Press Release
August 22, 2016

Sen. Bam's interview after Senate hearing:

Kailangan talagang linawin iyong police action - ano iyong extra-judicial killing, ano iyong collateral damage?

Palagay ko, sa kuwento ng mga witnesses, mukhang kailangan pa itong himayin. Bukas, I think si Gen. Dela Rosa, magbibigay ng report niya. Magandang malaman natin ang katotohanan dito.

Q: Pero malinaw naman na mukhang hindi kukunsintihin under the leadership of Gen. Bato itong mga sinasabi na vigilante killings?

Sen. Bam: Natuwa naman ako noong sinabi niya na siya mismo iyong mag-iimbestiga sa mga pulis na pinangalanan ng witness. That's a good sign and hopefully, tomorrow mas mailahad niya ang kanyang mga plano upang mas malinis ang kanyang hanay.

News Latest News Feed