Press Release
April 28, 2016

Press Conference of Senator Antonio Trillanes IV

SAFT: Ok. Ito yung collation noong mga information about the bank details of Mayor Duterte and his three children. Ang ginagawa namin ngayon kasi, the first batch, yung two hundred eleven, yung lang yung una pang na-verify. So lahat noong mga naipasa sa aming information, we are double-checking it carefully, it's going through a tedious process, mga accounting firms ang nagbibilang niyan para accurate tayo. Ok?

So ngayon ganito iyan. Ito yung proper format ng waiver. Proper format ng waiver, ngayon, hinahamon ko si Mayor Duterte... ito yung proper format ng waiver. Ngayon, hinahamon ko si Mayor Duterte, primahan mo itong waiver na ito nang sa ganoon malaman natin once and for all kung ano ang nalalaman ng bank account mo diyan sa BPI Julia Vargas. At ito yung hamon ko, pagka nagkamali ako, pag pinirmahan mo ito at lumabas doon mali yung akusasyon ko, magreresign ako sa Senado at magwi-withdraw ako bilang kandidato sa pagka-bise presidente. Iyan ang hamon ko sa kanya.

Ngayon, kung hindi niya ito pipirmahan, nasa taong bayan na lang iyan kung siya ay huhusgahan na may itinatago. Pero kung ganun pa man, siya pa rin ang magiging presidente, gagawin ko itong basis for an impeachment complaint. Ako ang mangunguna diyan sa kanya. Kaya ngayon pa lang, harapin mo na itong isyu na ito, kung magkamali ako, wala na ako sa pulitika. That is one way of dealing with me. If he finds my existence na sagabal sa buhay niya, yun yun. So yun ang aking hamon sa kanya, maliwanag iyan.

Ngayon itong isa, may lumalabas ito, yung tseke sa internet, Ok? Lumalabas itong tseke na ito, lumabas yung totoong tseke, magkaparehas yung check number, so pi-notoshop siya. Ngayon, ganun pa man, susulatan din natin yung BDO kung ito nga ba ay ang kanilang standard na issuance ng tseke, ganito kalaki or ganito, corporate na mga accounts para magkaalaman. Ngayon ganito, yung mga Dutertards na tinatawag, magaling sila sa panlilinlang, mga propaganda. Hindi ko sila uurungan. Ok? Hindi ko sila uurungan dahil para sa kabutihan nila ito.

QUESTION: Sir, ginaya nila kay Rommel Aguas yung tseke?

SAFT: Ito yung mismong sa internet din na lumabas na yung totoo, sa kanila din.

QUESTION: Sir, ang sinasabi ni Mayor Duterte is you prove it. Pahihirapan ka daw niya.

SAFT: Yes.

QUESTION: You prove it, yung allegation mo ng two hundred eleven. SAFT: Hindi. Ibang level si Vice President Binay. Sabi ko nga, hindi natin nakikita sa ganoon, kasi ito kasing kay Vice President Binay, lahat ng puwedeng pagkakitaan sa Makati, ginawa niya. Dito kay Mayor Duterte, maaring iba ang source ng funds niya, and I will let you in on it, pero off the record.

QUESTION: Sir, aanuhin daw niya kayo, kakasuhan ng libel.

SAFT: Alam niyo, ganito na lang, another challenge. Mayor Duterte, please file a libel case against me, kasi base sa AMLA, sa Anti-Money Laundering Law, pagka ang naging subject ng litigation ay ang bank accounts, ma-oopen yun. Kaya please file a case against me, a libel case against me, para mas mapadali. Kaya kita mo, ayaw niyang mag-file. Di ba? Pero ito na nga, mas madali na ito. Kung hindi iyan totoo, pumunta ka, mag-file ka... ngayon sinasabi niya ganito. Sabi noong mga alipores niya, hindi raw sila puwedeng mag-file ng... or mag-gawa ng waiver sa isang non-existent bank account. Puwede. Mag-gawa ka ng waiver, ang sasabihin sa inyo ng BPI, inform ka na such account number does not exist. Yun. Pag yun lang ang ibigay, ano na rin ako, magreresign na rin ako.

