niyo political vendetta din yung issue na ginagawa ni Senator de lima?

Villar: Siguro, talagang magkagalit sila. She's doing it kasi hindi siya believer kay Duterte, dapat hindi kasali ang Senate doon. Senate is a different institution, pwede sana ginawa niya yun personal niya, not the committee of the Senate. This is the decision of the majority. Alam mo sa Senate, wala naman rubber stamp dyan eh, para maging senator ka, may sarili kang independent mind and you know what is good and what is not good, diba? And it was a majority decision. Malaking majority 16 votes , thats 2/3 of the votes of the Senate.

Q: Ma'am, tinangka ba kayong kumbinsihin nung mga ka alyado ni Senator de lima, like senator drilon?

Villar: They were asking for a reconsideration. Decided na eh. 16 votes.

Q: Nag meeting kayo prior?

Villar: Hindi naman. Matagal na yang napapag usapan. Parang nakikita na yan kaya lang, parang pinababayaan mo baka hindi naman don tumuloy. Nung dun na tumuloy, parang it's time na tapusin na yan kasi ang daming gagawin ng Senado, eh bakit pa kami mae-embroil, kung nag aaway mga tao kasali kame doon. Hindi naman kami kasali doon, we just have to do our job.

Q: Ma'am, ano ba dapat priority ng Senate instead na investigation?

Villar: Di naman. Okay din yung investigation. Ang dami namin, may mga tax bill may agricultural bill may mga environmental bills, ang dami naming gagawin, diba? Ang daming educational bills napakarami namin, bakit doon na lang nalilimit ang aming trabaho, parang gusto namin na we move forward and do our job.

Q: Bakit po kayo bumoto ng Yes kagabi?

Villar: Kasi ang filed resolution is to look into the extrajudicial killings with regards to the drug campaign. If you will notice, that witness last week was about investigation nila long before, kay then Mayor Duterte, about the Davao Death Squad. So parang irrelevant sa filed resolution . Hindi kami nagagandahan na ang bansa natin, by doing that investigation, naglalagay ka ng isang witness na hindi natin alam ang credibility at mukhang hired killer, dini-destroy mo hindi lamang ang image ng Senado, kundi ang image ng buong bansa na. Hindi naman iyon ang iniimbestigahan natin. Ang iniimbestigahan natin if there are extrajudicial killings dito sa drug campaign in 2016. Kasi nagsimula lang ang term ni Duterte noong June 30 , why are we talkingof 2002-2013 and besides if they found na credible itong witness na ito bakit hindi sila nag file ng case noong time na yun diba? Eh bakit hindi nga nila na-file noon, bakit ngayon ilalabas nila? Tinatanong ko nga why hindi finile, mahina daw yung case. Eh bakit ngayon dito dadalhin yung witness eh iba naman yung topic.

Q: Yung comment niyo lang sa sinabi ni De Lima na si Duterte po yung nasa likod ng pagkakatalsik sa kanya kagabi?

Villar: Hindi, it's the wish of the senator. They find it hindi maganda. In the first place nagkagulo yung mga senador na hindi rin naman maganda infront of the people. Kasi pinipigil nila si Senator Cayetano na magsalita eh sa aming history sa amin sa Senate, wala namang pinipigil magsalita. I mean if you want to talk you can talk, that's your prerogative. Hindi naman dapat pinigil iyon and in that manner. Parang nagiging personal na and wala naman kaming nakakausap sa Malacanang among ourselves, we felt na tigilan muna yan. Feeling namin ang dami daming naming gagawin sa Senado bakit ba yan ang inaatupag mag-away tungkol dyan kaya ako, I voted yes.

News Latest News Feed