Press Release
July 25, 2016

GRACE POE INTERVIEW TRANSCRIPT
DZMM Teleradyo Failon Ngayon with Ted Failon

Ted Failon: Madam Senator, good morning, ma'am!

Sen. Grace Poe: Magandang umaga po Manong Ted, at sa lahat ng nakikinig. Salamat manong at pinaganda mo ang aking araw.

Failon: Ma'am, how are you doing? Kamusta po kayo, ma'am?

Poe: Okay na po. Nakapagpahinga na ng kaunti at umpisa na naman po ng trabaho.

Failon: Yes ma'am at 17th Congress po simula today, ano ho? Pwede ho ba naming malaman lang...Mayroon na po bang balita sa kung sino po ang mangunguna sa Committee on Public Information and Mass Media?

Poe: Ako po ay umaasa na yun po ay ating maipapagpatuloy. Kaya nga po nag-meeting naman kaming mga nasa majority coalition...mukha naman pong mapupunta sa atin, pero siyempre hangga't hindi pa naman pinal talaga yung botohan sa plenaryo, hindi pa natin masisiguro.

Failon: I see. Until mamaya po, ano? Makumpirma po ang lahat ng committee chairmanship in the Senate. Pero, regardless po ma'am kung mahawakan po ninyo ang komiteng ito, nakakasiguro po ba kami na you are going to push pa rin para sa FOI bill natin?

Poe: Siyempre po. Alam ninyo po manong, bago pa po tayo nag-umpisa, iyan po ay ating na-file na kaya siguro po mga June...Mga June [30], nag-file na po kami ng aming priority bills. At kasama po iyan sa sampu na unang bills nating na-ifile kasama ng Libreng Pananghalian para sa mga bata. Kaya iyan po ay siguradong mapapag-debatehan sa Senado. At ako naman po ay kumpiyansa dahil naipasa na natin po dati iyan sa Senado. Ang problema lang po talaga...at hinihikayat ko rin na sana maging ganado ngayon ang Kongreso.

Failon: Yes ma'am. Nabasa niyo na ho ba ang FOI Executive Order ni Pangulong Digong?

Poe: Yung nilathala po sa diyaryo.

Failon: Alright. Kasi ma'am, dito ho, ito ho ang sakop lang po nito ay executive branch.

Poe: Tama po.

Failon: Even mga LGUs po hindi niya sakop. Pero dito rin po, wala rin pong klarong...kaya amin pong hinahagilap si Sec. Aguirre ng DOJ tungkol po sa penalties. Dito po ba ho sa inyong panukala, ma'am, can you refresh us, ano ho ang penalties kapag hindi sumunod ang isang government official or personality dito ho sa kagustuhan natin na makuha ang mga dokumento o mga bagay na importante sa kaalaman ng publiko?

Poe: Pag isang batas po, hindi lamang administratibo ang mga nagiging penalties. Meron din pong kaunting criminal charges. Kaya nga po kasama diyan yung sa amin...Siguro unang beses, may isang kawani ng gobyernong hindi tumupad sa batas na ito, ang mangyayari, pwedeng, unang-una, suspendido. Pangalawa, pwede siyang tanggalin sa trabaho. At hindi lamang sa pagtanggal sa trabaho, pati yung mga benepisyo, matatanggal. At maaari pa ngang may kulong pag mayroong withholding of information. So yun ang mga pinagkaiba sa executive order sapagkat ang executive order, di ka naman pwedeng magkaroon ng mga criminal penalties. Kaya tinutulak natin ang isang batas para hindi naman nakatuon lamang sa iisang administrasyon--kahit na magpalit-palit pa ang administrasyon at mawalan ng gana ang sino mang nakaupo, hindi niya basta-basta matatanggal ang karapatan natin na iyon.

Failon: Kasi po Ma'am dito ho din sa binabanggit na exceptions ano ho, yung mga hindi sakop ng FOI ito daw ay ay ilalatag pa ng kinauukulan hango po sa Executive Order. Pero sa inyo ho aman maliwanag na ho iyon kung ano lang ho ang mga hindi po sakop ng FOI? Ma'am can you again refresh us?

Poe: Yung mga exceptions po? Well nandoon yung basic right to privacy pero naniniwala naman ako, kaya nga dapat malinaw na kahit may Data Privacy Act o kung anuman tungkol sa karapatan ng indibidwal...pag ikaw ay isang kawani ng gobyerno o ikaw ay isang public servant, importante na katulad niyang SALN mo, yung net worth mo kailangan nakikita iyan ng mga tao. Pangalawang exception na kasama rin po diyan, pag national security interest, halimbawa, may mga pag-uusap tungkol sa China na hindi dapat malaman ng publiko agad-agad baka magkaroon ng reaksyon din ang ibang bansa. Yung mga diplomatic relations, yun po may exemptions.

