Press Release
August 8, 2016

SEN. GRACE POE INTERVIEW TRANSCRIPT
DZMM Teleradyo with Ted Failon

Ted Failon: Senator Grace Poe, good morning po.

Poe: Magandang umaga Manong Ted at sa lahat ng ating kababayan, magandang umaga. Nakikiramay po ako ngayon sa mga nagbabyahe ang hirap ngayon lalong-lalo na umuulan.

On emergency powers hearing, briefing with agencies

Failon: Madam Senator ito ho, humihingi po ng emergency powers ang Pangulong Duterte at ito po'y dadaan sa Kongreso. Kailan po ang simula po ng ating hearing, Madam?

Poe: Meron po tayong committee meeting-hearing parang ganun ano sa Wednesday. Umpisa na dahil gusto nating bilisan. Gusto naman natin dito mabilis, walang abuso at talagang magkakaroon ng solusyun pero may nagsabi nga sa akin, o di meron kayong hinihinging emergency powers madaliin natin iyan pero saan ang plano ninyo? Ano ba talaga ang kailangan ninyong gawin? Alam natin ang problema, meron na ba kayong solusyon para maging ligtas, abot kaya, mabilis at maginhawa ang paglalakbay ng ating mga kababayan. Gusto nating makita na katulad sa ibang bansa diba, ikumpara natin, ihambing natin kung papaano magiging ganun din ang ating sistema ng transportasyon. Pero kagaya niyan Manong, 2013 pa nung nilagdaan ng pangulo ang isang Adminstrative Order na magkaroon ng iba't-ibang mga terminal sa Southwest, South at saka sa North part ng Metro Manila. Hanggang ngayon hindi pa naman napapatupad iyan ganun na katagal. Yung doon sa MMDA sa Southwest kung hindi ako nagkakamali eh parang ngayon yung problema parin ay kailangan nating tingnan kung talaga bang efficient ito, maginhawa ba talaga o ang sabi ng Piston, nahihirapan pa rin yung ating mga kababayan dahil kulang naman sa mga, lumilipat halimbawa sa ibat' ibang lugar sa Metro Manila. Yun yung dapat nating tignan dito sa traffic na to.

Failon: So basically Ma'am you're saying na kung hihingi ng emergency powers lahat tayo ay nagkakaisa po na sige kung iyan ang gusto ninyo, pwede naman nating ibigay pero kung maari lang maipaliwanag muna natin ano ba talaga ang plano ninyo? Yung detalye ng plano.

Poe: Oo kasi hindi talaga madali itong problema na ito, aminado tayo diyan. Pero hindi naman pwedeng petiks lang na bigyan niyo kami ng emergency powers, bahala na kami at pikit mata nating ibibigay yan. Ang ibig sabihin ba niyan - sabihin ng kahit na sino ay emergency na ibibigay na lang natin sa ating mga kababayan. Alam mo parang binigyan niyo sila ng napakalawak na kapangyarihan na maaari nilang abusuhin to. Gusto nating mabilis pero ayaw naman natin maulit ang PDAF, halimabawa, ang fertilizer fund scam. Pag hindi natin nababantayan iyong bidding process na basta kung sino na lang ang mabibigyan na kahit walang track record, kahit palpak, kaya kailangang maayos basta lang mabilis. Alam ko yung ating mga kababayan, mga iba siguro sinasabi eh kayo bilis-bilisan ninyo ang trabaho ninyo. Totoo po, ako naman po'y hindi talaga nagbabagal-bagal basta huwag lang tayong maiisahan.

On Southwest terminal

Failon: Opo. Yes Ma'am siguro ma'am magandang gawing example, ano ho, kasi dito po sa plano na maglipat ng mga bus terminals. For example, ako ho naniniwala ako na malaking tulong din yan, malaki din pong pagbabawas sa volume at yung mga obstruction diyan sa kahabaan ng EDSA. Pero ang tanong lang is saan ho ililipat, for example specifically at saka ano ho ang effect nito sa lahat no? At maganda pong maging example ang tinayo ng MMDA na Southwest terminal diyan sa may Coastal, sa Uniwide. Una po diyan ang sabi po ng gobyerno sa aming ginawang report nila Chairman Tolentino ho dati diyan, ni singko walang gastos ang gobyerno, yun ang sabi niya. Tapos wala daw pong bayad ang mga magteterminal, yun pala ngayon sa COA report, we spent P19M to construct that particular terminal, pagkatapos may bayad ho pala sa mga magteterminal and then ito pa, sa ngayon pinuntahan namin iyan, ang nalaman po namin na yung ginawang terminal hindi napapakinabanga dahil yung mga pasahero po hindi naman doon naghihintay kung hindi doon din bago dumating sa dito sa area ng Coastal. Pagkatapos Ma'am ito pa, pinutol ho ng LTFRB ang prankisa ng mga bus sa Cavite hanggang diyan lang sa Coastal, sa Uniwide tapos yung mga pasahero ngayon kinakailangan pang mag commute papunta ng Maynila. So dalawa ang pamasahe, ang gastos mo and then sa inconvenience na yan, ang tanong is nabawasan ba ang problema ng traffic sa may bandang Lawton o pareho parin ngayon at saka ano ho ang binunga nito sa punto po ng convenience ng riding public? So kumbaga bago ho tayo maglilipat nito, siguro masigurado ho muna na hindi ito magiging experimental stage at mag-fefail eventually kagaya ng Southwest terminal.

