Press Release August 9, 2016 Statement ni Senator Maria Lourdes Nancy Binay sa pagdiriwang ng National Indigenous People's Day Bilang bagong talaga na tagapamuno ng Senate Committee on Cultural Communities, inaanyayahan ko ang lahat na kilalanin at ikarangal ang araw na ito bilang National Indigenous People's Day. Kalakip ng ating responsibilidad ang pagsulong sa mga karapatan, mga pangangailangan, at mga mithiin ng ating mga katutubo. Lubos kong ipinagmamalaki ang aking lahing Ibanag at gagawin natin ang aking buong makakaya upang mapabuti ang kanilang buhay at ipaglaban ang kanilang dignidad. Mabuhay ang ating mga katutubo! |
Wednesday, March 27
Tuesday, March 26
|