QUESTION: Sa isang interview niyo, Senator, nabanggit mo na bahagi ng mga ginawa na expounding. Bakit mayroong 1 billion pesos na inter part si Duterte?

SAFT: E kasi 'yung konseho niya kontrolado. Kasi ito nga 'yung difference, ano, akala kasi no'ng mga kababayan natin 'pag nagpatakbo ka ng siyudad puwede ka nang magpatakbo ng buong bansa. Malaki ang kaibahan. Unang-una, 'yung konseho. 'Yung konseho rubber stamp 'yan. Dito sa national, 'yung house saka senate, hindi. You will be scrutinized. You will be checked on every turn. Plus, 'yung local media iba rin 'yan. 'Yung local media puwede niyang pagpapatayin. Mayroon na ngang tatlong namatay e, 'di ba, para matakot. National media, hindi niya puwedeng gawin 'yon na hindi siya... Especially in this day or age. Noong panahon ng martial law, wala pang internet, wala pang global news. Puwedeng gawin pero ngayon hindi na puwede.

QUESTION: So mayroon siya no'n?

SAFT: Ha?

QUESTION: Mayroon siyang 1 billion?

SAFT: Mayroon siyang 1 billion na confidential funds na hindi ito subject sa audit.

QUESTION: Per year 'yon?

SAFT: Per year.

QUESTION: Saan niya ginalaw?

SAFT: E sinabi niya in one speech nagbibigay siya 125 million pesos per year sa NPA. So 'yung mga binibili na mga bala at baril ng NPA sa Davao na pampatay at pangkidnap ng sundalo't pulis, galing doon sa binibigay ni Mayor Duterte.

QUESTION: Hindi niya kinukuha 'yon? Hindi niya binubulsa? 'Yung 1 billion hindi niya binubulsa?

SAFT: Tingnan natin. Alam mo, 'pag... Kung hindi manalo si Mayor Duterte at imbestigahan ko 'yan kagaya ng pag-imbestiga ko kay Vice President Binay, lahat ng baho ng Davao City provincial government or city government makikita natin.

QUESTION: Kung manalo?

SAFT: Kung manalo then 'yan ang gusto ng Pilipino edi lulunukin natin. Kumbaga don't tell me I didn't warn you. You have been warned. Nanggaling na tayo diyan, 'yung nalilinlang tayo. Akala natin champion, akala natin magaling. Ito, ha, lahat ng red flags lumabas na, minura na 'yung Pope. Alam mo, 'yung ordinaryong tao hindi mumurahin 'yung Pope. Hindi mo maisip 'yon pero siya minura niya. Sinabi niya doon sa patay na Australian na sana siya 'yung naunang mang-rape. Again, 'yung normal na lalaki hindi sasabihin 'yon. So 'yan nga, sinabi niya magrerevolutionary government siya. Sinabi niya magke-curfew siya. At ano pang sinabi niya? Ipapasara niya 'yung kongreso, lahat. Kumbaga sinasabi niya na 'to lahat. Sinasabi niya maraming mamamatay at 'yung mga pulis ipa-pardon niya 'pag nagkamali. Lahat. 'Di ba? So 'pag ginawa niya 'yan ay 'wag kayo magugulat. Akala niyo... 'Hindi, akala namin nagbibiro'. Hindi ba kayo nag-iisip?

QUESTION: Martial law ang sinasabi niyo?

SAFT: Revolutionary government which is worse. Kasi 'yung martial law doon sa Constitution, limitado na 'yung powers. Pero 'pag nag-declare ng revolutionary govenrment, anything goes.

QUESTION: Senator, you're endorsing Grace Poe. Wala siyang kinalaman dito?

SAFT: Definitely not. Alam mo, ganito, bakit lahat ng kilos ko parang kailangan mayroong nasa likod? Noong lumabas kami ng Oakwood, ano daw 'yan, ang boss daw nila e si... ang boss daw namin ay si Gringo. Nilabanan nitong si Vice President Binay kung sino naman. Nakita niyo e. Hindi niyo pa ba nare-realize na mayroon kaming sariling paninindigan? So give us a little credit kasi we're staking our lives here. Hindi ito madali. Sinasabi nila berdugo 'yan si Mayor Duterte at incoming president, mayroon bang pulitikong titindig? 'Di ba? Napakadaling makipag-areglo nalang e at sumipsip e. Napakadali. Gawin ko 'yung ginagawa ni Senator Cayetano, 'di ba? Pero hindi 'yun e. Kung anong ang mali, mali. Ke gaano ka pa kamakapangyarihan e titindigan ka namin. Hindi ito bago sa amin.

