Press Release
August 11, 2016

Napantayan o nalagpasan ng mga patayan ngayon ang EJKs ni Arroyo

Nakakabahala ang kaso ng patayan o extra-judicial killings ngayon. Mukhang napantayan o nalagpasan na ng mga patayan ngayon ang rekord ng kaso ng extrajudicial killings noong panahon ni Gloria Macapagal Arroyo na may bilang na 390 batay sa USAID report.

Kung pagbabasehan ang datos ng media, may 943 nang drug-related fatalities. 567 dito ay bunga diumano ng police operations. May 294 namang pinatay ng mga hindi kilalang armadong grupo. Samantala, may 82 namang mga bangkay ang natalang tinapon sa iba't ibang lansangan.

Sa tala naman ng Philippine National Police (PNP), as of July 22, 2016 (22 days mula nsa inauguration ni President Duterte), 239 drug suspects na ang kanilang napatay resulta ng mga diumano'y police operations. That's an average of 11 deaths per day!

Nakakagimbal at nakaka-alarma ang mga pangyayaring ito. Kakampi ako ng gobyerno sa kampanya nito laban sa droga at krimen, pero hindi dapat mayurakan ang karapatang pantao ng mamamayan.

Kaya akin muling binibigay ang aking buong suporta sa isasagawang imbestigasyon ng Senado ukol sa lumalalang bilang ng EJKs. Ako ay lalahok sa imbestigasyon para maipagtanggol ang karapatan ng mamamayan habang nilalabanan natin ang salot na ilegal na droga at krimen.

News Latest News Feed