Press Release
August 25, 2016

GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT
ON EMERGENCY POWERS HEARING

Question: Anything significant doon sa hearing?

Sen. Grace Poe: Sa hearing natin ngayon hinihingi rin natin sa DOTr kung ano ba talaga ang mga proyekto nila. Magkano ang aabutin at gaano katagal. Hindi pa nila dala ang listahan na iyan, at sa tingin ko kakailanganin pa nila ng mga dalawang linggo para maprepara iyan. Kaya sa susunod na linggo, ang balak namin ang imbitahan muna ang mga mayors ng mga lugar na maapektuhan ng emergency powers dahil gusto rin natin marinig mula sa local governments kung ano ba sa tingin nila ang makakapagpaluwag ng trapiko para naman maisama iyan sa hearing o kaya ay malagay sa listahan ng DOTr.

Question: Are you convinced that the DOTr needs the emergency powers? Are we now at the point where we just need the specifics pero ok na, ibibigay na sa kanila? O hindi pa tayo doon?

Poe: Hindi pa tayo makakapagsabi kasi kapag hindi pa nila nasusumite kung ano ba talaga ang mga problema nila, ano ba ang mga proyekto nila, hindi natin masasabi na mabibigay na natin ang emergency powers. May mga bagay na nasabi din dito katulad ng right of way acquisition, matagal nang iniinda ng iba, maaring doon magkaroon ng tulong ang emergency powers pero kailangan natin talagang limitahan doon lang sa kailangan. Mayroon ding nagsalita diyan na nagsabi na medyo natatakot sila ngayon, ilag sila sa emergency powers kasi baka abusuhin. Yung Jeepney Drivers Association nagsabi na parang hindi naman natin kailangan ng emergency powers, baka administrative order lang. Pero sabi naman ng Management Association of the Philippines, may mga bagay talaga na emergency powers lang ang makakalutas lalung-lalo na pagdating sa coordination sa mga local governments.

Q: Senator Hontiveros used the word 'authoritarianism' do you share the same reservation?

Poe: I think that the emergency powers that we will draft, we will not allow that. Unang-una, sa emergency powers na maibibigay natin kailangan mayroong deadline. Pangalawa, nakadetalye kung anu-ano lang ang pwedeng paggamitan nito. Pangatlo, mayroong kapangyarihan ang Kongreso at Senado na bawiin ito pag hindi sinusunod ng gobyerno yung mga nakatala dito.

Q: Ma e-excempt sila from the regular procurement process for 2-3 years. That's quite a long time. Is it that kind of a danger in terms of abuses and corruption in public funds?

Poe: Kung hindi naman kinakailangan na ganun katagal, hindi naman natin ibibigay. Ngayon napakarami kasing hindi lang Metro Manila, may Metro Cebu, may Cagayan de Oro at iba't ibang lugar. Ngayon, ang balak natin meron talagang time-frame kung saan hanggang doon lang talaga ang emergency powers at isa pa, magkakaroon ng oversight committee. Sa ating mga kababayan, ang ibig sabihin po nito, meron isang bubuuing grupo, miyembro ng Kongreso, Senado at pribadong sektor na kukunin din natin para magbantay diyan. Sa pribadong sektor napakahalaga, maglalagay tayo ng engineer, ng mga kagalang-galang na mga indibidwal na ang mga kontrata ay bubusisiin at habang ako ang namumuno dito sisiguraduhin ko na lahat ng kontrata na isinusumite sa amin para tingnan ay akin ring i-a-upload para ang ating mga kababayan ay makita rin at hindi tayo malamangan ng sinuman.

News Latest News Feed