Pangatlo, exemption din po pag merong ongoing criminal investigations. Halimbawa yung PNP, hindi naman nila pwedeng sabihin na meron silang isang pinagsususpetsahang kriminal, sapagkat pag nilabas ang pangalan na iyan sa diyaryo, malalaman na kaagad ng tao na tinutunton siya. Mayroon din pong bank secrecy law pero nandun na tayo, we're trying to ease restrictions on that kasi ginagamit din iyon na pang-launder ng pera kaya kailangan maayos.

Marami pang ibang exemptions kaya lang Ted ang maganda dito sa ating Freedom of Information, ay pagdating po na mapatunayan ng isang tao na kahit exemption pa iyan, pero tinatago mo ang impormasyon sapagkat meron kang tinatagong kamalian o wrongdoing, pwede ka pa ring parusahan. The right to privacy can never be invoked to conceal a wrongdoing, yung mga bagay na ganun. Importante yun at saka ang isang Pangulo, ang isa pa ring iniisip ko na medyo nakakabahala rin. Kahit na may isang Executive Order, merong tinatawag na presidential privilege. Ibig sabihin, pag may dini-discuss ang Pangulo at sabihin niya, off the record ito. Hindi nila ilalabas ito sa public record so sa amin dapat clearly defined kung ano ang sangkot sa presidential privilege kailangan ito ay national security interest at hindi para magtago lang ng kamalian.

Failon: Ito po ay ang Executive privilege na sinasabi.

Poe: Opo, yun po kasi imagine, diba yung pag-uusap ni President Noynoy noon sa Mamasapano, importante ang pag-uusap nila ni Purisima, importante ang pag-uusap nila kung meron man ni Napeñas, pero pag sinabi ng Presidente na "I invoke my Presidential executive privilege," hindi natin malalaman yung napaka-importanteng impormasyon na maaaring magsabi na may kinalaman ang Pangulo diyan o wala.

Failon: Yes Ma'am and if you recall also, panahon ni Gloria Arroyo yun pong usapan nila tungkol po duon sa kontrata nga sa ZTE-NBN deal hindi ho ba, iyan din po ay umabot sa Supreme Court ang usapin na iyan.

Poe: Tama po yung EO 464 ba yun?

Failon: Yes Ma'am yung kay Romulo Neri. Remember? Yung mga instructions sa kanya ng Presidente tungkol sa kontratang ito.

Poe: Tama po.

Failon: Nag-isssue na ng FOI ang mismong pangulo ng ating bansa, palagay ko maliwanag na ho ang signal doon sa Kongreso na ito ho ay priority bill and I'm sure ito ay isasama sa listahan ng kanila pong priority measure.

Poe: Opo manong, gusto ko lang po sabihin sa ating mga kababayan, gagamitin ko na rin po ang pagkakataon, importante ang FOI kasi pwede na tayong pumunta sa mga ahensya ng gobyerno at sabihin, ano ba ang mga available na trabaho diyan? Hindi na sila kailangan naghahanap pa at wala kang alam. Ano ba ang budget ninyo, bakit sabi ninyo wala ng pera para sa scholarship sa mga state universities. 'Yung mga magsasaka pwedeng pumunta, ano na yung nangyari sa farm to market road namin, hindi ba may nakalaan na pera diyan? Lahat po yun ay dapat ibigay sa inyo ang impormasyon.

Failon: Yes Ma'am, opo. Last na lang po. If I may remind you po, madam senator, 'di ba nagkaroon kayo ng hearing tungkol po ito sa MRT-3?

Poe: Yes sir.

Failon: Yung usapin po sa may common station.

Poe: Opo, itutuloy po natin yan. Isa pa po yan sa aking hiniling para sa transportation na sana mapunta sa atin ang public services sapagkat napaka-importante po ng komite na 'yan. Failon: I think Ma'am that is considered as unfinished business, if you know what I'm saying, Ma'am 'di ba kasi hindi pa tapos po ito. Ngayon po kasi ayaw tumigil ng isa gusto talaga doon sa kanila ilagay ang common station and nakailang hearing na po kayo dito at nakausap niyo na rin ang ating mga commuters sa kung ano ang magiging kapakipakinabang para sa ating bayan. If I may just respectfully remind you, baka pwede pong i-push ito hangga't malaman natin ang kailangan natin ang gagawin sa common station na iyan.

Poe: Opo, ako po ay umaasa dahil kinapos na po tayo ng pagkakataon noon pero dahil hindi dapat makalimutan dahil patuloy pa rin ang paghihirap ng ating mga kababayan at salamat rin Manong Ted na ang inyong memories ay hindi maikli. Yun ang problema, baka nakakalimutan na ang ibang pagdurusa.

Failon: Opo, ang mga Pilipino talaga makakalimutin. Madam senator, we'll be keeping in touch. You're back and I'm happy na kayo po muli ay aking nakapanayam po and Ma'am please smile po tayo in the meantime, smile.

Poe: Opo salamat, buena mano kayo sa aking pagbalik sa senado. Isang magandang pangitain ito.

News Latest News Feed