Poe: Alam niyo po siguro nga isa sa mga araw na to kailangan subukan ko ang Southwest terminal na to eh. Sabi nila kulang din daw ng mga walkways para sa ating mga kababayan kaya nahihirapan din sila pumunta dito. Parang meron tayong 85 provincial buses sa Metro Manila. Merong mga 46 terminals sa EDSA. Kung tatanggalin natin iyang 46 terminals na yan at ma-rerelocate sa labas, maaaring maging maginhawa nga pero tama kayo dapat maayos. Yung doon sa north part, hanggang ngayon wala pang na i-identify na lupain na pwedeng paglagyan. So kung wala pa ngang nakikitang lugar eh medyo matagal-tagal pa nga iyan. Sabi ko nga dapat specific siguro, ano bang problema? right of way ba? Hindi sila makabili ng lupa dahil nahihirapan sila sa local government o talagang wala silang plano kung ano ang gagawin? Alam ko yung isa na dito yata sa Taguig, parang 4 billion project iyan eh na nakuha ng, DPWH ang in-charge diyan pero Ayala yata ang nakakuha. Sana maganda ang mga disenyo kung magpa-partner-up tayo sa mga private companies o private ssector, dapat hindi lugi ang gobyerno at gawin nilang state of the art. Isa pa Manong ang iisipin natin sa hearing na ito hindi lang DOTC o MMDA ang kakausapin, magkaka schedule tayo, kakausapin natin ang mga estudyante, ano ba talagang problema ninyo diyan sa university belt o sa iba't ibang lugar, yung mga nagbibisekleta kakausapin din natin para din magbigay ng input kung papaano dahil hindi lang naman train halimbawa ang kailangan idagdag. Kailangan din natin magdagdag ng mga elevated walkways. Importante iyan para we can move from one building to another na hindi na kailangan sa kalsada pa tumatawid. Baka naman pwede sa isang planned city o kaya dito sa Metro Manila bago magbigay ng bagong permit sa isang building na napakalaki ay sabihin na tumulong sila sa gastos na magkaroon ng walkway from one building to another. Maaaring masyadong ambisyoso ang plano na ito pero para sa longterm ay dapat inaasikaso na ng gobyerno.

On consultation

Failon: Yes Ma'am so meaning ano ho, ang inyong hearing magiging malawakan po ang konsultasyon and then lahat po ng input sana po ay maging welcome sa all parties sa iisang adhikain na finally, to resolve this issue, na may katagalan po talaga bago maramdaman ang total effect pero dapat po sigurado na ang ating galaw hindi yung puro experimento then failed nanaman, then subok nanaman. At the end of the day ang nagdurusa po ay ang riding public.

Poe: Ang sabi nila ang mga Pilipino nga mapasensya pero dapat naman, mapasensya tayo sa tingin ko pag nakikita naman natin may ginagawa talaga ang gobyerno pagbibigyan naman talaga natin. Kaya lang huwag din naman natin, tama din naman ang sinabi ng iba na dapat may plano so doon tayo talagang nakatuon at huwag kayong mag-alala kasi susunod-sunurin natin ang pagdinig para hindi nila sabihin na ang bottleneck o ang pagkakaroon ng emergency powers ay dahil nga sa Senado. Hindi, bibilisan natin diyan pero kailangan may plano kayong ipakita.

Failon: Opo. Okay. So Ma'am meron na ho kaya kayong timetable? Kasi ngayon ho abala ang 17th Congress sa budget deliberation so ang kanila pong hinihingi dito ASAP ito. If everything will come into place, like itong detalyadong plano, mga hearings na ito, do you see this being passed before kayo mag adjourn sa pasko?

Poe: Sana naman.

Failon: Is that possible?

Poe: Oo naman. Tignan natin ha kasi kung dalawang bagay iyan, meron din silang maipepresenta, pero ako sa aking panig gusto ko na lahat ng dapat kausapin na mga iba't-ibang sektor ay mabilisan para pag naiprisinta ang committee report, eh dun kasi minsan ang mahaba eh, constitutional din ito tungkol sa emergency powers.

On MMDA

Failon: One point na pwede ninyong masilip, yun pong ibinibigay na budget hearing ngayon tapos in connection sa emergency powers na ito yung pong ating ibinibigay na budget sa pangunahing ahensya na naaatasan to manage our traffic problem and to solve our traffic problem na MMDA. Iyan ho siguro pinakamaganda na inyo ding ma check kasi diba ma'am vis-a-vis the emergency powers on traffic tanong lang, ano bang papel ng MMDA ngayon, tama ba ang kanilang ginagawa at saka kung sila po ay magiging under po sa traffic czar na hahawak nitong emergency powers na ito, ano magiging galaw ng MMDA considering din sa hindi kagandahang mga reports na lumalabas ngayon sa kanila pong ginawang traffic management na wala palang management?

Poe: Kaya nga diba tanungin natin si Secretary Tugade kung siya ba talaga ang mamamahala na nitong MMDA o may kunin pa siayng iba kasi talagang malalim itong problema sa traffic. Sabi niyo nga po, ilang araw nalang, 61 days, ang bilis talaga ng panahon. Tanungin natin sa unang hiring, Sec. Tugade ano bang masasabi ninyo bakit tayo maiibsan ng konti dito sa traffic doon sa natititra ninyong 61 days so para at least malaman din ng ating mga kababayan ano ba yung panandaliang solusyon nila na ginagawa rin naman.

Failon: Yes Ma'am. Madam Senator thank you for your time Ma'am. Good luck po sa inyo at kami po'y muling tatawag para pag-usapan po ang mga bagay na ito para po sa bayan. Salamat Senator.

News Latest News Feed