QUESTION: Pero suddenly they are tensioned out, they are weakening out. Ano bang usap 'yon kay Duterte, 'di ba?

SAFT: O, okay. Ito 'yon, o? Sinabi ko 'to, maliwanag. 2015 April, nag-usap kami ni Mayor Duterte. Exploratory talks through a common friend. Nandirito siya sa Maynila, hindi ako pumunta sa Davao. Dito sa Maynila nag-meet kami, somewhere in Ortigas kasi lumulutang 'yung pangalan niya na tatakbo siyang presidente. April 'yon, ha? Ako, determinado akong tumakbo as Vice. Nag-meet kami, nag-usap kami. Ang bungad niya sa'kin, hindi siya tatakbo. April 'yun noon.

Kung maalala niyo, November lang siya nag-declare, 'yun pala nagda-drama lang. Tatakbo pala talaga. 'Di ba? Naalala niyo 'yon. Nililinlang tayo no'n. Hindi raw siya tatakbo pero may ads, lahat. November lang siya. Noong April, hindi siya tatakbo. So kung hindi ka tatakbo bakit mo ako ire-reject? There's nothing to reject because you're not running. Kaya nga after no'n nagkuwentuhan na lang kami. Nagkuwentuhan kami, doon nga kung ano-anong kinuwento niya.

Doon niya kinuwento 'yung pinapatay niya na nakaluhod. So, ang sa akin, after no'n nag-usap na 'yung grupo. 'Yung grupo pinili si Senator Grace Poe as early as June. Kaya when we declared openly kay Senator Grace Poe, nandoon na ako that early. In fact, nilapitan ako ni Secretary Mar Roxas, he invited me to be his vice president back in August. I politely declined him because nandodoon na 'yung grupo namin kay Grace Poe. 'Di ba? Sinasabi bakit kaya ko lang daw binibira kasi ni-reject ako ni... Ang babaw ko naman. 'Di ba?

And I'm so happy that I didn't end up with him, otherwise ako 'yung maggagawa no'ng role ni Alan na dedepensahan ko, magpapaliwanag parang 'yung mga Dutertards na nirerespeto 'yung mga kagaguhan ni Mayor Duterte. I'm so glad na hindi kami ganoon din. And besides, may alyansa siya with the NPAs e, with the Communist. That's a big trigger for us. 'Yung mga sundalo, maraming namatay. Ito nga, lately, 'yung mga pulis o sa kaniyang mannerism doon mo makikita na talagang kontrolado niya. Ayon.

QUESTION: Paano 'yun, Sir? Kahapon sinabi nga ni Duterte na hindi siya magsa-sign ng waiver.

SAFT: Then I'd keep on putting up the pressure. Ito, anong balak mo na sa mga kababayan natin? Kasi ito, o, nakita mo 'yung challenge. I have raised the ante. Ito na. 'Di ba? Just so na pu-prove na tama 'yung aking bokasyon, 'yun na 'yon. Sige, tingnan natin. Ilabas niyo 'yung tapang niyo rito.

QUESTION: Sir, puwede bang sa Monday sa BPI 'pag nagkita kayo, doon na sure 'yung money waiver?

SAFT: O, sige. Mag-aabang tayo. SIguro let's wait for 30 minutes kaso baka tulog pa siya niyan. Normally gumigising daw 'yon alas-tres na e. Pero for this focus, in the interest of transparency, please, tapusin na natin itong issue na ito.

QUESTION: Pero, Sir, sa monitoring niyo, nandoon pa 'yung mga pera?

SAFT: Regardless kasi e. 'Pag nag-request ka ng bank statement, lahat 'yon ilalabas 'yon. Ngayon kung kinlose niya, 'yung waiver na 'yon gagamitin natin 'yon sa Anti-Money Laundering Council as a basis...

News Latest News Feed