Press Release
June 16, 2016

Bam on the Abu Sayyaf problem

Malaking perhuwisyo na ang idinulot ng paghahasik ng lagim ng Abu Sayyaf sa ating bansa.

Naapektuhan na nito ang ating imahe na nagdulot ng malaking epekto sa turismo, ekonomiya at maging sa pamumuhay sa ilang bahagi ng Mindanao.

Panahon na upang gawin ang lahat ng nararapat na aksiyon upang mapulbos na ang bandidong grupo sa lalong madaling panahon.

Suportado natin ang anumang hakbang na gagawin ng kasalukuyang pamahalaan at ng papasok na administrasyon ni President-elect Rodrigo Duterte, basta't ito'y naaayon sa batas.

Subalit sa pagkilos na ito, dapat unahing bantayan ang kapakanan ng sibilyan na posibleng maipit sa labanan.

News Latest News Feed